Kabanata 6

479 34 9
                                    

|Kabanata 6|

Bagong mukha.

Natigilan ako mga ilang metro ang layo sa bahay. Napansin ko ang tatlong armadong lalake na nasa tapat ng bahay at ang isa ay pumasok pa sa gate namin. Nagpalinga-linga ako sa paligid at baka nandito din si Scott ngunit wala akong nakita.

Buong tapang akong lumapit sa kanila kahit sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko.
"S-sino kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Good Afternoon, Maam Bernice nandito ka na pala, pumasok na po kayo." Nakangiting bati sa'kin ng isang lalake." Kami nga pala yung bagong mga taong pinagbabantay ng lola mo dito."

"Ahh ganun ba, sige." Sabi ko nalang at agad na pumasok na sa bahay.
Nadatnan ko naman si lola na nakaupo sa couch sa sala kaya agad akong lumapit sa kanya at humalik.

"Lola, bakit may mga nagbabantay sa labas? May problema po ba?" Agad kong tanong.

"Wala naman hija, may nakaalitan lang akong isang makapangyarihang negosyante kanina. Mas mabuti ng nakahanda tayo." Seryoso ang mukha na sabi ni lola.

"Bakit lola anong nangyari?" Patuloy kong tanong.

"Matagal ng magkakompetensya ang kompanya natin at ang kompanya nila, at hindi din talaga maiiwasan ang pagtatalo." Mahinahon lang na paliwanag ni lola

"Ganoon po ba? Mabuti nga rin at may nagbabantay na dito sa bahay."

Nagpaalam na ako at pumasok sa kwarto ko.
Tama lang ang ginawang desisyon ni lola mas mabuti ngang may nagbabantay sa'min, atleast napapawi ang takot na nararamdaman ko para sa kaligtasan ng pamilya ko.

Masigla akong gumising kinaumagahan dahil nakatulog ako ng maayos kagabi. Napagdesisyonan kong dalhin ang sarili kong sasakyan para si Kleah nalang ang ihahatid at susunduin ni kuya Joseph.

Pagdating ko sa room namin kataka-takang wala pa ang dalawa kong kaibigan, sa aming tatlo kasi ako yung palaging late kaya naninibago lang ako na mas nauna akong dumating sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext sila ngunit may isang message akong nakita. Hindi familiar sa'kin ang number, agad ko itong binuksan.

"Punta ka dito sa CL building, tumatambay kami dito" from unknown number.

Anong ginagawa ng dalawang bruha doon? Sh*t! Baka ano mangyari sa kanila dun?
Agad akong tumayo at ibinilin sa kaklase ko ang bag ko at agad akong tumakbo papunta sa lumang building ng academy.

Tahimik lamang ang buong paligid. Walang katao-tao. Umakyat ako sa second floor, habang iginigiya ang paningin sa buong paligid. Saan kaya pumunta ang dalawang yun?

Napaatras ako ng mahagip ng paningin ko ang isang babae na naka-itim. Kung Hindi ako nagkakamali ito yung babae na nakita ko noong isang linggo sa taas ng puno.
"Sino ka?"

Hindi sya sumagot at tiningnan nya lang ako ng masakit.
Napasigaw ako ng may biglang humawak sa braso ko.

"Sa wakas natyempuhan ka rin namin bata!" Matigas ang boses na sabi ng lalake.

"Ano bang kailangan nyo sa'kin! Bitawan nyo ako" Tatlo nanamang lalake ang nandito ngayon para tapusin ang buhay ko. Scott nasaan ka na ba?.

"Natanggap mo ba ang mensahe namin sa'yo?" Nakangising sabi ng isang kriminal.

"Mga demonyo kayo!" Sinigawan ko silang tatlo at tinawanan lang nila ako.

Tiningnan ko ang babaeng nakaitim at nakatitig pa din sya sa amin pero hndi na galit ang ekspresyon ng mukha nya, kumukunot na ngayon ang noo nya. Sino ba ang babaeng yan?? Hindi nya ba ako tutulungan dito? Sya ba ang Mastermind sa pagpapapatay sa akin?

Napalingon kaming lahat ng maramdaman naming may mga taong dumating.
"Waag!" Pigil ko sa mga kriminal ng tinutukan nila ng baril ang dalawa kong kaibigan.
Nagtilian naman ang dalawa kong kaibigan.

Nilapitan ko silang dalawa at niyakap.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw bern, bakit ka nandito sabi ng kaklase natin!" Garalgal pa ang boses ni Ara habang si lorlee ay umiiyak na sa sobrang takot.

Pinaupo nila kaming tatlo sa sahig.
"Hanggang dito nalang ang katapusan nyo mga bata. Lalong lalo ka na!" Turo sakin ng isang kriminal. "Ang hirap mong patayin. Nasaan na ng lalaking kasama mo? Para masabay sabay na namin kayong lahat."

"Wag nyong idamay ang mga kaibigan ko dito. Ako nalang ang patayin nyo! Nagmamakaawa ako." Naiiyak na sabi ko habang tinataas pa ang dalawa kong kamay. Scott iligtas mo kami. Nasaan ka na ba?

"Damay na din sila ngayon hahaha" humalakhak pa ang isang kriminal.

"Unahin nyo na ang dalawang kasama nya." Utos ng isang kasama nila.

Nag-iyakan na kaming tatlo. Ngunit nagulat na lamang ako ng biglang bumagsak ang lalaking nag-utos na patayin na kami. Nakita ko pa na dumaloy ang dugo sa semento.

Halos sabay-sabay kaming napatingin sa likuran nya at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang babaeng naka-itim. Tinutulungan nya kami?

Naalarma ang dalawang kriminal na natira at pinagbabaril nila ang babaeng nakaitim. Tulad ni Scott mabilis din sya gumalaw at hindi masundan ng paningin ko kung paano nya iwasan ang mga bala galing sa baril ng dalawang kriminal at kung paano nya atakihin ang mga ito na sunod-sunod ding bumagsak.

Hindi kami nakapagsalita sa nasaksihan namin. Kahit medyo nasasanay na akong makakasaksi sa ganitong pangyayari nagtataka pa rin ako kung bakit maliban kay Scott may babae pang tumutulong sa akin.

Malamig ang tingin niya sa'kin habang nakatayo lang sa unahan namin.

"Pasalamat ka dumating ang mga kaibigan mo." Napakaseryoso ng boses niya at naglakad na palayo sa amin.

"Anong nangyari sa atin?" Maluha-luhang tanong ni lorlee.

"Tara, kailangan na nating makaalis dito, pinagbabawalan ang pagpunta dito." Hinawakan ko silang dalawa sa kamay at hinila.

Alam kong wala silang maaalala sa nangyaring pagligtas sa'min ng babaeng nakaitim dahil pakiramdam ko kasamahan iyon ni Scott. Nasaan kaya siya? Bakit hindi siya ang nagligtas sa'kin?

I closed my eyes and tried to calm myself. Deep breath lang.

Hinarap ko ang dalawa kong kaibigan.

"Muntik na tayong mapahamak, wag na wag na tayong babalik ulit dyan." Ani ko.

"Oo nga.. Grabe ang kabang naramdaman ko ng muntik na tayong matamaan ng mga falling debris. Mabuti nalang at nakalabas agad tayo." Hinihingal pa na sabi ni Ara.

Ay grabe? Ang layo naman ng lumabas na kwento.

"Tara na guys, late na tayo." Sabi ni lorlee at nauna ng naglakad. Sumunod naman kami ni Ara.

Napailing-iling nalang ako sa mga nangyayari.

Nasaan ka na bang Scott ka? Madami na akong tanong na dapat mong sagutin.

Lalong lalo na ang tungkol sa babaeng nagligtas sa amin ngayon..

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon