Simula

1.4K 48 33
                                    

Wanna add me on facebook? Please do. Kailangan mo ng kausap? Advice tungkol sa hirap ng buhay, lovelife, schools, and mental health, etc? Just hit me up with your message. Nagrereply ako.

There you can also see my updates about writing and other stuffs I do in my daily lives. Not my personal account but it's active for all my readers.

Add "Reiyian Stories" on Facebook. Usap tayo.

---------------------------------------------------------------------------------

Pagbabalik tanaw.

<Bernice POV>

Mahigit tatlong oras na akong nakatunganga habang nakahiga sa aking higaan. Hindi ko magawang makatulog sa kakaisip sa mga nangyari sa nakalipas na isang linggo.

Yung pag-kidnap sa 'kin ng isang grupo ng sindikato at ang misteryosong lalakeng tumulong sa 'kin para makatakas.

Napapanaginipan ko pa rin kasi ang mga nangyaring eksena. kung paano niya lahat pinatay ang mga kidnapper sa isang iglap. Mabilis siyang gumalaw at magaling makipag-away at ang isa sa hindi mawala sa isip ko ay ang maamo at gwapo niyang mukha at matipunong katawan.

He is too perfect to be Called as a Handsome hero.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

"Bye Bernice, mag-ingat ka!" Bati sa 'kin ng kaklase ko habang palabas na kami sa Gate ng Academy na pinapasukan namin. Uwian na namin at nagmamadali na akong umuwi dahil madilim na ang paligid at wala ng maraming tao. Hindi ako masusundo ng driver namin kaya wala akong ibang choice but to commute again.

"Bye, you too" I respond and smile.

Naglakad-lakad ako papunta sa bus stop dahil medyo may kalayuan ito mula sa academy. Hindi ko pa man narating ang bus stop ay may tumigil na isang kulay dark blue na Van sa harapan ko. Napaatras ako ng ilang hakbang nang makita kong nagsilabasan ang apat na lalaki  na nakasuot ng dark blue jacket at black Mask.

Mabilis silang lumapit sa'kin at pinagtutulungan nila akong ipasok sa loob ng Van na sinasakyan nila. Pilit pa akong nagpumiglas ngunit wala akong nagawa.

"Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan!" Singhal sa 'kin ng isang lalake.

"Anu bang kailangan niyo sa 'kin? Pakawalan niyo nga ako!" Sigaw ko sa kanila.

"Masasagot ang tanong mong 'yan bata, maghintay ka!" Sagot naman ng lalakeng nagdadrive habang pinapaharurot ng sobrang bilis ang sasakyan.

Patuloy lang akong umiyak habang tinatali nila ang dalawa kong kamay. Napatingin ako sa dinadaanan namin at pulos puno at mga halaman nalang ang nakikita ko at kahit isang bahay ay wala kaming nadadaanan. Nasaan na ba ako?

"Tuuulooooonngggggg! Tuulooong!.."

Napahalakhak silang lahat sa pagsigaw ko.

"Kahit maubos pa lahat ng boses mo walang makakarinig sa 'yo! Sound proof ang sasakyan na 'to at nasa loob na tayo ng property ng master namin bata!" Ani ng isang lalaki na nasa tabi ng driver.

"Kahit sampung beses ka pang papatayin ng master namin, hinding-hindi mo pa rin mababayaran ang lahat ng kasalanan niyo sa kanya! So, be ready kid! Magiging impyerno ang buhay mo! Hahahahah" sabi naman ng isang lalake sa tabi ko at sinakal pa ako!

Napa-ubo na ako ng ilang beses habang sinasakal ng lalake pero maya-maya pa'y nagulat kaming lahat sa biglang pagpreno ng driver nila.

" P*tangna! Bobo, ano nangyari? Ba't tayo tumigil?" Reklamo agad ng isa nilang kasama.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon