Kabanata 20

324 21 17
                                    

|Kabanata 20|





Napako ako sa kinatatayuan ko ng tumambad sakin sa sala ang duguang katawan ni Lola.

Napatakip ako sa bibig ko at mas lalong bumilis ang paglabasan ng Mga luha ko.

Napansin kong naunang lumapit si Scott sa katawan ni Lola at may kung anu syang ginawa.

Hindi ako makahinga sa mga nakikita ko, halos madurog hindi lang ang puso ko kundi lahat ng sistema ko. I felt very Devastated.

Hindi ko naiwasang humikbi at mapasigaw ng makita ko si Scott na nakatingin sakin, malungkot ang mga mata nya at napa-iling sya.

This day is too much for me, Kung nananaginip lang ako gusto ko ng magising.
Namamanhid ang buong katawan ko at napa-upo sa sahig habang patuloy ang pag-iyak.

Naramadaman ko ang paglapit ni Ara sakin at niyakap nya ako.

"Bakit ginawa nila ito sa lola mo Bern?" Naiiyak na din na wika nya.

Hindi ko na nagawang magsalita pa, mabilis akong kumawala at nilapitan ang katawan ni lola at niyakap ito.

"Sana ako nalang!" Sigaw ko habang umiiyak, naramdaman kong may yumakap sakin.

Gumaan ng konti ang bumubugso kong damdamin dahil sa paghihinagpis.
Hindi ko lubos maisip na nangyayari ito ngayon.

Napatayo ako at nabitawan si lola ng maalala ko si Kleah.

Agad kong tinakbo ang kwarto nya, mas lalo akong kinabahan ng makita kong kumalat lahat ng gamit nya sa kwarto, pero hindi ko sya makita.

"Hinanap ko na siya pero wala siya dito, nararamdaman kong buhay pa sya." Narinig kong sabi ni Scott sa tabi ko.

Humarap ako sa kanya at yumakap, niyakap nya din ako ng mahigpit at tinapik-tapik ang likuran ko.
"Scott, tulungan mo ako, alam kong sila ang may gawa nito.."

Patuloy lang akong umiyak, hindi na yata ako nauubusan ng luha sa mata. Puno ng paghihinagpis at galit ang nararamdaman ko.

"Fuck! Stop Crying, bibigyan natin ng hustisya ang ginawa nila sa pamilya mo, pagbabayarin ko silang lahat." Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Scott.

Kung buhay man nila ang pwedeng mwala para mabigyan ng hustisya ang pagkawala ngayon ni Lola, hindi ako tututol.

Wala silang awa!

Nilapitan ko ulit si lola, at natigilan ako ng makita ang letrang nakasulat sa sahig gamit ang sarili nyang dugo.

Atty

Si atty. Cruzon? Sya ang may gawa nito? Sya ang tumtraydor samin?

Makalipas ang ilang oras, unti-unti na akong kumalma.

Tinawagan ko si kuya Joseph na umuwi muna, umuwi kasi sila sa probinsya noong isang araw, sila lang ang makakatulong sakin para ayusin ang lahat at sa pagpapalibing kay lola.

Lumapit si Scott sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Scott, si Atty Cruzon ang may gawa nito, hanapin natin sya.." napahikbi pa ako habang sinasabi iyon.

"Sinubukan kong hanapin sya pero hindi ko sya makita, alam kong kasama nya ngayon ang mga killer, hindi lang sya ang may gawa nito pati na din ang mga killer na nakalaban natin noong nakaraan." Paliwanag nya sakin.

Tulala lang akong nakikinig sa kanya.
"Inutusan ko ang isa sa mga secret protector na bantayan ang bahay nyo at ang lola mo sa lahat ng oras, ginawa naman nila pero natalo sila ng mga killer." Patuloy pa nya. " hindi lang iisang killer ang ang may gawa nito may mga kasama sya marami sila, kaya kailangan ko kayong bantayan dahil anumang oras sasalakay sila."

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon