Kabanata 17

369 23 17
                                    

|kabanata 17|

"Kamusta Ara? Kwentuhan mo naman kami kung anu na ang meron sa inyo ni Denver." Pangungulit ni Lorlee kaya Ara.

Tumatambay kami ngayon sa isang bench malapit sa gate ng University dahil wala kaming class sa isa naming subject.

"Wala naman akong dapat ikuwento ah, naging magkaibigan lang kami, close lang kami sa isa't isa yun lang, wala syang ibang sinabi o pinapakita kaya dapat wag na muna tayong umasa." Derederetso nyang sabi.

Nakikinig lang ako sa usapan nila wala kasi akong ganang makipagdaldalan ngayon dahil namimiss ko na si Sott ko, naisip ko tuloy baka naglalandi na yun sa iba habang nasa misyon nya, hindi naman malabo na matipuhan sya ng ibang babae dahil sa taglay nyang kagwapuhan, naku kung totoo ngang may iba syang kinakasama ngayon kakalbuhin ko talaga kung sino man yun.

"Bakit? Anu ba ang nararamdaman mo? Sa tingin mo may feelings pa din sya sayo?" Pangungulit pa ni Lorlee.

"Ehhh, ewan pero pakiramdam ko meron pa naman kasi concern sya palagi sakin." Parang nahihiyang pag-amin ni Ara.

"Naku wag kang umasa, wala pa ring forever!" Sabat ko sa usapan nila.

Sinamaan nila ako ng tingin, magsasalita na sana si lorlee ng biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Hello girls sorry sa distoebo, pwede magtanong?" Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa babaeng lumapit samin.

Matangkad at maganda sya pero halatang hindi dito nag-aaral sa University.

"Sure!" Sagot ni Lorlee.

"Kilala nyo ba si Denver Santos? Nagbabaka-sakali lang." Nakangiti nyang tanong.

Sabay sabay namang umiba ang ekspresyon ng mukha naming tatlo, sino ang babaeng to, at kaanu-anu sya ni Denver?

"Ah yes kilala namin sya bakit may kailangan ka ba sa kanya?" Ako na ang sumagot habang si Ara tahimik lang na nakikinig.

"Salamat naman, I'm his girlfriend." Nakangiting pagpapakilala nya na halos ikagulat naming tatlo.

Napansin kong napayukom ng kamao nya si Ara habang si lorlee tinitingnan ng mataray ang babae.

"Bakit hindi mo sya tawagan para malaman kung nasaan sya?" Mataray na suhestyon ni lorlee.

Binigyan ko naman sya nga kalma-ka-lang-look.

"Nagtext na sya papunta na daw sya rito." Wala sa sariling sabi ni Ara.

Maya-maya pa nakita na namin syang papunta sa deriksyon namin, nakangiti ito at kumaway pa samin, hindi nya siguro napansin na may kasama kami, o mas sabihin nating kasama namin ang girlfriend nya.

"Hi bhabe!" Bati sa kanya ng babae.

Napansin namin na gulat na gulat ang naging reaction ni Denver, parang namutla sya ng makita nya ang babae.

Lumapit sa kanya ang babae at niyakap sya nito.

Napatikhim naman kami ni lorlee habang si Ara ay napaiwas ng tingin. Tiningnan naman kami ni denver at nakikita ko sa mga mata nya na naguguluhan sya.

"Bhabe, mga kaibigan mo ba sila? Ang susuplda nila inaway ako kanina!" Pagsusumbong ng babae kay Denver, what the heck! Inaway? Kelan lang? Bastos to ah sarap sabunutan.

"Hoy babae, dahan-dahan sa paggawa ng kwento, ikaw na nga ang tinulungan pinalabas mo pa kaming masama." Napatayo na si Lorlee sa labis na pagka-inis ganun din ako tiningnan ko ng matalim ang babae.

"Bhabe, nakita mo ba? Inaaway nanaman nila ako!" Malanding sabi nya at kumapit pa sa braso ni Denver.

"Gigil mo talaga akong Linta ka!" Akmang susugurin na sya ni lorlee pero pinigilan sya ni Denver.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon