CHAPTER TWENTY-NINE
JAJA'S POVWhat to wear???!
My hands are on my cheeks habang tinititigan ko ang mga nagkalat na damit sa ibabaw ng kama ko. Yung iba, sa sahig na nakalapag dahil kanina pa talaga ako naghahanap ng isusuot ko.
Eh bakit nga ba ako namomroblema ng isusuot?! Gaano ba kahalaga ang lakad na to? Akala ko ba ayaw kong sumama? Eh bakit parang mababaliw na ako ngayon sa kakahanap ng masusuot? Eh ano ngayon kung nakapants at T-shirt lang ako? Psh.
Pero lahat ng naisip kong yun eh bigla nalang nag-evaporate sa kalawakan at tuloy na naman ang pamomroblema ko sa lecheng isusuot ko.
Isang oras nalang, andito na si Sehun. Psh.
"So what?!" Para akong loko na binabara ang bawat naiisip ng utak ko. Nababaliw na nga siguro ako. Huta.
Pinulot ko yung isang kulay maroon na sleeveless dress na medyo above-the-knee. Ahy, mae-expose ang braso ko neto.
Yung kulay puting dress naman yung pinulot ko mula sa sahig. Para naman akong magsisimba neto.
Ano naaaa??? Ano nang susuotin kooo??
Pabagsak nalang akong napaupo sa sahig. Juthko, ba't ang OA-OA ko ngayon?
"Anak! Bilisan mo na sa pagbibihis dyan! Baka dumating na si Sehun maya-maya lang!", rinig kong biglang sigaw ni mama mula sa baba.
Haaayyy. Anong meron kay mama ngayon? Ba't parang ginayuma ng Sehun na yun? Parang may conspiracy na namamagitan sa dalawa, eh. T.T
"Opo ma.", matamlay ko nalang na sagot sabay tayo.
Bakit ko nga pinoproblema ang isusuot ko? I can wear anything, right? Si Sehun lang naman yun. Charrr.
Sumuko na ako at mabilis na ibinalik sa cabinet lahat ng damit na lumabas mula rito.
Kumuha nalang ako ng kulay beige na skinny jeans at kulay puting three-fourth polo top. Mas simple, mas okay.
**
"Eh paano pag may makakita sayong mga fans? Pag nangyari yun, damay ako. Marami pa namang nakakakilala na sa akin dahil dun sa nangyari kay Kris.", sabi ko.
Nakita kong may pa-wink-wink pa si mama kay Sehun habang naglalakad na kami palabas ng pinto. Seriously?! Nagdududa na talaga ako!
"Hindi mangyayari yan.", simpleng sagot lang niya.
Nakasuot lang si Sehun ng isang kulay puting pants tapos isang isang kulay asul na polo. Mabuti nalang at di ako naka-dress. Pero kahit simple lang ang suot niya, anggwapo pa rin niya. Hindi ako lumalandi, ah. Obserbasyon ko lang yan.
Paglabas namin, nagulat ako nang hindi patungo sa highway o palabas ng subdivision ang direksyon namin.
"Saan tayo pupunta?", tanong ko.
"Secret."
Psh. May nalalaman pa siyang ganyan.
"Eh di okay."
Habang palayo nang palayo ang nalalakad namin eh parang alam ko na kung saan kami patungo.
OM. Hindi kaya..?
At nang lumiko kami eh dun ko narealize na tama ng hinila ko.
Dun nga. Dun nga kami patungo.
Napatitig ako kay Sehun bigla.
Di tulad kanina na sobrang ingay at kulit niya, ang tahimik niya ngayon. Tapos diretso ang tingin at parang ang lalim ng iniisip.