Kabanata 5

598 41 8
                                    

|Kabanata 5|

*Bernice Part*

"Ms. Oztalee, pinapatawag po kayo ni Mrs. Rodriguez. Nasa 3rd floor siya ng CL building naghihintay." Napalingon kaming tatlo nina Ara at lorlee sa nagsalita. Hindi namin kilala pero nakasuot din ng uniform.

"Hah? Bakit daw?" Kunot-noong tanong ko.

"Ewan. basta puntahan mo nalang." Sagot ng lalake at naglakad na palayo sa amin.

"Kilala niyo ba yun? Ngayon ko lang nakita yung pagmumukha nya dito sa Academy." Tanong ni Ara sa amin at sabay kaming napailing ni lorlee.

"Hindi ko alam may student pala na ganun na katanda sa kanya na nagaaral dito." Ani naman  ni lorlee.

"Hindi tayo masyado nakikipagkaibigan kaya siguro hindi lang talaga natin sya namukhaan." Komento ko naman.

"Anu pang hinihintay mo Bern? puntahan mo na si Mrs. Rodriguez naghihintay na daw yun." Sabi ni lorlee.

"Ahmm, pwede magpasama?" Malambing kong sabi at nag puppy eyes pa.

"Sige." Ani Ara at sabay-sabay kaming tumayo.

"Bakit kasi nandoon sya sa CL building? di'ba yun yung pinaka-lumang building dito sa Academy? Halos wala na ngang students ang nagtatambay dun eh." Kwento ni Ara habang naglalakad kami.

Tama sya. Off limit na ang lugar na iyon. Anu kaya ang kailangan nya sakin?

Tinatahak pa lamang namin ang daan papunta sa lumang building ng makasalubong namin si Mrs. Rodriguez.

"Good Afternoon Mrs. Rodriguez. Pinapatawag nyo daw po ako?" Nakangiting bati ko kay Mrs. Rodriguez isa sa mga teacher namin.

"Hindi naman Ms. Oztalee. Bakit?" Nagtatakang sabi ni Mrs. Rodriguez.

"Kasi, maam may nagsabi sa'min na pinapatawag nyo daw po si Bernice at nandoon ka pa nga daw sa CL buliding naghihintay." Sabi naman ni Lorlee.

"Naku! Jino-joke lang siguro kayo ng nagsabi n'yan. Anu naman ang gagawin ko doon sa lumang building gayong pinagbabawal na ang pagpunta doon." Nakangiti pang sabi nya at nagpaalam na sa amin. Binati na lamang namin sya ulit.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga nangyayari. Kapag napunta nga kami doon sa lumang building anu na mangyayari sa'min ng mga kaibigan ko? Baka naghihintay doon ang mga kriminal na gusto akong patayin? Ibig sabihin pati buhay ng mga kaibigan ko ay nanganganib na din dahil possible rin silang madamay.

"Pinag-tripan tayo girls, naku! Pagnakita ko lang talaga ang lalakeng yun tatarayan ko talaga." May halong inis na sabi ni Ara.

Hinawakan ko silang dalawa sa kamay.
"Girls, simula ngayon magdoble ingat na tayo. kapag uwian dederetso agad tayo sa bahay okey?" Napalunok pa ako ng laway habang nagsasalita. Halatang hindi ko maitago ang kaba kong nararamdaman.

"Bern, okey ka lang pinagpapawisan ka yata? Anu bang pinagsasabi mong magdoble ingat? makapagsalita ka naman parang nanganganib ang buhay natin" seryosong sabi ni lorlee.

"Naku! Tinutupak nanaman bespren natin lor. tara na nga babalik na tayo sa room." Suhestiyon naman ni Ara.

"Basta girls, mangako kayo sa'kin na magiingat kayo."

"Nagiingat kami palagi bern, ang drama mo." Sabay tusok ni Ara ng tagiliran ko.

Naglalakad na kami ng mahagip ng paningin ko ang isang lalake na nakatayo malapit sa isang puno. Kahit medyo may kalayuan alam kong sya 'yun dahil sa tindig palang nahahalata ko na. bakit sya nandito sa loob ng academy? Mabuti pa siguro ipapakilala ko sya sa mga kaibigan ko.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon