|Kabanata 22|
Revealation 1.
"Ate!"
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng boses na umiiyak.
Kahit namamanhid ang buong katawan ko ay dahan-dahan akong bumangon at niyakap si Kleah na ngayon ay umiiyak at takot na takot.
"Sshhhh! Don't cry baby, nandito lang ako." Pagpapatahan ko sa kanya.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at nahagip ng paningin ko sina Ara at lorlee sa isang sulok at walang malay.
Tatayo sana ako para lapitan sila ngunit natigilan ako sa nagsalita.
"Finally, gumising na ang tagapagmana ng Oztalee Foundation!" Nakangising saad nya.
Nag igting ang aking panga ng mapagtanto ko kung sino ang tumatraydor sa amin, Si Atty. Cruzon! Hindi nga ako nagkakamali sa kanya dati pa.
"Ikaw ba? Ikaw lang pala? Anong kasalanan namin sayo hah? My lola trusted you, dahil akala namin mabuti kang tao, paano mo nagawang patayin si lola?" Galit kong sabi.
Hindi ko napigilan ang pagsilabasan ng mga luha ko dahil sa labis na galit naninikip ang dibdib ko sa mga nakumpirma ko, kung noon ko pa sana sya pinaimbistegahan sana hindi pa umabot sa ganito, sana hindi pa namatay si lola at sana hindi pa nadadamay ang mga kaibigan ko.
"Relax yourself Ms. Oztalee, I have a lot of reasons why I am being like this, yet if I tell you all those reasons, baka abutin tayo ng umaga." Nakangising sabi nya.
Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin, naikuyom ko ang mga kamao ko sa sobrang galit, mas nananaig ngayon ang galit na nararamdaman ko kesa sa takot.
"Pero, dalawa lang naman ang gusto kong mangyari ngayon, ang mawala ang mga Oztalee sa mundo at mapasakin ang lahat ng kayamanan nyo. That's all." Dagdag pa nya at bahagyang tumawa.
"Ikaw din ba ang pumatay sa mga magulang ko?" Mapait na tanong ko.
Kahit hindi ko man nakasama o nakita ang mga magulang ko, nakakaramdam pa din ako ng kirot sa dibdib kapag naaalala kong wala na sila at hindi ko na sila kailanman makakasama pa.
"Actually hija, hindi. Aksidente ang dahilan ng pagkamatay nila. Kaya nga ginagawa ko to sa pamilya mo eh, kasi hindi man ako nakaganti sa kanila pero may iniwan naman sila na pwede ko pang gantihan, you're tito and tita remember? Sumabog yung sinasakyan nilang private plane diba? Well, ako ang may kagagawan non." Pagkukwento nya.
Tuluyan ng nagsilabasan ang mga luha ko sa mata.
"Wala kang puso! Ikaw ang dapat na mamatay!" Sigaw ko sa kanya.
"Tama ka, wala akong puso! Ang mga magulang mo naman ang dahilan eh, sila ang dahilan kung bakit nawala ang lahat sakin, kung hindi dahil sa kanila hindi ko pinatay ang buong pamilya ko, ako man ang pumatay sa kapatid at mga pamangkin ko pero dahil iyon sa mga magulang mo!" Namumula ang mga mata nya habang galit na galit na nagkukwento.
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya, king sya naman pala ang pumatay sa pamilya nya bakit ang pamilya ko ang sinisisi nya.
"Masyado kasi akong naging tapat sa mga magulang mo noon, kaya lahat ng bagay na ikabubuti nila ginagawa ko, dahil inakala ko na kapag ginawa ko yun maisip man lang nila na kahit kalahati ng meron silang kayamanan ibibilin nila sakin, pero wala eh, pagkatapos kung pinatay ang buong pamilya ng kapatid ko, isang buwan ang nakalipas namatay din ang mga magulang mo, doon ko din nalaman na ang pinatay ko palang mga tao ay ang kapatid ko na matagal ko ng hinahanap at sila nalang sana ang natitira sakin, pero anong nangyari? Nawala din sila sakin at dahil iyon sa mga magulang mo!" Bawat salita na lumalabas sa bibig nya ay puno ng galit at pagkamuhi.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Misteri / ThrillerKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...