Kabanata 11

415 24 15
                                    

|kabanata 11|


Pagkatapos ng klase ko ngayong araw ay dumeretso ako sa Oztalee Group Foundation para alamin pa ang lahat ng hindi ko nalalaman. Masyado na akong nababaliw sa kakaisip kagabi sa mga nalaman ko at alam ko na hindi pa iyon ang buong katotohanan na hinahanap ko.

Gaya nga ng sabi ko may bago akong natuklasan. Ayon sa mga matatandang empleyado, hindi na nga talaga namin pag aari ang Sudalga Inc. Isinuli daw ito ni tito Felix sa abogado ng mga Sudalga noong nabubuhay pa siya at palihim lamang ito na nangyari. Sa tingin ko nga ay nag-uulyanin na si lola. Hindi accurate ang mga informations na sinasabi niya sa akin at hindi dapat ako aasa lang na sa kanya ko malalaman ang lahat. Kailangan kong kumilos para maligtas ang pamilya ko.

Nalaman ko ring pagkatapos namatay ng mga parents ko ay muntikan ng magsara ang kumpanya namin pero dahil magaling si tito Felix unti-unti nya itong naiahon at napalago ulit. Naisip ko tuloy na sana si tito at tita nalang ang naging magulang ko dahil mabubuti silang tao hindi tulad ni mommy at daddy.

Nagtagal pa ako ng higit isang oras bago napagpasyahang umuwi na dahil dumidilim na rin ang paligid.

Paglabas ko ay agad kong nakita ang isang store sa harap ng building namin. Maraming mga stuff toys at mga pang valentines gift. Oo nga pala, next week na 'yong valentines day. Sana magkaroon ako ng kadate. Charet!

I decided na dumaan muna kahit sandali lang para magtingin-tingin. Tumawid ako papunta roon. Papasok na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko at bigla nalang ako hinila papunta sa gilid ng pader.

"Scott?" Nagulat ako nang makita kong siya pala ang humila sa akin. "Bakit nandito ka? Nanganganib nanaman ba ang buhay ko?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi." Tipid niyang sagot at umiwas ng tingin.

"M-may kailangan ka ba sa 'kin?" Nangingiti kong tanong. So kung nandito pala siya pero hindi naman nanganganib ang buhay ko, ibig sabihin pinuntahan niya ako? Kyaaaa, kinikilig na ba ako?
"Tara, samahan mo ako, papasok tayo rito sa loob may titingnan lang tayo."

Hindi naman siya umangal at sumunod lang sa akin. Una naming pinuntahan ang mga couple shirts na naka display.

"Wow, ang cute di ba? Anu sa tingin mo?" Hinarap ko siya at ipinakita sa kanya ang tinutukoy ko.

"Tss walang kwenta 'yan!" Sagot niya lang sa akin.

"Tse! Napakabitter ng isang 'to!" Singhal ko sa kanya.

"Miss, excuse me po, may kinakausap po ba kayo? Wala naman kayong kasama." Nakakunot noong tanong ng sales lady sa akin at pakiramdam ko'y pinagpawisan ako.

Agad kong kinuha ang phone ko at inilapit iyon sa tenga ko.

"Osha! Sige na, wag ka ngang bitter! Saglit lang ako dito bes, uuwi na rin ako!" Tapos inilayo ko na at kunwari pinutol  na 'yong tawag. Hinarap ko ang sales lady. "Yes, miss? What is it?"I said while raising my right eyebrow.

"Wala po maam, pumili lang po kayo riyan." Sagot ng saleslady at lumayo ng kaunti sa akin.

Tiningnan ko naman si Scott na todo kung makangisi. Inaasar yata ako ng hayop na 'to eh!

"Ang galing mo talaga. Minsan nakakabilib ka rin." Nakangiting sabi niya.

Tatarayan ko pa sana siya pero naisip ko na baka tuluyan na akong mapagkamalang baliw dito kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Kung hindi ka lang gwapo, naku! Hindi ko alam kung anu pa magawa ko sa 'yo!

Natigilan naman ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Hinawakan ko si Scott sa braso at hinila papunta sa part ng store na walang tao.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon