CHAPTER TWENTY-SIX
JAJA'S POVI literally jumped out because of shock when I realized he was hugging me and I was hugging him back.
Dafuq! Ano ho yun?!
We exchanged gazes for some seconds before I finally took mine to other directions.
I'm pretty sure I was sooo red right now!
Ayan tuloy napapa-english yung author!
Mali yun! Maling-mali! Ano yun? Kakalimutan ko nalang yung ginawa niya sa akin dati dahil lang sa tinulungan niya ako ngayon? Nuh-uh. Kaya kong tiisin tong kilig na nararamdaman ko everytime nagkakaroon kami ng moment. Pero di ko pa rin talagang kayang makipag-ayos sa kanya. Nevah evah.
"Ja..." Halos mapalundag naman ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"A-ano?", I stuttered between heavy breaths.
Ano ba naman yan, Jaja!
Magsasalita na sana siya kaso bigla na lamang bumukas ulit ang malaking pinto at pumasok ang napakaraming mediamen na may dala-dalang mga malalaking cameras.
Mabilis akong tumakbo papunta sa gilid ng silid para makaraan ang mga mediamen at pati ang kanilang mga camera at dahil na rin sa takot na baka madaganan nila ako.
Nawala bigla sa paningin ko si Sehun at alam kong dinudumog na siya ngayon ng mga reporters.
Iginiya ko ang paningin sa paligid para hanapin siya (kahit pa hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap) at ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin kanina ay nakita ko siya. Nakita ko siya, nakita ko siyang nakatingin sa akin.
His face was like saying sorry dahil sa pagkakaputol ng pag-uusap namin pero taliwas sa iniisip niya, mabuti na ring di natuloy yung usapan sana namin kanina.
Habang pinapaligiran siya ng mga reporters eh panay lang ang tingin niya sa akin kaya halos di siya makasagot ng maayos sa mga tanong ng mga ito sa kanya.
Hindi ko naman mapigilang kiligin dahil dun. Ja, wag mong sabihing bumibigay ka na?
"How dare you insult me earlier!" Nabigla naman ako nang may biglang humablot sa braso ko at nagsabi nun kaya nawala ang paningin ko kay Sehun.
Jusmeyo marimar! Yung kalbong abogado pala ni Kriseu!
I was probably blinking for the millionth times kasi bigla akong kinabahan.
Hala, hala. Nasabi ko lang naman yun dahil sa pagkakataranta kanina, eh!
"Anong sinabi mo sa akin kanina?", tanong niya.
"U-Uhm... uhm..." I can't find the right words to say! CHAROWT! XD
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kaba nang bigla na lamang may nagtulak kay Atty. Kalboooww na naging dahilan ng pagkakatumba niya sa may gilid.
Nagulat na lamang ako nang makitang mga reporters at cameramen pala yung nagtulak sa kanya.
Hala? Bakit andito sila sa harap ko?! Bakit nakatutok yung cameras nila sa akin ngayon?! Jusko po, na-discover na ako! Dejokelang! XD
Nilingon ko si Atty. Kalbow at nakitang nagwawala siya sa sahig.
"Walang hiya kayo! Mga walangya! How dare you push me here! Mga leche!", pagwawala niya.
Natawa nalang ako nang makitang walang pumapansin sa kanya. Buti nga sayo, bleh. :P
"Miss? Ano hong pangalan niyo?"
