Kabanata 24

329 18 16
                                    

|kabanata 24|



Napadaing ako ng maramdaman kong malakas na tumama ang katawan ko sa lupa, agad hinanap ng mga mata ko si Scott at ang sinasabi nyang si drago ngunit hindi ko na sila makita.

Mabilis akong tumayo pero natigilan ako ng makita ang paligid, hindi ito ordinaryong lugar lang, napakatahimik ng paligid at napakalamig ng simoy ng hangin.

Napa-awang ang labi ko sa mga iba't ibang uri ng mga halaman na nakikita ko sa paligid, kakaiba sa pakiramdam ang mapadpad sa ganitong lugar.

Natigilan ako sa paghanga sa lugar at napatingala sa itaas kung saan nakita kong nag-aaway sina Scott at Drago.

Mga ilang minuto pa silang nagpalitan ng atake habang lumulutang sa itaas, ngunit hindi ko inaasahan na bubulusok paibaba si Scott at mabilis itong tumama sa matigas na lupa.

"Scott!" Umiiyak na sigaw ko at akmang tatakbo papunta sa kanya.

"Wag kang lumapit sakin--aaahhhh." Halos pinipiga na ang puso habang naririnig ang pagdaing nya.

Hawak-hawak sya ni Drago at pinipisil nito ang sugat ni Scott na tinamaan ng patalim kanina.

"Bago nyo lisanin ang mundong to, pahihirapan ko muna kayo! Hahahaha." Aniya habang humahalakhak.

Kung titingnan, ito na yata ang pinaka nakakatakot na nilalang na nakita ko sa buong buhay ko, mayroon itong dalawang sungay at nagliliwanag ang mga mata nya.

"Sabay kong tatapusin ang buhay nyo ng tagalupang babaeng yan, sabay din kayong babagsak sa impyerno at maging alipin ko habang buhay!" Mas lalo nya pang diniinan ang pagpisil sa tagiliran ni Scott.

"Panginoon tulungan nyo po kami!" Halos pabulong na sabi ko habang walang tigil sa pag-iyak.

Biglang lumiwanag ang isang kamay ni Scott at mabilis na sinuntok si Drago ngunit hindi paman tumatama sa kanya ay nasalo nya na ang kamao ni Scott at sya sumuntok dito, ramdam ko kung gaano kalakas ang pagkakasuntok nya.

Bumulwak ang dugo sa bunganga ni Scott at agad na nagkasugat ng malaki ang dibdib nyang tinamaan ng suntok ni Drago.

Isang kamay nyang binuhat ang katawan ni Scott at inihagis iyon papunta sa direksyon ko.

Agad kong nilapitan si Scott at niyakap ng mahigpit, wala akong maibibigay na tulong sa kanya, wala akong maisip na gawin para makaligtas kami sa mga kamay ni Drago, kung meron lang sana...

"Hahahaha isang mahinang Secret protector!" Humahalakhak na sabi ni Drago, at humakbang ito palapit samin.

"Wa-wag kang lumapit! Demonyo ka!" Singhal ko sa kanya at pinulot ang medyo may kalakihang bato at ibinato iyon sa kanya, hindi ko inaasahang tumama iyon sa noo nya.

"Hahahaha! Anu? May bukol? May bukol ba?" Natatawang sabi nya at tinuro pa ang noo nya.

Nakuha nya pang mang asar!

Hindi ko na sya pinansin pa at niyakap nalang ulit ang nakahiga at duguang katawan ni Scott.

Ramdam ko ang paggalaw ni Scott at mabilis ako na niyakap, itinulak nya ako at sya ang pumaibabaw sakin.

Napapikit nalang ako at hinihintay na anumang oras ay katapusan na namin, alam kong wala ng lakas pa si Scott para kalabanin si Drago.

"Katapusan nyo naaaaaa......." dinig kong sigaw ni drago.

Nanginig ang buong katawan ko at mas lalong hinigpitan ang pagyakap kay Scott.

Halos tumigil ang oras at pag-ikot ng mundo habang hinihintay namin ang kamatayan namin.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon