CHAPTER NINE
JAJA'S POVMabilis kong yinakap si SJ the moment I realized na hindi pala ito panaginip.
Nasa harap ko na ngayon ang taong ilang linggo ko na ring gustung-gustung-gustung-gustong makita at masapak at masuntok at masampal! Hehe. Miss na miss ko na tong SJ na to!
Narealize ko nalang na umiiyak na pala ako habang mahigpit na yumayakap sa kanya. "Shets, SJ. Miss na miss na miss kita!", sabi ko habang umaagos mula sa ilong ang uhog. "Sobrang na-miss kita, SJ!"
"Akala ko talaga di mo ko mami-miss! Yun pala halos magbigti ka na dahil gustung-gusto mo na akong makita!", sabi naman niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Ayokong kumalas sa pagyayakapan namin. Ayaw ko. Masyado kong na-miss tong bestfriend ko kaya ayokong itigil ang yakapan namin.
"Woah. Na-miss mo talaga ako. Sobrang chansing ka na kasi!", biro niya pero ngumiti lang ako.
Wala pa talaga akong planong kumalas sa yakapan namin, eh. "Chansing na kung chansing!", sabi ko lang.
"Oy. Pansinin niyo naman ako dito."
Nabigla naman ako nang may biglang magsalita.
Boses-bata? Eh?
Hala. Hala. Baka may multong bata sa condo unit na to? Hala.
Kumalas ako kay SJ at nagpalinga-linga.
Walang tao!
Pero nung ibinaba ko na yung tingin ko, halos tumalon ako sa gulat nang makita ang pinaka-kyut na nilalang sa mundo.
"GREEEY?!", bulalas ko.
Anong ginagawa ni Grey dito?
Mabilis akong lumuhod para yakapin ang kapatid ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Gusto niyang sumama kasi miss ka na rin daw niya. Kaya ayun, sinama ko nalang.", rinig kong sabi ni SJ.
Mahigpit ko pa ring niyayakap si Grey kasi sobrang na-miss ko din tong batang to! Sana andito rin si mama para kumpleto na!
Naiiyak na naman ako. "Sobrang na-miss ka ni ate, Grey.", mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"I miss you rin, ate.", sabi naman niya na lubos na nagpaiyak sa akin.
"Awee. Akala ko nakalimutan mo na ako, eh!", sabi ko.
Naramdaman ko naman ang pagtapik ni SJ sa balikat ko.
"Ate, tama nang pagyakap. Di na ako makahinga." Natawa naman ako sa narinig mula sa kapatid.
Tumatawa akong kumalas sa yakap ko sa kanya at tumayo. Ginulo ko ang buhok niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Ate, ngayon ko lang nalamang madrama ka pala!"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Narinig ko ring tumawa si SJ. Seriously? Sinaniban ata to ng kaluluwa ng matanda ang kapatid ko?
Pero natuwa at natawa lang ako. "Miss ka lang ni ate.", sabi ko at humawak sa braso ni SJ at hinawakan ang kamay ni Grey. "Tara sa loob. Pasok tayo.", sabi ko sabay hila na sa kanila patungo sa loob ng unit.
"Balitaan mo naman ako tungkol sa buhay mo, SJ.", sabi ko kay SJ habang nakaupo kami sa kama ko at nilalagyan ko ng kumot ang natutulog nang si Grey. Napagod daw masyado sa byahe.
"Sira. Para namang ilang dekada tayong di nagkita.", sabi naman niya na nagpatawa sa akin.
"Gago. Sige na. Halos isang buwan na rin tayong di nagkikita. Maraming pwedeng mangyari sa time frame na yun.", sabi ko habang umuusog palapit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16702969-288-k302161.jpg)