Kabanata 16

386 21 22
                                    

|Kabanata 16|

"Good morning, Girl." Nagulat ako ng bigla akong binati ni Ara pagkalabas ko palang galing sa kwarto ko, anong nakain nya at bakit nandito sya?

"Oh, Ara? Bakit nandito ka?" Kunot noong tanong ko.

"Eh wala lang, naisip ko lang daanan ka, para sabay na tayo papunta sa school." Nakangiting wika nya.

Nilapitan ko sya at kinurot sa tagiliran nya kaya napaigtad sya.

"Ayie, ba't nakangiti ka? Ayare sa inyo kagabi?" Paguusisa ko sa kanya.

"Wala, hinatid nya lang ako at umuwi naman agad siya, ikaw ganun din naman ah, bakit ang saya mo yata? Ano nakain mo?" Balik tanong nya sakin, what the heck! Oo nga pala ang saya ko din dahil sa amin ni Scott ko, hihi.

"Never mind Ara, let's  go malilate na tayo." Sabi ko at nilampasan na sya.

"Ay grabe, you're so unfair! Ayaw man lang ishare sakin." Pangongonsensya pa nya. Hinayaan ko nalang at hindi pinansin.

Paglabas namin ng bahay, napansin ko ang kulay puting papel na nakadikit sa pader sa gilid ng gate namin, nilapitan ko iyon at kinuha tiningnan ko ang nakasulat doon.

Hihintayin kita sa labas ng School nyo mamayang uwian

-S.S

Napangiti ako ng mabasa ko ang nakasulat doon, kinikilig na yata ako.

"Uy, sino si SS na yan hah?" Agad kong naitago ang papel ng marinig ko ang boses ni Ara." Wag mo ng itago girl, nakita ko na, ikaw hah nagsisekreto ka samin."

"Shut up ara, wala to okey? Tara na nga." Tinalikuran ko na sya at nauna ng naglakad.

Ilang beses pa syang nangulit pero wala talaga syang napala sakin, bakit ko pa sasabihin eh hindi naman sya maniniwala, at baka pag nakita nya si Scott ko baka agawin pa nila, masisira talaga Friendship namin! Hahaha.

"Good Morning ladies!" Nakangiting bati ni Denver samin habang papasok na kami sa gate ng University, anu kayang nakain ng mga tao ngayon? Bakit ang gand ng araw nila?

"Good morning den" bati din namin ni Ara, lumapit sya samin, o mas sasabihin ko na sa tabi ni Ara.

May napapansin na akong kakaiba dito eh.
Binigyan ko lang sila ng nakakaasar na tingin tsaka nauna ng naglakad, naawkward kasi ako.

Pagdating namin sa room napansin kong nauna na dun si lorlee, nakaupo sya sa upuan nya at halatang badtrip ang mukha.
Anyare? Bakit baliktad sya samin ngayon?

"Anyare sayo girl." Ani Ara at tinapik pa si lorlee sa balikat.

"May sumira ng umaga ko ngayon, sarap upakan ng ungas na yun eh!" Pagaalburoto nya.

"Sino?" Tanong ko naman.

"Hindi ko din kilala eh, pero kapag nagkita kami ulit malalagot sya sakin." Naiinis pa din na sabi nya.

"Bakit anu bang ginawa ng tao sayo at galit na galit ka?" Pag'uusisa pa ni Ara.

"Muntik nya lang naman ako sagasaan kanina dyan sa labas ng University!" Ani lorlee.

Lihim nalang akong natawa sa kanya, sorry nalang sya at walang Scott na magliligtas sa kanya, hindi tulad ko, anytime anywhere andyan si Scott para sakin, hihi. Excited tuloy ako na makita sya mamaya. Ugghhh!

Pagkatapos ng klase namin ay agad-agad akong nagpaalam  sa kanila at naunang lumabas, kating kati na yung mga mata ko na makita si Scott eh, ayoko pa namang paghintayin sya ng matagal at baka mainip sya at magbago isip nya.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon