CHAPTER TWENTY-THREE
JAJA'S POVMy phone rang and it triggered my consciousness to awake.
I slowly opened my eyes and it adjusted to the light for a few seconds before my vision finally became clear.
Nakakasilaw yung sinag ng araw na lumulusot sa bintana.
Tumigil na yung pagtunog ng cellphone ko nang tuluyan nang magising ang ulirat ko.
May flight pa kami ni Kris. I need to wake up.
Hindi muna ako gumalaw at hinanap muna ang maliit na alarm clock na nakalapag sa ibabaw ng bedside table ko.
5:45 pa pala. 9 yung flight namin. Psh. Pwede pa akong bumalik sa pagtulog saglit.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para makatulog ulit nang maalala ko si Kris na natutulog sa sahig sa baba lang nitong kama ko.
Gising na kaya si Kris? Nakatulog kaya siya? Nakatulog kaya siya nang maayos?
Para masiguro, tinawag ko siya. "Kris?"
Walang sumagot.
"Kris?", I tried calling him again.
I got nothing for an answer again.
Tulog pa siya? As en?
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa hindi pagsagot ni Kris.
Praning lang?
Nawala lahat ng antok sa katawan ko dahil sa koryusidad na bumabalot sa utak ko kaya naman mabilis kong hinawi ang kumot na nakabalot sa akin at agad bumangon.
Lumingon agad ako sa hinihigaan ni Kris at naalarma pa lalo ako nang hindi siya makita doon.
Dafaq! Asan si Kris?!
"Kris?! Kris?!?", natatarantang tawag ko sa pangalan niya dahil baka nasa baba na siya o di kaya'y gumagamit lang ng banyo.
"Kris?! Kris, asan ka?!" Shit! Don't tell me... No, ayokong isipin yun!
Tumayo ako mula sa kama at mabilis na tinungo ang banyo. Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan at napamura nang malutong nang di rin makita sa loob si Kris. "Shit!"
I hurried towards the door pero napatigil ako nang maalalang nag-ring yung phone ko kanina na naging dahilan ng pagkakagising ko mula sa pagtulog.
I hurried back to my bed at mabilis na hinablot ang phone ko malapit sa unan ko.
Natakpan ko nang wala sa oras ang bibig ko sabay pabagsak na naupo sa kama nang makitang kay Kris nga galing ang text na inilipad sa inbox ko.
I tapped the screen with shaking hands and opened the message.
Mabilis namang tumulo ang luha ko pagkabasa pa lang sa unang salita sa text niya.
The message goes like this:
Sorry. Sorry, Jaja. You don't have to go back to Manila. I'm sorry. Alam kong naperwisyo kita. Hindi ka dapat nadadamay sa problema kong to. You've been very good to me and I thank you for that.Just forget that I showed up to you last night. Pakisabi nalang kay tita na salamat sa pagpapatuloy niya sa akin sa bahay niyo at sa pagluluto ng chicken para sa akin kagabi. Chicken was not my style pero dahil sa kanya, nagustuhan ko na. Siguro pag nabasa mo to, nakasakay na ako ng eroplano. I'll pursue nullifying my contract pagkabalik ko sa Maynila. Ewan ko, nababaliw na siguro ako. Basta, Ja. Salamat. I'll miss you and I love you as my friend. :')
Humahagulhol na ako nang sobra pagkatapos kong basahin ang napakahabang text ni Kris.
Watdafak?! Anong kalimutan ko nalang?! Di ako papayag! Di ako papayag! At anong ipu-pursue niya ang pagpapa-nullify ng kontrata niya?! Shet! Bakit ang rupok mo, Kris?! Ba't ang rupuk-rupok mo?!