CHAPTER TWENTY-ONE
JAJA'S POVNang malaman kong siya pala yung lalaking nabangga ko kaninang umaga at nakita kong nakatingin sa akin kanina mula sa labas ng coffee shoppe, mas tinubuan naman ako ng kaba sa dibdib ko.
Anong kailangan ng lalaking to sa akin? Sinusundan niya pala ako! Bakit? Anong kailangan niya sa akin?
I started to panic at sinimulang magpumiglas para mabitawan niya ang kamay ko.
"Bitiwan mo nga ako! Bitiwan mo ko!", iyak ko habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas.
Takot na takot na ako. Sobrang takot na takot na ako.
"I said let go of me!", I yelled.
Desperation to escape consumed me. At dahil dun, naisip kong gamitin ang paa ko para makatakas.
I raised my left leg, swung it hard and hit his manhood as hard as I could.
Nagsitayuan lahat ng balahibo ko dahil sa nagawa ko. Shet, I'm sorry!
Agad niya akong nabitawan at napatumba siya sa lupa habang namimilipit sa sakit ng kanyang pagkakalaki.
"I-I'm s-sorry!", nanginginig na sabi ko at nagsimula nang humakbang para makaalis at makatakbo.
Malapit na akong makaalis sa madilim na lote na yun nang bigla na lamang akong napatigil dahil sa pagtawag ng lalaki sa pangalan ko.
"Jaja! Ja!"
Nanlaki ang mga mata ko.
Ba't kilala ako ng lalaking to?
Lumingon ako at tiningnan ang lalaki na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa lupa at namimilipit sa sakit.
"Ja!", muli niyang tawag sa pangalan ko.
I suddenly had the urge to come closer to him again.
Pero pinangungunahan ako ng takot ko dahil baka masama nga ang taong to at may balak na di maganda sa akin!
"Ja!", he called again.
Iginiya ko ang mga mata sa paligid at kahit madilim, eh sinubukan kong makahanap ng kapirasong kahoy bilang armas at panangga ko baka sakaling may twist sa lalaking to.
Yun! Nang makakita ako ay hindi ako nag-aksaya ng panahon at mabilis na kinuha ito.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?", tanong ko sa lalaki habang dahan-dahan nang humahakbang papalapit sa kanya.
Jusko po, ako'y inyong patnubayan. Supply me courage, Lord. Jebaals.
Nainis ako kasi hindi sumagot yung lalaki. Inulit ko nalang ang tanong ko. "Sino ka ba!"
I was getting closer and closer to him. Mas lalo ding humihigpit ang pagkakahawak ko sa armas kong kapirasong kahoy lang.
"Hindi kita gagawan ng masama, ano ka ba! Ibaba mo yang hawak mong kahoy!", sabi niya.
Ano ako? Sira ulong susunod sa sinasabi niya? Eh paano nalang kung may gawin tong masama sa akin?!
"Sino ka nga kasi!"
Wala ba tong pangalan? Ba't antagal makasagot?! Ang simple-simple lang naman ng tanong ko, di ba?
Kinabahan ako nang dahan-dahan nang tumayo ang lalaki. Mas hinigpitan ko pa ang paghawak ko sa kahoy.
Shets, wala na siguro yung sakit sa birdie niya. T.T
"Drop that piece of wood! Makakasakit ka ng tao niyan, Jaja!"
Eh? Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. English? Hala. Tapos sobrang pamilyar pa ng mababang ng boses ng lalaki.
"Who are you?", I asked for the nth time while slowly putting down the piece of wood I was holding.
Mabilis siyang lumapit sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinila ako paalis sa madilim na lugar na yun.
Pero nagpatianod nalang ko sa paghila niya sa akin.
Ewan ko, pero hindi na ako kinakabahan. Biglang nawala lahat, di ko alam kung saan na napunta.
"Saan mo ba ako dadalhin?", tanong ko.
Malapit na kami dun sa ikalawang poste ng subdivision kung saan may ilaw.
At eksaktong nasa poste na kami eh tumigil na siya sa paglakad at paghila sa akin.
Dahan-dahan siyang humarap.
Tinanggal niya yung hood ng suot niyang jacket at cap at bumungad sa akin ang isang napakapamilyar na style ng buhok.
Eh? Pa-thrill?
Kasunod niyang tinanggal ay ang itim na masakara na tumatakip sa halos buong mukha niya.
At nang matanggal niya yun, hindi ko napaigilan na panlakihan ng mata, tayuan ng balahibo at laglagan ng panga.
What the fuck?! Seryoso?!
"Hello, Ja.", he said and smiled. Ginulo pa niya ang buhok ko.
Jesus Christ.
"K-Kris?!"
-DoChaRis
A very short update para sa twist ng sira-ulong author. HAHAHA.
AKALA NIYO SI SESE NOOOOHHH? HAHAHAHA. Akala niyo noh? XD Hahaha. Okay, masyado na akong madaldal. XD
Papanindigan ko pa yung pag-alis churva kuno ni Kris. HAHA.
Comment, arasseo? Hope you enjoyed kahit maiksi lang. :)