CHAPTER TWENTY-FOUR

2.8K 89 9
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR
JAJA'S POV

Isang napakainit na yakap ang sinalubong ng ibang bakla pagpasok na pagpasok ko sa dorm nila.

Halatang bagong gising lang silang lahat dahil namamaga pa rin ang mga mata nila.

At syempre, sobrang halatang stressed out sila.

Hindi katulad ng dati na sobrang bibo at ingay nila kahit kakagising pa lang, sobrang tahimik nila ngayon.

Nasa sala silang lahat kasama ako except nalang kay Kris syempre at sa isang taong kailanma'y di nakisali sa mga diskusyon namin. Sino pa ba?

Napag-usapan namin kung gaano sila nagulat at nag-alala nang malamang bigla akong umalis. At hindi rin nila napigilang mabigla nang malaman ang lahat tungkol sa amin ni Sehun. Syempre, hush mode sila kasi nasa paligid lang si Sehun at baka nakikinig sa amin. Ako naman, isang ngiti lang ang naging sagot ko sa mga sinabi nila.

Teka lang... di yan ang agenda ko sa pagbalik dito. Pero paano ko nga ba isisingit ang tungkol kay Kris?

"Salamat sa pag-alala, tapos sorry din kasi pinag-alala ko pa kayo. Sorry. Nawarak talaga kasi yung puso ko nun, eh.", sagot ko lang sa mahaba nilang mga monologue tungkol nga sa nangyari sa akin.

Pero... nawarak ang puso? Ew. Saan ba galing yun? Psh.

Biglang tumahimik ang lahat.

Perfect timing? Ito na ba yun?

Huminga ako nang malalim at ibinuka ang bibig. "Uhm... guys, kumusta nga pala kayo ngayon sa problema niyo tungkol kay Kris?"

Dahil sa sinabi ko, napatingin silang lahat sa akin.

Kitang-kita ko sa mga mata nila ang lungkot. Damn. Ano ba yan, maiiyak ata ako.

Tumayo bigla si Baek at si Tao. Pinagtinginan namin silang dalawa. Bago pa makatalikod si Tao at Baek papunta sa mga room nila, kitang-kita ko kung paano nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata nila.

"Baek... Tao...", tawag ni Suho sa kanila pero tuluyan na silang pumasok sa loob ng kani-kanilang mga kwarto.

It broke my heart.

Baek and Tao are two happy persons at hindi ko kinayang tingnan silang nag-iba ang ugali dahil sa nangyari. Kris, hope you see this.

"I-I'm s-sorry...", sabi ko sa mga natira sa sala.

"Hindi namin alam kung bakit siya biglang umalis, Ja. Isang umaga, nagising nalang kami na wala na siya. May note siyang iniwan saying, Bye. Keep up the good work, kids.", sabi ni Chanyeol na first time kong nakitang nakasimangot.

"Kaya nga ako b-bumalik dito, eh.", sabi ko. "Para tulungan kayo."

Napatingin uli sila sa akin. "Tulungan? How?"

I straightened my back para simulan ang mahaba kong sasabihin. "Pumunta si Kris sa amin one night."

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. "Ano?", they yelled in chorus.

I told them everything. At hanggang sa humagulhol na ako. Pati na rin ang iba, nakiiyak na rin. "... and kanina lang, bigla siyang umalis habang tulog pa ako. Akala ko okay na yung plano namin pero sobrang nagulat ako nang iwanan lang niya ako ng isang text." I read aloud the text. "Pero syempre, hindi ako papayag na wala akong ginagawa para makatulong. Tinuloy ko pa rin ang plano kong pumunta rito.", I finished with a sigh.

"Siguro nga gusto niya na talagang umalis.", malungkot na sabi ni Xiumin.

"He's irresponsible! Yan ang bottomline sa lahat ng nangyayari ngayon. Nang dahil lang sa agency namin? Paano nalang ang pinagsamahan naming lahat? He's really irresponsible!", galit na turan ni Suho. The other leader.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon