CHAPTER TEN

3.2K 106 5
                                    

CHAPTER TEN
JAJA'S POV

I threw my head back laughing as soon as I digested what Kris just said.

Holy moly! Anggaling umarte ni koya! HAHA.

"Kris, anggaling mong umarte! Bentang-benta!" Nahihirapan akong huminga at magsalita dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagbuhakhak. Hinahampas-hampas ko pa siya nang mahina dahil nakakatawa talaga yung sinabi niya.

In fairness, ah. May talent talaga si Kris when it comes to acting. XD Parati niya kasing sinasabi sa amin nun na gusto niyang maging actor someday aside from being a performer. Pag hindi na raw masyadong hectic ang scheds nila, isisingit niya daw ang acting workshop. Eh baka naman nakapag-workshop na itong taong to?

"Grabe yung joke mo, Kris! Nakakagising ng utak!", sabi ko ulit nang medyo kumakalma na ako sabay hampas ulit sa kanya sa balikat.

Nakita kong seryosong-seryoso ang itsura niya. As in sobrang seryoso habang nakatingin lang sa aking tumatawa.

And that was then I sensed something was fishy. "Kris..?"

What's with the serious face?

He suddenly smiled awkwardly at kinamot pa ang ulo.

Napakunot naman ang noo ko. Para atang wala sa sarili si Kris?

"Y-yeah... you're right... I was only j-joking.", he said. But I saw how hesitant he was with what he said. Nasundan naman ito ng isang malalim na buntong-hininga at isang napaka-awkward na pagtawa.

Hala. Ito na ba ang resulta ng hectic na schedules?

"Hahaha. Yeah... that was a joke.", pag-uulit niya habang tumatawa pa rin.

Hindi ko ma-gets si Kris. Para siyang natatae na naeewan na napapraning na nawawala sa sarili. Parang hindi niya alam ang mga sinasabi niya.

Tatanungin ko sana siya kung okay lang siya pero hindi ko naituloy dahil bigla kong narinig si Grey na tinatawag ang pangalan namin ni SJ.

"Ate Ja... Kuya SJ..."

Napalingon ako sa may kwarto pero nasa labas na pala ang kapatid ko at naglalakad na patungo sa akin while rubbing his eyes innocently.

I opened my arms widely para naman dumiretso dito ang kapatid kong parang naaalimpungatan pa. "Come here, Grey.", sabi ko at umupo naman siya sa sofa at yumakap sa akin. Hinanap niya agad ang kuya SJ niya.

"Ate, asan si kuya SJ?", he asked while raising his little head to look at me.

"Nagluluto para makakain na ang tummy mo.", sagot ko habang ginugulo ang buhok niya.

"Manang-mana siya sayo, Jaja." Dun ko lang ulit naalalang nasa harap ko pala si Kris.

At dun ko lang din naalalang may sasabihin at itatanong pa pala ako sa kanya. Pero nang ibalik ko na sa kanya ang tingin ko, nakita kong nawala na yung awkward gestures and vibes niya. So, I decided na hindi na siya tanungin pa.

Ngumiti nalang ako dahil sa sinabi niya about sa amin ni SJ. "Syempre, kapatid ko to, eh!"

Kumalas bigla si Grey sa yakap ko at tumitig kay Kris na nakangiti sa kanya. "Ate, sino siya?"

Kris managed to answer Grey's question for me. "Hi, Grey. Ako si Kuya Kris. Friend ako ng ate Jaja mo." He patted my little bro's head. "Give me five!", sabi bigla ni Kris habang itinataas ang palad para makipag-apir sa kapatid ko.

I heard my brother giggle with glee habang nakikipaghigh-five kay Kris na ngayon ay nakangiti pa rin. Wala na talaga yung awkward vibe niya. Siguro guni-guni ko lang yun.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon