kabanata 8

462 32 24
                                    

Where are you?


Hindi ako makagalaw dahil nakagapos ang mga kamay at paa ko.
Hindi rin ako makakasigaw dahil may busal ang bunganga ko. Napansin kong nakasakay kami ngayon sa isang bangka papunta sa isang isla. Anong gagawin nila sa 'kin?

Patuloy lang na nag-si-agos ang mga luha ko sa pisngi. I felt like my whole body is shivering dahil sa sobrang takot.

Sa lahat ng pagbabanta sa buhay ko dito ako nakaramdam ng labis na takot. Lalo pa't wala akong aasahan na magliligtas sa 'kin. Tanging si Scott at ang babaeng nakaitim na katulad niya rin ang pwedeng tumulong sa 'kin, pero pakiramdam ko hindi na sila magpapakita pa pagkatapos ng inasta ko noong huli naming pagkikita.

Kung ito na nga talaga ang katapusan ko, wala na akong magawa. Umiyak lang ako ng umiyak habang nadidinig ko ang mga tawanan ng mga kriminal na kasama ko.

Tirik na tirik ang sikat ng araw nang makarating kami.

Dinala nila ako sa isang tagong bahay, may kalakihan ito at hanggang third floor.

"Hihintayin natin si master dito, bukas pa siya darating para singilin ka!" Singhal sa 'kin ng lalaki at tinulak ako sa isang sulok ng kwarto.

Gusto ko silang tanungin kung sino ang master nila at bakit sinisingil niya ako gayong alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang mali sa kanila pero hindi ko pa rin magawa dahil may busal pa ang bibig ko.

Pakiramdam ko ay naiihi na ako sa labis na takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masakit isipin na hinihintay ko na lamang ang kamatayan ko sa kamay ng mga masasamang tao.

"Magpakabait ka lang diyan bata, 'wag mo kaming ginagalit!" Sabi ng isang kriminal at itinali ang katawan ko sa isang paa ng malaking mesa na nasa loob ng kwarto.

"Wag na wag kang tumangkang tumakas, napapalibutan namin ang buong islang ito kaya mas mabuti pang dumito ka lang at hintayin ang kamatayan mo, hahahahha" malademonyong tumawa pa ang lalaki at lumabas na sila ng mga kasama niya.

Naghahalo na ang luha't pawis ko at labis-labis na takot.

Mga ilang oras na akong patuloy lang na umiyak at nagdadasal na sana ay makaligtas man lang ako dito.

Isinandal ko ang ulo ko sa pader at pinilit na pinakalma ang sarili ko, nakakapagod ang umiyak. Ipinikit ko ang mga mata kong namamaga na.

Scott, where are you? Kailangan kita.....

"Napagod ka na ba sa kakaiyak? Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na hindi nakakatulong ang pag-aaksaya ng luha?" Napatuwid ako ng upo at lumingon sa nagsalita.

Tumigil ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. I felt relaxed and relieved.
Hindi ko alam kung bakit siya lang sapat na para mawala ang lahat ng takot na nararamdaman ko.

Salamat  sa diyos at dumating siya. Hindi pa ito ang katapusan ko.

Lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Kinuha niya rin ang busal sa bibig ko. Nang makuha niya na lahat ng tali sa katawan ko tumayo agad ako at niyakap siya. Nagsisisi ako kung bakit ko pa sya inaway noong nakaraan, gayong alam kong siya lamang ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

"Aahhh! Hindi ako makahinga." Bigla akong lumayo sa kanya nang marinig ko ang reklamo niya.

Tiningnan ko siya na ngayo'y nakangiti sa akin. Bakit ang gwapo niya?

"Salamat dahil dumating ka." Sincere kong sabi kahit na naaasar nanaman ako dahil sa mabilis na pagkabog ng puso ko.

"Wag ka munang magpasalamat, hindi pa tayo nakakalabas dito." Sabi niya at sumilip sa bintana. Tanaw namin mula rito ang mga kriminal na palakad-lakad sa labas.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon