|Kabanata 25|
Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng ihip ng hangin, nakatayo ako malapit sa bintana habang nakatingin sa malayo, ayoko mang isipin ang mga problema at kapahamakan na kinakaharap namin ngayon pero hindi ko maiwasan.
Ayokong magpakita pa ulit si drago samin, ayokong siya ang makakapatay sakin, ayokong masaktan si Scott at mas lalong ayokong magkahiwalay kami at tuluyan na naming makalimutan ang isa't isa.
Iniisip ko pa lang ang mga bagay na yun, napanghihinaan na ako ng loob, nasasaktan na ako at hindi ko alam kung anu nalang ang magiging buhay na meron ako kung sakali mang makalimutan namin ang isa't isa.
Hindi ko alam kung bakit kami pinagtagpo ng tadhana sa ganitong paraan, ayokong isipin na pinaglalaruan lang kami ng tadhana, dahil kahit kailan hindi ako nagsisisi na humantong pa sa ganito ang mga pangyayari dahil nakilala ko si Scott, nakilala ng puso ko ang tunay na kaligayahan nito.
"Anong iniisip mo?" Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko, nakangiti sya na para bang walang iniisip na problema.
Ngumiti ako ng peke at pilit syang hinarap.
"Paano kung totoo ngang pag nakabalik ako sa mundo ng mga tao, tuluyan na nating makakalimutan ang isa't isa? Ano na mangyayari?" Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang sinasabi sa kanya ang mga salitang yun."Walang mangyayaring ganyan, hangga't nabubuhay ako hinding hindi ka mawawala sa puso't isipan ko." Aniya at umakbay sakin. "Kung yan ang gumugulo sa isipan mo ngayon, wag mo ng isipin pa dahil kahit anuman ang mangyari tutuparin ko ang mga pangako kong binitawan."
Tumango lang ako sa sinabi nya at lumapit pa sa kanya upang magkadikit kami, kung pwede lang sanang hilingin na sana hindi na matatapos ang oras na to ngayon, yung tipong kasama ko sya at nakikita ko ang bakas ng ngiti sa mukha nya.
"Hindi ko alam kung hanggang saan tayo aabot Scott, mortal ako habang ikaw ay isang immortal, tama bang magsama at magmahalan tayo? Hanggang saan ang patutunguhan nito?" Ani ko sa mahinang boses.
Hinawakan nya ako sa kamay at pinaglaruan nya iyon. Hanggang ngayon ramdam ko pa din kung anu ang dinudulot ng simple ginagawa nya, bumibilis pa din ang tibok ng puso ko.
"May patutunguhan ang lahat ng ito, hindi naman mali ang ginagawa natin eh, mahal natin ang isa't isa at wala akong nakikitang masama doon, babalik ako sa pagiging mortal, magsasama tayong muli at bubuo ng pamilya."Hindi ko alam pero pakiramdam ko panatag ako na mangyayari ang lahat ng sinabi nya, hindi ko alam kung sa paanong paraan pero ang diyos nalang ang bahala samin.
"Naniniwala ako sa mga pangako mo Scott, sana nga pagbalik natin agad sa mundo natin makakasama na natin ang isa't isa." Nakangiting saad ko. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako, hindi pa tapos ang laban nila nina drago kaya dapat maging malakas din ako para samin.
"Bakit excited ka na bang makabuo na tayo ng pamilya? Pwede naman nating gawin ngayon dito, Sweetheart." Nakangising sabi nya at inilapit ang mukha nya sakin.
"Wag ka ngang magbiro hindi pa tapos ang problema natin, yan na yung iniisip mo eh." Pagtataray ko sa kanya.
"Sabihin mo muna sakin kung gaanu mo ako kamahal!" Hindi pa din sya tumigil at mas lalong lumapit pa sakin. Sinakop ng isang kamay nya ang beywang ko at ngayon ay tuluyan na kaming nagkadikit.
"Scott, ano nanamang drama yan." Pagrereklamo ko.
"Gusto ko lang marinig mula sayo na mahal mo pa ako, masama ba yun?" May himig ng pagtatampong sabi nya.
"Anu na?" Pangungulit nya pa sakin.
"Mahal kita, yung tipong kapag nawala ka sa buhay ko ay hindi ko kakayanin." Tuluyan ko ng sinabi kung anu ang nararamdaman ng puso ko ngayon.
"Ngayon palang gusto ko ng sabihin sa sarili ko na Congratulations to me, kasi ang taong mahal na mahal ko ay mahal din ako." Nakangiting sabi nya at niyakap ako.
Gumanti ako ng yakap at tumawa.
"Sira ka talaga." Bahagya ko syang hinampas sa braso."Tatlong oras nalang ang natitira at makakabalik kana sa mundo ng mga tao, kapag nakabalik ka aasahan mong susunod ako at sa mga oras na yun isa na akong mortal, bubuo agad tayo ng pamilya." Excited na sabi nya.
"Anong akala mo sakin? Basta basta nalang papayag? Hindi ka pa nga nagpopropose at hindi mo pa ako hinaharap sa altar, bubuo na agad ng pamilya? No way, ayoko ng ganun." Ani ko at sinamaan sya ng tingin.
"Teka, dapat ba mag magpopropose pa ako at ihaharap kita sa altar? Kailangan ba talaga yun?" Naguguluhang sabi nya at nakakakunot pa ang noo nya.
"Alam mo Scott hindi mo ako madadala sa pinapakita mong kainosentehan ngayon, alam mo kung paanu bubuo ng pamilya tapos hindi mo alam kung panu manligaw at ang kasal? May ganun ba yun o nagdadarama ka nanaman? Hindi kaba natatakot na matamaan ng kidlat?" Pagtataray ko sa kanya at mas lalo pa syang naguluhan pero sa huli ay tumawa nalang sya at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sakin.
Biglang gumuhit ang kaba sa dibdib ko ng may mahagip ang paningin ko sa hindi kalayuan.
Isang taong lumulutang sa hangin habang umaapoy ang kasuotan nito.
"Scott may nakikita akong kakaiba." Ani ko at agad naman syang kumalas sa pagkakayakap sakin at tiningnan ang tinuturo ko."Scott, paparating si drago humanda kayo." Sabay kaming napalingon sa nagsasalitang si Violet.
"Handa ako, Violet." Ani Scott at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay.
"Haharangin ko siya sa labas, lumayo na kayo dito." Maawtodirad na sabi ni San Claudio.
Tumango naman si Scott at Violet.
"Maraming salamat po mahal na anghel." Sabi nila.Agad namang lumabas si San Claudio para harapin si Drago.
Dumaan naman kami sa likuran ng bahay at tumakbo palayo doon, nauuna kaming dalawa ni Scott habang nakasunod sa amin si Violet.
"Magtiwala ka lang na sa huli ang kabutihan pa din ang mananaig." Ani Scott at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak sakin.
Medyo malayo na ang distansya namin mula sa lugar na pinanggalingan namin kanina, pinilit ko ang sarili ko na wag lumingon dahil ayokong masaksihan pa ang mga nangyayari.
"Tumigil kayo!" Malakas ang boses na sabi ni Violet.
Agad namang tumigil si Scott at hinila ako paatras, dahil may kung anong bumagsak sa harapan namin.
"Ang anghel!" Sigaw ni Violet at lumapit kay San Claudio at inalalayan nya iyong makatayo.
"Sinasabi ko na sa inyo na hinding hindi nyo ako matatakasan, matatalo at matatalo ko pa din kayo hahahahaha" ani drago na humahalakhak pa.
Mabilis na nagsibagsakan ang mga luha ko sa mata dahil sa samo't saring emosyon, mas nangingibabaw ang takot at pangamba.
Alam kong ang kabutihan pa din ang mananaig sa huli, ang gawin ko nalang ay ang magtiwala sa kanila.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...