|Kabanata 7|
Patakbo akong pumasok sa loob ng sasakyan, kapag inaatake ka nanaman ng kamalasan. Madilim na ang paligid ng makalabas ako sa gate ng Academy. Tinapos ko pa kasi ang news na ginagawa ko para sa School paper ng school namin, at may dapat pa akong bibilhin na libro.
Agad akong tumungo sa National bookstore. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan mahirap na at baka maaksidente ako ng wala sa oras.
Agad akong nag-park at patakbo na pumasok sa mall at agad na dumeretso sa National bookstore.
Dalawang libro ang napagpasyahan kong bilhin, at agad na bumalik sa sasakyan ko.Napahinto ako sa paglalakad ng makalapit na ako sa sasakyan ko. Bakit sya nandito?
"Anong ginagawa mo dito?" Lumingon siya sa'kin. "Nanganganib nanaman ba ang buhay ko?" Kinakabahan wika ko.
"Hindi." Tamad niyang sagot.
Nilapitan ko siya at tinampal ang dalawang libro sa braso niya.
"Hindi ko alam kong niloloko mo ako o totoo ang mga sinasabi mo. Akala ko ba nagpapakita ka lang kapag nanganganib ang buhay ko?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"Paniwalaan mo kung anu ang gusto mong paniwalaan, wala akong pakialam." Walang ganang sagot niya.
"So totoo nga? Sabagay, muntik na akong mamatay kahapon hindi ka naman dumating, mabuti nalang at may tumulong sa'kin."
Napaangat siya ng tingin at tinitigan ako ng seryoso.
"Nanganib ang buhay mo kahapon? Sino ang tumulong sa 'yo?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Katulad mo rin sya. Mabilis din gumalaw at magaling makipag-away, babae nga lang." Kwento ko.
"Kaya pala hindi ko naramdaman na nanganganib ang buhay mo dahil may nauna sa 'kin." Sabi niya habang iginigiya ang tingin sa paligid.
"Baka naman tamaan ka na ng kidlat sa mga kasinungalingan mo na 'yan? Wag mo akong kwentuhan! Ano bang gusto mo? Bakit ka nagpakita ngayon?" Patuloy kong pagtataray sa kanya.
"Ano bang pakialam mo kung gusto kong magpakita sa'yo? Wala akong magawa eh." Magkasalubong pa ang kilay na sabi niya! Ba't dumoble yata ang kagwapuhan niya kapag naiinis?
Pero hindi tatalab sa 'kin 'yan ngayon, pinapainit nya ulo ko."Now I know! Nagpakita ka sa'kin ngayon dahil wala kang ibang magawa? Ang galing mo rin e. Ilang beses na akong nagsugal ng buhay ko para makita ka tapos sasabihin mo sa 'kin ngayon na kaya ka nagpakita kasi wala kang magawa?" Seryosong panunumbat ko sa kanya. Ang unfair kasi eh.
"Bakit? Kaanu-ano ba kita para magpakita ako sa 'yo bawat oras kung kailan mo gusto?" Sabi niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Natameme ako. Hindi ko alam kung bakit masyado na akong affected. Naguguluhan na ako.
"Wag mong ipamukha sa'kin ang katangahan ko, dahil wala kang karapatan gawin 'yun." Tanging nasabi ko nalang dahil sa hiya na naramdaman.
"Dahil 'yon ang totoo, bawas bawasan mo ang kagustuhang magkikita tayo, dahil sa bawat pagkikita natin buhay mo ang nakataya." Lumapit siya sakin habang sinasabi iyon. "Dahil hindi sa lahat ng oras nandito ako para iligtas ka." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
Pero naaapakan na rin yung ego ko sa mga sinasabi niya.
Nginitian ko siya ng mapait.
"Wag na wag mo na akong tutulungan simula ngayon, kahit manganib man ang buhay ko wag na wag kang magpapakita sa'kin para iligtas ako, hindi kita kailangan." Nilagpasan ko siya at pumasok na sa sasakyan ko.
