|Kabanata 14|
" Finally, pumasok ka na din!" Salubong sakin ni Ara ng makapasok ako sa classroom.
I just rolled my eyes and passed her, wala akong ganang magsayang ng laway.
Umupo ako sa upuan ko, agad naman silang dalawang lumapit sakin.
"What's your problem Bernice? Isang linggo kang hindi nagpakita samin, palagi ka naming binibisita sa bahay nyo after ng class natin, but you lola told us na wala ka daw sa sarili at umiiyak lang, anu ba talaga nangyari? Narape ka ba? Anu?" Mahabang sermon ni lorlee, ipinilig ko ang ulo ko, wala talaga ako sa mood sagutin ang mga tanong nila eh.
"Wala!" Tipid kong sagot.
"What the! Ara! Stop me! Stop me! Bubugbugin ko na talaga tong kaibigan natin, pagkatapos tayong pinag-alala? Ayaw man lang mag-share ng problema nya!" Halata na ang pag-kainis sa boses ni Lorlee, but I still don't care.
"Guys please! Pabayaan nyo na muna ako okey, lilipas din to." Mahinahong sabi ko.
Napabuntong hininga lamang silang dalawa at agad namang nagsibalikan sa upuan nila.
They're right! Tama lang na magalala sila sakin, halos ilang araw akong hindi makakain, at nagkulong lang sa kwarto ko.
What's the point of telling them the whole story? Wala namang maniniwala at makakaintindi sakin, si Scott lang ang gusto kong makita ngayon, magiging okey na ang lahat.Ilang araw akong halos wala sa sarili dahil sa kakaibang nasaksihan ng gabing iyon, halos si lola at kleah ay sobrabg nag-alala sakin, hindi ko lang matanggap na baka may nangyaring masama kay Scott lalo pa't mahigit isang linggo na syang hindi nagpapakita sakin, at walang ibang dapat sisihin kundi ako, ako ang puno't dulo ng lahat at ang pamilya ko, ang pagkakamali ng mga magulang ko na sinalo namin.
Sana naman magpakita na sya sakin para mapanatag na din ako at matahimik na ang isip ko.
"Hey Bern, mabuti naman at pumasok kana ngayon." Bati sakin ni Denver ng nagkita kami sa Cafeteria, since sya lang mag-isa sa table nya nakishare nalang din kami sa kanya.
"Okey na ako wag nyo na akong isipin." Sabi ko habang kumakain ng fries.
"That's good, so anu? Pwede ko ba kayong ihatid mamaya, just like before." Nakangiti nyang sabi.
"Sure, walang problema sakin tatawagan ko nalang ang driver namin na wag na akong sunduin mamaya." Mabilis na tugon ni Lorlee, tumango lamang ako bilang pag-sang ayon.
"Naku wag na gagabihin kami mamaya, 6:30 pa uwian namin." Tanggi ni Ara.
Nakita kong pinanlakihan sya ng mata ni Lorlee.
"Kaya nga eh, masyadong delikado kaya dapat ko kayong ihatid." Bigla namang nagspark ang mata ni lorlee habang kumikindat pa kay Ara. The fuck! Masyado syang nangaasar ha.
Pakiramdam ko may muling mabubuong lovestory, I don't know kung panu pero pakiramdam ko talaga eh.
"Ikaw ba Denver, saan girlfriend mo?" Nagulat si Ara na tumingin sakin, siguro naninibago sya dahil nagdadaldal na ako, well I want to forget some stuffs in my mind sa pamamagitan ng pakikipagchekahan, wala namang masama ang magtanong,kaibigan na namin sya since mga bata pa kami.
"Ah? Anu! Wala single ako ngayon." Alanganin nyang sabi.
I can see in his eyes that he's lying, marami na nga syang tinatago.
"Mabuti naman Denver, maraming magaganda dito sa paligid tiyak di ka mahihirapan sa paghahanap." Wika na Lorlee at ngumisi pa na inilibot ang paningin sa paligid. Napansin ko naman na napa-smirk si Ara, napansin nya din kayang nagsisinungaling si Denver, ang slow kasi ni Lorlee.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...