CHAPTER TWENTY-TWO

3K 82 14
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO
JAJA'S POV

"K-Kris?!"

Matapos kong isigaw yun, eh mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa sobrang pagkagulat. Omg. Si Kris ba talaga to?!

Ngumiti na naman siya at para pang matatawa sa reaksyon ko.

Oh mens, oh mens. Hallucination ba ang tawag dito?

"Ikaw b-ba talaga yan, Kris?", tanong ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Paano? Bakit? Kailan? Paano siya nakarating dito at paano niya nalamang dito ako nakatira? Bakit niya ako pinuntahan dito? Bakit andito siya? Kailan pa siya dumating?

Ang dami-daming tanong sa utak ko at kitang-kita ko naman sa mukha ng loko na tuwang-tuwa siya sa reaksyon kong para nang hihimatayin at mawawala sa huwisyo.

"B-bakit andito ka? Paano mo nalamang dito ako nakatira? Kailan ka pa dumating dito, Kris?", sunud-sunod na tanong ko habang kinakamot ang ulo ng walang tigil.

Tumawa lang ang loko at napayuko habang hinahawakan ang tiyan.

"Epic! Your reaction's priceless, Ja! Nakakatawa ka naman!", sabi niya.

Tumahimik nalang ako habang tinitingnan siyang tumatawa. Pinakalma ko nalang muna ang sarili habang hinihintay na matapos sa pagtawa itong si Kris.

Napansin naman siguro niyang tumahimik ako kaya naman tumigil na rin siya sa pagtawa.

Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay pero isang ngiti ang naging sagot niya dito. Ginulo niya ulit ang buhok ko kaya naman pumalag na ako at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.

"Too many questions. Ikaw nga yung dapat magpaliwanag sa akin, eh."

Agad ko namang na-gets yung ibig niyang sabihin. Siguro nga marami talaga akong dapat ipaliwanag.

**

"Ma, andito na po ako!", sigaw ko habang pumapasok ako sa loob ng bahay at nasa likuran ko naman si Kris.

Bumaba si mama mula sa kwarto niya at nanlaki ang mata nang mapansing may gwapo at matangkad na lalaki akong kasama.

Napangiti ako nang palihim. "May bisita ho tayo.", sabi ko naman.

"Good evening po, tita.", rinig ko namang sabi ni Kris mula sa likuran.

"Magandang gabi din, hijo...", mama responded pero sa akin nakatingin.

Mama knew EXO at alam kong nagulat siya dahil may isang miyembrong inilipad ng hangin sa bahay namin.

Alam ni mama ang naging problema ko dun sa Maynila tungkol kay Sehun. Sinabi ko na lahat. After all, ina ko siya kaya pinili ko nang huwag isikreto ang lahat.

"Excuse me lang, hijo... kakausapin ko muna ang anak ko." Hinila ako ni mama palayo kay Kris.

"Ma, bakit po?", tanong ko.

"Bakit andito siya?", nag-aalalang tanong ni mama.

"Hindi ko nga rin po alam, eh. Mag-uusap pa ho kami, ma.", sagot ko.

Nilingon ko si Kris na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin habang nakatingin sa amin.

Sinenyasan ko siyang umupo dahil baka napapagod na siya sa kakatayo. Sumunod naman siya at umupo sa sofa malapit sa kanya.

"I-explain mo, Jaja, kung bakit ka umalis nang walang paalam sa kanila. Baka nag-alala din sila para sayo."

Huminga ako nang malalim. "Opo ma."

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon