CHAPTER SEVEN
SEHUN'S POV"Kunin mo yung cellphone sa bag ko, andun sa van.", utos ko kay Jaja.
Nag-aalangan naman siyang tumango sa akin sabay taas ng kilay at sinimulan nang maglakad.
Alam kong naiinis na siya sa akin. Kanina ko pa kasi siya pinapahirapan sa mga utos ko sa kanya.
Tubig, coke, towel, panyo, at kung anu-ano pang utos na maaaring makapagpapagod sa kanya.
At ngayon nga, ang cellphone ko naman ang naisipan kong ipakuha sa kanya sa van na nasa parking lot na sobrang layo dito sa venue ng fansigning event. Pero ang totoo, nasa bulsa ko lang talaga yung cellphone ko.
Gusto kong maramdaman niya na ayaw ko sa kanya. Gusto kong mapagod siya para sa lalong madaling panahon, umalis na siya rito at bumalik na sa kanila.
Ilang minuto ang lumipas at nakikita ko na ang pagod niyang katawan at mukha mula sa malayo.
Alam kong pagod na pagod na siya. Hindi lang naman ako ang nag-uutos sa kanya. Pati na rin ang ibang hyung at kasali na din si manager hyung.
Dalawang linggo na siyang nagtatrabaho sa akin kaya dalawang linggo na rin siyang ganyan. Siguro naman hindi na siya magtatagal dito.
"Wala naman ang cellphone mo dun.", sabi niya sa akin habang pumipirma ako sa mga posters na dala ng isang fan.
I grinned. An evil one.
Nagsalita ako nang hindi siya nililingon. "I forgot. Nasa bulsa ko lang pala."
"Ganun?" I sensed anger on her voice.
Narinig ko naman na tinawag siya ni manager hyung.
***
JAJA'S POV
Napaupo ako sa kama ko nang makarating ako sa condo unit na pinahiram muna sa akin ni tita Sarah.
Katabi lang ito ng condo o dorm ng EXO.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Pagod na pagod ako. Mentally, emotionally and physically.
Sa dalawang linggo kong pagtatrabaho as P.A nila, pinaparamdam talaga ni Sehun na ayaw na ayaw niya sa akin.
Alam kong sinasadya niya ang lahat ng hindi makatarungang pag-uutos sa akin. Hindi naman ako low-gets at bobo para hindi ma-gets yun.
Pero kahit ganun, masaya pa rin ako kasi nirerespeto naman ako ng mga kagrupo niya.
Pinaparamdam nila sa akin na hindi ako isang P.A kung hindi isang kaibigan.
But still, that won't stop my heart from hurting. Nasasaktan na talaga ako sa mga pinaggagagawa ni Sehun sa akin, eh.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na.
Miss na miss ko na si SJ.
Kinuha ko yung cellphone ko and dialled SJ's number.
"Jajaaaaa! Jajaaaaa! I miss you!", bungad niya agad na nagpangiti sa akin kahit humahagulhol ako.
"SJ... I miss you, too." Sinubukan kong ayusin ang boses ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako kaso nag-crack talaga ang boses ko, eh.
"Umiiyak ka? Shet, Jaja! Anong ginawa nila sayo? Sabihin mo!"
"W-wala... wala. Miss lang talaga kita.", pagsisinungaling ko kahit gusto ko na talagang sabihin sa kanya ang totoo.
"Hindi ako low-gets, Ja. Alam mo yan. Sabihin mo na sa akin ang totoo."
Dahil sa sinabi ni SJ, hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulhol. Kinuha ko na yung unan ko sa gilid ko at niyakap ito.