EPILOGUE

3.8K 139 32
                                    

ETO NA. :) ETO NA TALAGA. :) THIS IS REALLY IS IT, IS IT. HAHA.

Dedicated to all the readers. :)

EPILOGUE

JAJA'S POV

Three days later...

"Hindi ka pa ba talaga papasok? Tatlong araw ka nang absent, anak. Nag-aalala na si SJ sayo."

Kanina pa paulit-ulit si mama. Paulit-ulit. Nakakabingi.

Tama ang narinig niyo kay mama. Tatlong araw na akong absent at nagmumukmok sa kwarto ko.

Hindi rin ako halos kumakain.

Ewan ko. Masyado akong umasa't nasaktan.

Hindi ako tumatanggap ng bisita. Kahit pa si SJ, hindi ko pinapapasok sa kwarto ko.

"Ma, masakit pa yung ulo ko.", pagsisinungaling ko. Yung totoo, yung puso ang masakit sakin.

Binalot ko yung buong katawan ko ng kumot na tatlong araw na ding di nahihiwalay sa akin.

Sa tatlong masasakit na araw na lumipas, tanging yung kwarto ko lang ang nakasangga ko. Tanging ang kwarto ko ang testigo kung gaano ako nasaktan sa ginawa ng walangyang lalaking yun.

Ano bang naging kasalanan ko at sinaktan niya ako ng ganito? Wala akong ibang maisip maliban nalang sa isa. Ang tanging kasalanan ko lang ay ang mahalin siya ng totoo. Yun.

"Andun sa baba ang bestfriend mo. Sa ayaw at sa gusto mo, papapasukin ko siya.", ma-awtoridad na sabi ni mama at narinig ko na ang pagsarado ng pinto.

Ilang segundo lang ang lumipas, narinig ko na naman ang pagbukas nito. Si SJ na, alam ko.

Gumalaw yung kama, senyales na umupo si SJ dito.

Di lang ako gumalaw.

"Ja... huy.", tawag niya sa akin.

Di ako umimik.

Inalis niya ang kumot na nakabalot sa mukha't ulo ko kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon at umupo sa tabi niya.

"Alam mo, ang OA mo.", sabi niya bigla habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko.

Whatever. Di naman kasi ikaw yung nasaktan.

"Kung wala kang magandang sasabihin, makakaalis ka na.", sabi ko lang.

"Wala talaga akong magandang sasabihin kasi wala na din akong nakikitang maganda sayo. Tingnan mo nga yang sarili mo, ang gulu-gulo ng buhok mo, amoy patay na daga ka na, hindi ka pa nagbibihis simula nung nakaraang araw, at nagmumukmok ka lang dito."

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero totoo naman. Iba talaga pag sa mga loved ones mo naririnig ang mga ganoong bagay. Tagos hanggang buto. Tagos hanggang sa mga nucleus ng cells ko.

"Everything happens for a reason,.Ja. Malay mo, may magandang kahahantungan ang lahat ng to.", dagdag pa niya kaya di ko na napigilan ang sariling mapaiyak at kalauna'y mapahagulhol.

Hinaplos niya ang likod ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

Bestfriend ko nga talaga tong taong to. Kasi kahit amoy patay na daga na ako, nagagawa pa rin niya aKng yakapin ng ganito.

"Pumasok ka na, ah. Pag di ka pa lumabas ng kwarto mo ngayong araw na to, pagsisisihan mo yun habang buhay.", makahulugang sabi niya sabay kalas sa yakap at tayo.

Di ko napigilang mapakunot ang noo at mapatingin sa kanya. "Ano?", naguguluhang tanong ko.

Ngumiti siya. "Basta. Lumabas ka na dito.", sabi lang niya mabilis na lumabas ng kwarto ko. "May klase pa ako, Ja! Bye! See you later!", pahabol pa niya hanggang sa marinig ko na ang pag-andar ng motor niya sa baba.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon