Lihim na kabanata na naglalaman ng buhay na meron si Scott Suarez sa kanyang nakaraan.
"Rafael! Rafael! Wake up! Kailangan mo ng humanda dahil mamayang hapon na ang interview mo!" Mas lalo nya pang inisubsob ang mukha nya sa unan at binalewala ang taong gumigising sa kanya.
"You should go to interview with your future wife later whether you like it or not!" Matigas na sabi ng daddy nya dahilan para mapabalikwas sya ng bangon.
"What dad? Seriously? What future wife are you talking about? 22 years old palang ako pagaasawahin mo na? Besides, hindi pa ako nakakapagsimula sa trabaho ko bilang PO1, kakapasa ko palang sa board exam at kakapasok sa serbisyo." Inis na wika nya at bahagyang hinimas ang magulo nyang buhok.
"Matutupad mo naman ang mga pangarap mo kahit mag-aasawa ka, hindi lang dapat ang pangarap mo ang isipin mo! Isipin mo din ang kapakanan ng kompanya natin at ang pangalan na meron tayo!" May diin ang bawat salita na lumalabas sa bunganga ng daddy.
"But dad? I still won't. Hindi pa ako handa para sa mga ganyang bagay." Patuloy na pagtanggi nya.
"Stop arguing with me Scott Rafael Suarez! Ito lang ang naisip kong paraan para malinis ang pangalan mo? Araw-araw ka nalang laman ng balita sa telebisyon man o sa magazine! Kelan ka ba titino hah? Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang pumupunta dito araw-araw para hanapin ka, ang iba nagmamakaawa pa samin ng mommy mo pero kahit ni isa wala kang siniseryoso sa kanila, wala kang pinipili kahit model man o actress pinapatulan mo, ganyan na ba kakapal ang pagmumukha mo?" Galit na wika ng daddy nya.
"Here we go again dad! Kasalanan ko ba kung ginawa nyo akong may ganitong taglay na kagwapuhan? At isa pa, sila naman ang kusang lumalapit sakin, isa lang naman akong mahinang lalaki na walang magawa para tanggihan sila. So don't blame me, dahil wala akong kasalanan, Promise, inosente po ako." Aniya habang nagpuppy eyes pa sa daddy nya.
"That was bullshit!" Halos pasigaw na sabi ng daddy nya at ngayon ay naikuyom na ang mga kamao nito." Pupunta ka sa interview mamaya kasama ang fiancee mo, no buts, no ifs. That was an order from General director Suarez, napagkamalan pa namang Heneral ang daddy mo at batikang actress ang mommy mo, samantalang ikaw hindi tumitino!"muling singhal ng daddy nya sa kanya bago padabog na lumabas sa kwarto nya.
"He's so terror! Bakit nagkaroon ako ng daddy na katulad non? Napagkamalan pa naman syang magiting na heneral, tapos hindi man lang nag iisip? Imagine? Ipapakasal nya ako sa babaeng hindi ko man lang kilala at nakikita pa? Sya yata ang hindi matino samin eh.." patuloy nyang pagsagot sa daddy nya kahit hindi na sya nito naririnig.
Padabog sya na bumaba sa kama nya at pumasok na sa shower room upang maligo.
"Kung yan ang gusto nya edi pagbigyan, tatapusin kona ang lahat." Bulong nya pa sa sarili bago lumabas ng kwarto nya ng makapag-ayos na sya.
"Good morning baby boy!" Bati sa kanya ng mommy nya pagkapasok nya sa kitchen.
Sinimangutan nya lang ang mommy nya at humalik ito sa pisngi.
"Stop calling me baby boy mom, nakakahiya kapag may nakarinig na ibang tao.""Alam kong bad mood ka ngayon dahil sermon ng daddy mo ang sumalubong sayo paggising mo, ang mabuti pa kumain ka nalang." Nakangiti na sabi ng mommy nya at pina upo sya nito upuan sa dinning table.
"May pupuntahan kaba ngayong araw kuya?" Kausap sa kanya ng bunsong kapatid nyang babae.
"dad want me to go to that fucking interview, bakit gusto mong sumama?" Nakangising sagot nya sa kapatid nya.
Pinanlakihan naman sya ng mata ng kapatid nya at inirapan.
"May pinaplano ka nanaman sakin kuya eh, I hate you!" Nagtatampong sabi ng kapatid nya.
Tinawanan nya lang ito at tumuloy nalang sa pag-kain.
Pagkatapos nyang kumain ay nagpaalam na sya sa mommy at kapatid nya.
"Bye mom, mamayang hapon pa naman ang interview, may aayusin lang ako ngayon." Aniya at humalik ulit sa pisngi ng mommy nya.
"Mag-ingat ka! Siputin mo ang interview mamaya wag mo ng suwayin ang dad mo okey.?" Bilin sa kanya ng mommy nya at tinanguan nya lang.
Sunod nyang nilapitan ang kapatid nyang kumakain pa din at akma nya sanang hahalikan ito sa ulo pero umiwas ito.
"Shoo, shoo!" Pagtaboy sa kanya ng kapatid nya.
Mas lalo lang syang natawa at umupo ito sa tabi ng kapatid nya, hinawakan nya ito sa kamay at hinila palapit sa kanya.
"Masungit kana ngayon ah, siguro may boyfriend kana?" Natatawang sabi nya.
"Ew kuya! Wala pa noh! At kung meron naman paki mo ba? Ikaw nga kaya mong pagsabayin ang limang babae sa isang araw, kung makapagbawal ka sakin akala mo ang bait-bait mo!" Pagtataray sa kanya ng kapatid nya.
Napawi ang ngiti nya sa labi at biglang nagseryoso.
"Sungit mo naman." Aniya at hinalikan sa noo ang kapatid. "Tapusin mo nalang ang pag-kain mo." Dagdag pa nya at tumusok ng isang hotdog at buong isinubo sa kapatid nya.
Mabilis syang tumayo habang tumatawa at mabilis na lumabas sa kitchen.
Dumeretso sya sa sasakyan nya at umalis na sa bahay nila.
"Hello hon?" Masiglang bati sa kanya ng boses sa kabilang linya. " Thank you for making my day complete today hon, I didn't expect na tatawagan mo ako ngayon." Masayang sabi ng babae.
"Maghihiwalay na tayo, ayoko na. Goodbye Charry." Deretsong sabi ni Scott at pinatay na ang tawag.
Sunod syang nag type ng message sa cellphone nya.
To kylie:
Hi bhabe, kamusta? Let's break up, ayoko na. Goodbye👋Sinend nya na iyon at agad na binlock ang account ng kylie.
Tuloy-tuloy syang pumasok sa isang restaurant at agad na pinuntahan ang babaeng kanina pa naghihintay sa kanya.
"Love! Bakit ang tagal mo? Anyway, okey na yun ang mahalaga dumating ka." Masiglang sabi ng babae.
"Order na tayo." Ngiting-ngiti na sabi ng babae.
"No, busog ako, nandito ako para tapusin ang anumang meron tayo Agnes." Seryosong wika ni Scott.
"What? Don't tell me, makikipaghiwalay ka? Wala namang ganyanan love, ganun nalang ba kadali yun para sayo?" Naiiyak na sabi ng babae.
"I'm sorry but I made my final descision, ginagawa ko to dahil kailangan." Huling sabi nya bago iniwang luhaan si Agnes.
Sa loob ng ilang oras, tinapos nya lahat ng relasyon na meron sya sa mga current girlfriends nya, ayaw nyang magulo nanaman ang interview kahit ayaw nya ding pumunta doon.
Kasalukuyan syang nagmamaneho ng sasakyan nya pauwi ng biglang nawalan ng preno ito.
Mas bumilis pa ang pagtakbo nito at muntikan nya ng makabangga ang mga nakakasalubong na mga sasakyan.
"What the fuck!" Mura nya sa loob ng sasakyan.
Hanggang sa makasalubong nya ang isang malaking bus, ginawa nya ang lahat para maiwasan iyon, pinaliko nya ang sasakyan papunta sa gilid at sa hindi inaasahan malakas na bumangga iyon sa poste.
Halos nabasag ang salamin at bintana ng sasakyan nya at ganun din sya sa loob, duguan ang katawan nya at halos wala itong malay.
Dinala sya sa hospital at sa kabutihang palad naligtas sya ng mga doctors pero ang malungkot ay dahil comatose sya.
and,
That was the begginning of the worst tragedy of his life.........
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Misterio / SuspensoKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...