Kabanata 15

368 24 14
                                    

|kabanata 15|

Pasulyap-sulyap ako sa suot kong orasang pambisig, habang palakad-lakad lang sa labas ng bahay, Saturday ngayon at wala kaming pasok kaya buong araw akong walang ginawa kundi ang matulog at tuwing lulubog ang araw lumalabas ako sa bahay at tumatambay dito nagbabakasakaling magpakita si Scott sakin.

7 PM na, at nakaramdam na ako ng lamig kailangan ko ng pumasok sa loob.

Naglakad ako patungo sa Gate ng bahay namin, pero agad din akong napa-atras dahil sa taong nakatayo malapit dito.

Si Scott ko?

Agad din akong nakabawi sa pagkagulat ko at tumakbo papunta sa kanya.

"Scott!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit.
"Salamat at nagpakita ka na, labis akong nag-worry sayo." Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

Naramdaman ko naman ang palad nyang humahagod sa likuran ko, kaya napangiti ako dahil sa ginawa nya, dobleng saya ang hatid sakin non.

"Wala bang nangyari sayo habang wala ako?" Mahinang sabi nya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, at hinarap sya. Marinig ko palang ang boses nya nagdudulot na iyon ng labis na kasiyahan sakin.

"Wala naman, ikaw? Bakit halos dalawang linggo kang hindi nagpakita?" Balik tanong ko sa kanya.

"Natulog lang ako, para mabawi ang lakas na nawala sakin, kanina nga lng ako nagising kaya agad kitang pinuntahan." Bahagya syang natigilan at tumingin sakin, habang ako naman ay hindi makatingin sa kanya ng deretso nagkakagulo ang buong sistema ko kapag kaharap ko sya."namiss mo ba ako?" Dagdag nya na mas lalong nagpabilis ng tibok na puso ko.

Wala namang masama pag-umamin ako eh, alam naman nya sa simula palang na tumibok na agad ang puso ko sa kanya kaya hindi na dapat akong mahiya pa.
"Oo naman." Tumango-tango pa ako habang sumasagot.

"Bakit mo ako namimiss?" Iniwas nya ang tingin sakin habang nagsasalita.

Damn it! What the heck are you talking Scott?

"Ba-bakit mo pa tinatanong? Di-diba alam mo naman kung ano ang tinitibok ng puso ko?" Nabubulol na sabi ko habang labis ang pagkabog ng dibdib ko. Tama ba tong mga pinagsasabi ko?

"Iba pa rin kasi pag ikaw mismo ang nagsabi kung anu ang nilalaman ng puso mo." Seryoso lang sya habang nagsasalita.

Marahan aking napapikit, I think this is the right time para sabihin kung anu talaga ang nararamdaman ko.

"Kung gusto mo talagang marinig iyon mula sakin, Oo" ngumiti ako sa kanya." Tama ang sinabi mong tumibok agad ang puso ko sayo sa una palang nating pagkikita, hindi ko nga alam kung bakit, pero ang hirap kasi turuan ng puso eh, basta simula ng araw na yun hindi ka na nawala sa puso ko." Tinuro ko ang dibdib ko. "At nagising nalang ako na ikaw nalang palagi ang gusto kong makasama." Napahinga ko ng malalalim matapos kong sabihin iyon, pakiramdam ko hinahabol ko ang hininga ko, ganito ba talaga kapag nagtatapat ka sa taong mahal mo?

Ngumisi sya matapos nyang marinig ang sinabi ko.
Humakbang sya at nilampasan ako, sinundan ko lang sya ng tingin habang nakatalikod na ngayon sakin.

"Alam mo bang ginawa ko din ang lahat para hindi ka magustuhan? Pinilit kong pinigilan ang nararamdaman ko para sayo, pero sino ba naman ako para hindi gawin at sundin kung anu ang nagpapasaya satin." Humarap sya sakin at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa." Dahil pareho naman tayong nararamdaman, bakit hindi natin subukan." Hinawakan nya ang dalawa kong kamay, at pakiramdam ko ay napapaso na ako.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon