Kabanata 19

308 20 16
                                    

|Kabanata 19|

"Lola, aalis na po ako." Paalam ko kay lola pagkababa ko sa salas.

"Sige, bernice. Keep safe." Mataman syang tumingin sakin at ngumiti.

Napapansin kong kakaiba ngayon ang ekspresyon ng mukha ni lola, hindi ko maipaliwanag pero kapag iniisip ko naninikip ang dibdib ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Kayo din po la." Ani ko.

Tinapik nya ako sa braso.
"La, mamaya po hah ipapakilala ko sya sa inyo." Nakangiting saad ko.

Binigyan nya naman ako ng nang-eechos look.

"Sige ba, walang problema apo." Sagot nya.

Napansin ko naman si kleah na naka-upo sa tabi ni lola.

"Kle, hindi kaba papasok ngayon?" Puna ko sa kanya.

"Hindi po ate, wala kaming pasok ngayon." Napailing pa sya.

Bahagya ko pang kinurot ang cute nyang pisngi bago tuluyang nag-paalam sa kanila ni lola.

Hindi ko alam pero may parte sa sarili ko ang tutol sa pag-alis ko ngayon, nararamdaman ko din ang pabigla-biglang pagkabog ng dibdib ko.

I took a deep breathe bago tuluyang umalis.

Napansin kong si Ara lang mag-isa ang naka-upo sa loob ng room kasama ang mga kaklase namin, I see the pain in her.

Sabagay, kahit ako hindi maiwasang magalit kay Denver kahit wala naman syang kasalanan, anu ba naman ang karapatan namin para pigilan syang maging masaya, besides medyo masakit ang narananasan nya kay Ara kaya desrve nya din ang magkaroon ng girlfriend yun nga lang, Linta naman ang napili nya, but whatever happened I'll still give my sympathy to Ara, kailangan nya ang supporta ko ngayon lalo pa't nasasaktan din sya sa mga nangyayari.

Nilapitan ko si Ara at umupo sa tabi nya.
"Hey, okey ka lang ba." Bati ko sa kanya.

Tiningnan nya lang ako at marahang tumango.

"Lorlee hindi pa ba dumadating?" Tanong ko sa kanya, ayoko muna syang pangunahan tungkol sa nagyari kahapon.

"Nagtext sya sakin na hindi sya papasok." Tamad na sagot nya sakin.

Wengya! Si Ara lang yata kaibigan nya eh, hindi nya man lang ako tinext.

"Bern."  She breathed.

Tiningnan ko sya sa mata at nakita ko ang sakit doon..

I nodded to her as a sign that I'm willing to listen.

"Nasasaktan ako!" Panimula nya.
"Hindi ko alam kong bakit ako umasa gayong wala naman pala syang plano na bumalik sakin at may girlfriend na pala sya, I think this is karma to me. Ang sama kasi ng ginawa ko sa kanya noon kaya ito na yata ang ganti sakin" Malungkot nyang sabi.

Hinawakan ko sya sa kamay at pinisil iyon.
"Ar, kalimutan mo na ang ginawa mo noon, don't blame yourself, pareho kayong nagmahal yun nga lang sa hindi parehong oras, isipin mo nalang na pareho na kayong nasaktan kaya dapat kahit masakit kalimutan mo nalang sya." Pagbibigay-payo ko sa kanya, tama ba yung binigay kong advice?

"Nandito lang kami, ako! Tutulungan ka namin." Napansin kong tuluyan na syang nagpakawala ng mga luha sa mata nya.

Naririnig ko ang paghikbi nya at parang kinukurot na din ang dibdib ko, I hate seeing my friends crying and in pain, ganito ako katotoo sa kanila isa sila sa pinagkakatiwalaan ko kaya nasasaktan din ako para sa kanila.

Hindi ko din masisi si Denver dahil alam ko din mismo sa sarili ko na wala syang kasalanan, pero bakit pa kasi sya bumalik at nakipagkaibigan samin, minsan naiisip ko na sinasadya nya ba to?

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon