Kabanata 18

348 21 15
                                    

|kabanata 18|
Boss.

"May problema ka ba habang wala ako dito?" Bakas sa boses nya ang pag-aalala habang nakatingin sa mga mata ko.

Yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang paninitig nya sakin, nasasaktan ako sa desisyon ko.

Alam kong para din naman sa kanya to, May misyon sya kaya dapat magtagumpay sya para sa kaligayahan at kabutihan nila ni Violet.

"Wala naman! Masaya lang ako na nakita pa kita ulit." Nakangiting saad ko.

Lumapit sya sakin ang inakbayan ako.
"Damn! I really missed you!" Bulong nya sa tenga ko.

Marinig ko palang ang boses nya nawawalan na ako ng lakas na gawin ang mga naging desisyon ko.

"Scott!" I braethed.

"Yes?" He answered.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na bawal pala sa inyo ang umibig sa tao habang nasa misyon kayo?" Panimula ko.

Halos hindi ako makahinga habang hinihintay ang sagot nya.

"Hindi na importante sakin yun, you are the only thing who means a lot to me, kaya kong balewalain lahat ng bawal para sayo." Seryosong sabi nya.

Nanikip ang dibdib ko, paano naman sya? Kapag nabigo sya sa misyon nya hindi na din kami magkikita habang buhay at kapag nagtagumpay naman sya babalik na sya sa nakaraan nya at hindi pa din kami magkikita. We only hurt each others feeling at the end, at ang mas masakit kung sakaling makabalik na sya sa nakaraan nyang buhay baka makakalimutan nya ako.

"Scott, pwede bang itigil na natin to?" Naiiyak na sabi ko.

Biglang nagtiim ang kanyang mga bagang, tumingin sya ng deretso sakin.
"Sabihin mo nga sakin kung anu ang bumabagabag sa isip at nagkakaganyan ka." Mas lalo syang Humarap sakin at nakita ko ang napaka seryosong ekspresyon ng mukha nya.

"Natatakot ako na mabigo ka sa misyon mo at maparusahan alam ko na ngayon ang posibleng mangyari sayo kapag hindi mo nagawa ang misyon mo, at iniisip ko palang yun nasasaktan na ako." Puno ng pag aalala na sabi ko.

"Wala kang dapat ipag-alala sakin." Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "Come on, look at in my eyes! Magtiwala ka lang sakin, wala kang dapat ikatakot." He said in the voice full of comfort.

"Scott, ikaw ang inaalala ko, alam ko na ngayon kung anu ka talaga ang totoo, meron kang nakaraan na dapat balikan." Ani ko na ngayon naiiyak na.

"Marami akong paraan para dyan na hindi ang pagputol ng relasyon natin ang solusyon, lalo pa't binigyan ako ng dagdag na kapangyarihan ng punong tagapag-bantay." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Kapangyarihan?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yeah! Mas lalo na akong lumakas ngayon, kung gagamitin ko to lahat para ipaglaban ka, I will!" Seryosong saad nya.

"Pero Scott, napakaselfish non! Hindi lang ako ang nangangailangan ng tulong mo marami pa."  I insisted.

"Hindi ko naman sila pinapabayaan ah, yun nga lang mas special ka kumpara sa kanila." Nakangiting sabi nya.

Nakalimutan ko na yata ang ginawa kong desisyon, kung sya pinapakita nya sakin na kaya nya akong ipaglaban, dapat ganun din ako!

"Sigurado ka hah, hinding-hindi mo ako iiwan?" Napanguso pa ako habang sinasabi iyon.

"Just trust me and I'll stay by your side no matter what, kaya kung kalabanin lahat wag ka lang masaktan." Seryosong sabi nya at marahang pinisil ang kamay ko.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon