CHAPTER FIFTEEN

2.7K 94 21
                                        

CHAPTER FIFTEEN
JAJA'S POV

Ambilis-bilis ng mga pangyayari.

Ambilis-bilis.

Sa sobrang bilis, di ko na alam kung paano nangyari ang nangyari.

Galing lang ako sa restrooms at pabalik na sana ako sa table namin ng EXO nang bigla ko na lamang naramdaman ang matigas at basang sahig na humampas sa may balakang ko.

I felt an agonizing physical pain consume my system.

Ansaket. Para akong nabalian o ano. Di ko alam.

Nagulat pa ako nang bigla na lamang tumigil yung party music at disco lights habang namimilipit ako sa sakit.

Para bang tumigil yung party.

Mas nagulat at nabigla naman ako nang malamang nakatingin na pala sa akin ang halos lahat ng taong andoon sa may area na yun ng party hall.

Like, hello? Tao here. Kailangan ko ng tulong, hindi ba obvious?

Hindi ba nila nakikitang kailangan ko ng tulong dito?

Nakatunganga lang sila habang  masamang nakatingin sa akin.

Sobrang sakit na talaga ng pesteng balakang ko. Shets.

Gustuhin ko mang tumayo, alam kong di ko talaga kayang gawin ang bagay na yun.

Ang malas-malas ko naman. T.T Sa part pang to ng party hall ako nadulas. Naturingan pang wala akong kakilala. T.T

Sinubukan kong tumayo pero parang may kumirot sa may kaliwang balakang ko kaya naman hindi ako nagtagumpay sa plano. Namilipit pa tuloy ako sa sakit. Shets.

Habang namimilipit ako sa sobrang sakit  na nararamdaman ko, may napansin akong lalaking nakatayo sa harap ko. More or less one meter lang ang layo ng lalaki mula sa akin.

Hindi niya ba ako tutulungan?

Inangat ko ang ulo ko para malaman kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

Holy shizz.

Nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung sino ito.

Nakasuot siya ng navy blue long sleeved shirt at matiim na nakatingin sa akin na may halong pagkalito at kaba.

Sehun?

I froze ther for a moment.

Tutulungan niya ba ako? Is he going to help me here? Maaawa kaya siya sa akin this time sa sitwasyon ko?

I felt again the pain on my hips kaya bahagya akong napayuko para itago saglit ang nasasaktan kong ekspresyon.

Ano, Sehun? Tulungan mo na ako, please.

Inangat kong muli ang ulo ko pero sa halip na dumiretso uli sa mukha niya ang paningin ko, napadpad ito sa kamay niya.

Sa kamay niyang may hawak na baso.

Sa kamay niyang may hawak na basong walang laman.

I tried to felt something was really wrong.

Huh?

Napataas nang bahagya ang kilay ko.

Basang sahig at basong walang laman?

Ako at si Sehun?

Ang pag-asang baka tulungan niya akong makatayo eh agad naglaho nang ma-realize ko kung ano ang mga nangyayari.

Napatawa ako sa loob-loob ko.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon