|Kabanata 3|
Halos ginawa ko na lahat ng libangan ko para kahit papaano ay mawaglit sa isip ko ang misteryosong lalakeng palaging tumutulong sa'kin.
Naghanap na rin ako ng wattpad stories na babasahin sana para kahit papaano maaliw naman ako, pero wala talagang epekto.
Sinubukan ko ring manuod ng k-dramas, pero wala pa ring epekto.
Padabog akong pumasok sa kwarto ko at sumalampak sa malambot na kama.
I want to see him badly! Hindi ko alam kung bakit pero yun yung gusto kong mangyari. Gusto ko siyang makita at maka-usap. Nasa tamang pag-iisip pa ba ako? Bakit ko naman siya gugustuhing makita kung ang kapalit naman ay banta sa buhay ko?
Wala dito si lola at kleah dahil umalis sila kanina para magpa check-up sa dentist. Nabaling ang tingin ko sa wall clock. 4:30 na pala ng hapon.
Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil nga natatakot akong baka pagbabarilin nanaman ulit ako ng mga kriminal. ayoko na!
Bakit kasi sa tuwing nanganganib lang ang buhay ko siya nagpapakita 'yan tuloy naisipan kong isugal ang buhay ko. Kainis!
Umakyat ako sa rooftop ng bahay namin. May kalakihan kasi ang bahay namin at may second floor. Iyon nga lang nakakatakot din minsan bukod kasi sa'ming tatlo nila lola at kleah ang mag asawang si kuya Joseph at yaya Lita lang ang kasama namin.
Nagtataka ba kayo kung bakit ako pumunta sa Rooftop? Gusto ko siyang makita e. Kaya isusugal ko muna ang buhay ko. Gusto ko lang kasi masagot ang mga katanungan sa isip ko. Alam kong may alam siya kung bakit hinahabol ako ng mga kriminal at 'yun ang gusto kong malaman.
Ganun din ang nangyari noong nakalipas na araw. Tandang tanda ko pa na pinagbabaril talaga ako ng mga armadong lalake pero nang tiningnan ko ang sasakyan namin wala talagang tama ng bala kahit isa.Sinabihan pa nga ako ni kuya Joseph na baka nagha-hallucinate lang ako, pero hindi ako pwedeng magkamali totoo dahil yung nakita ko.
Nakatayo lang ako sa pinaka-dulo ng rooftop. kung iniisip niyong tatalon ako dito, well, tama kayo. Kahit medyo nanginginig ako kapag tumitingin sa baba dahil may fear of heights ako pero ito lang talaga ang paraan para magkita ulit kami.
Bahagya akong napapikit.
"Hoy! Lalakeng Scott ang pangalan! Ayaw mong magpakita sa 'kin? Magpapakamatay ako!" Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagpalinga-linga sa paligid.
Ngunit wala akong nakitang Tao.
Matigas ka hah. Sige tatalon na talaga ako.
"Ayaw mo magpakita? Tatalon na talaga ako! Ayaw mo akong pigilan? Mamamatay ako kapag tatalon ako mula dito." Sigaw ko ulit.
Ngunit Wala pa ring nagpakitang Scott sa'kin. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Kapag nahulog kaya ako dito? Sasaluhin niya ba ako?
"Waaaaaagggggg!"
Nagulat ako sa sumigaw mula sa ibaba. Kaya nadulas ang kaliwang paa ko at mabuti nalang mabilis din akong nakabawi. Wengya! Muntik na akong mahulog dun ah!
"Bernice! Wag mong gawin to sa'min! Wag mo kaming iwan!" Sigaw ni Lorlee mula sa baba.
"Anu bang pumasok diyan sa utak mo at binalak mo pang tumalon hah?" Dagdag pa ni Ara.
I rolled my eyes while raising my right eyebrow. Ang hirap gawin diba? Well, keri lang. Hihi.
"Bakit ba kayo nandito?" Balik tanong ko sa kanila.
"Nakalimutan mo na ba? May gagawin tayong takda at napag-usapan nating mag over night kami dito!" Pagpapa alala ni Ara sa'kin.
"May amnessia ka ba?" Pahabol pa ni Lorlee.
Ayt! Oo nga pala naalala ko na.
"Pumasok nalang kayo, hintayin niyo nalang ako sa salas." Sabi ko sa kanila at naglakad na pababa.
"Kung ayaw mong magpakita sa'kin! Eh di wag! Ang arte mo! Ako na nga yung nag-eefort para magkita lang tayo ayaw mo pa!" Huling sabi ko bago tuluyang bumaba mula sa rooftop.
MAAGA naming natapos ang gawain namin, kaya 9:30 pa lang ng gabi wala na kaming pwedeng gawin.
Naisipan naming mag movie marathon. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko may TV din kasi dito kaya dito nalang kami magmomovie marathon.
Ang masama lang hindi kami nagkasundo sa gusto naming panoorin. Gusto ko kasi comedy pero wala akong nagawa sa gusto ng dalawa kaya sa huli Horror ang pinanood namin, at talagang tungkol pa sa multo ang pinanood nila! Walangya!
Nasa kalagitnaan na kami ng movie, at halos lumitaw na ang mga ngala-ngala ng dalawa kong kaibigan sa kakasigaw. Mga bruha talaga! Sila yung may kagustuhang panoorin to tapos matatakot lang din, sarap palayasin.
Nakisali na ako sa pagsigaw sa kanila hindi dahil natatakot ako sa pinapanood namin kundi nagulat kaming tatlo dahil sa narinig na ingay. Sabay kaming napalingon sa nabasag na crystal ng bintana ko sa kanang bahagi ng kwarto ko.
Halos sabay-sabay kaming tatlong nagsitalunan sa kama ko at nakipag siksikan sa kaliwang bahagi ng kwarto ko.
"Anong nangyayari?" Nanginginig pa ang boses ni Ara.
"Katakot! Ayoko na!" Ganun din si lorlee.
Dahil likas akong may taglay na katapangan lumapit ako sa bintanang nabasag at nakita ko doon ang hugis bilog na bagay at nakabalot pa sa white bond paper.
Nilapitan ko ito at agad na pinulot. Tiningnan ko kung anu ang laman at isang bato lang pala pero naagaw naman ng pansin ko ang nakasulat sa kusot-kusot na bond paper.
"WAG NA WAG KANG MAGSUSUMBONG SA MGA POLICE! MADADAMAY PAMILYA AT MGA KAIBIGAN MO!"
Agad kong pinunit ang papel at itinapon sa basurahan. Hindi pwedeng makita ng mga kaibigan ko 'to, ayokong pati sila maranasan ang nararanasan ko ngayon.
"Bern, anu ba 'yan?" Tanong sa'kin ni lorlee.
"Wala, pinagtripan tayo! Ang ingay daw natin." Kalmado lang na sabi ko pero ang totoo sobrang takot at kaba na ang nararamdaman ko
"Hays! Akala ko kung ano na." Napabuntong hininga naman si Ara.
Humiga sila sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
"Ayaw niyo na bang tapusin 'tong pinapanood natin?" Tanong ko sa kanila.
"Wag na, nawalan na kami ng gana nakakatakot!" Sagot ni lorlee.
Napailing iling nalang ako na pinatay ang TV at nahiga na rin sa kama.
Malaki kasi ang kama ko at kahit apat na tao pa ang hihiga dito siguradong kasya.Anu nanaman ba 'tong nangyari? Kanino galing ang note na yun?
Hindi nanaman ako makakatulog nito.
Pero... Bakit kaya hindi pa din nagpapakita ang lalaking 'yon? Pinagbantaan nanaman ang buhay ko! Totoo ba talaga s'ya?¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
A/N: hindi lumabas sa eksena si Scott noh? Nagpapamiss yata.
Hayaan nyo next chapter magkikita na sila ulit ni Bernice. Bye2x thanks sa support nyo.😚😚
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Misterio / SuspensoKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...