Agad kong pinaandar ang makina ng sasakyan at pinatakbo na iyon.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako ng ganito.
Dahil ba sa ilang araw siyang hindi nagpakita sa 'kin? Dahil ba sa nalaman kong nagpakita lang siya sa'kin dahil wala na siyang magawa sa buhay niya?
Hindi ko alam e.
Habang minamaneho ko ang sasakyan, nadaanan ko nanaman ang babaeng naka-itim na nagligtas sa'min kahapon. Ibang-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Nakangisi siya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit.
I felt like I'm insulted by her smile.
Nakakabanas tingnan!Huminto ako sa harapan niya at ibinaba ko ang mirror ng sasakyan.
"Anong nginingisi ngisi mo dyan? Akala mo naman ikina-ganda mo!" Pagtataray ko sa kanya.
Nakita kong napa-ismid siya sa sinabi ko. Inirapan ko siya at pinatakbo na ulit ang sasakyan ko.
Pagdating ko sa bahay pinagbuksan agad ako ng guard, mabigat ang dibdib ko na pumasok sa bahay, nadatnan ko naman sa sala si atty. Cruzon.
Siya ang abogado ng pamilya namin, halos lahat ng negosyo namin sya ang nagmamanage nito. Buong buo ang tiwala ng lola sa kanya.
Lahat ng problema sa kompanyang iniwan ng mga magulang ko ay sya ang nagdadala.
Iwan ko nga kong bakit hindi ko maramdaman na mabuti syang tao.Naiinis ako sa kanya kapag nagkikita kami, wala akong tiwala sa kanya pero hindi ko iyon pinahahalata. Gusto ko na ngang makapagtapos ng college para ako na ang mamamahala sa negosyong iniwan ng parents ko.
"Good evening hija" nakangiting bati nya sakin.
"Good evening tito." I returned the smile. Then, I looked around as if I was looking for someone and added.
"Where's my lola?""Hindi pa sya dumadating hija, may meeting pa sila ng bagong investor natin, kaya nga hinihintay ko sya dito dahil may importante lang kaming paguusapan." Sagot nya sakin.
"Ganun ba, sige pupuntahan ko muna si kleah sa Room nya." Paalam ko at iniwan na sya.
Kahit hindi ko sya nagugustuhan, pinapakitaan ko pa din sya ng maayos mahirap din kasi ang manghusga ng kapwa lalo na't wala akong patunay sa mga kutob ko sa kanya.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Sunod-sunod kong pinaghahampas ang manibela ng sasakyan ko ng marinig kong pumutok ang gulong nito. Late na nga ako pumutok pa yung gulong ng sasakyan ko.
Friday na ngayon at supposed to be halfday nalang ang class namin, sana hindi nalang ako pumasok eh.
Hindi ako lumabas ng sasakyan, tinawagan ko si kuya Joseph na pupuntahan nalang ako.
Mga 30 minutes na akong naghihintay at nakaramdam na ako ng pagka-inip pero hindi pa din dumadating si kuya Joseph.
Naisipan kong lumabas muna upang mag-paiinit sa araw, nilalamig na ako sa loob dahil sa aircon.
Kalahati pa lamang ng katawan ko ang nakalabas sa sasakyan ng maramdaman kong may matigas na bagay na dumikit sa ulo ko, agad akong nag-angat ng tingin at agad kong nakita ang limang kriminal at ang isa ay tinututukan pa ako ng baril sa ulo.
"Huli ka na ngayon!" Marahas nya akong hinila palabas ng sasakyan.
"Bitawan nyo ako! Saan nyo ako dadalhin?" Nagpumiglas ako pero hindi ko magawang makaalis.
May kinuhang panyo ang isang lalake at mabilis na itinapal sa bunganga ko, naramdaman ko namang nahihilo na ako at nanlalabo na ang paningin ko.
Scott, kailangan pala kita!
Ipinasok nila ako sa sasakyan nila at doon tuluyan na ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Misterio / SuspensoKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...