Kabanata 13

369 28 17
                                    

|Kabanata 13|

Paghaharap.

"Saan kayo pupunta magandang binibini  at Secret protector?" Pareho kaming natigilan ni Scott, dahil may humarang samin.

Sila ang mga sinasabi ni Scott na may kakayahang pumatay ng isang Secret Protector, marinig mo palang ang boses nila maninindig na ang balahibo mo.

Itinago ako ni Scott sa likuran nya, hindi sya nagsasalita at nakikipagtinginan lang sa mga kalaban, bukod sa tatlong sinasabi nyang may kakaibang kapangyarihan, nandyan din ang mga kriminal na humahabol samin at ngayon ay nakatutok na ang baril samin.

"Scott, tatakas nalang tayo, baka mapano kapa." Bulong ko sa kanya.

"Hindi na tayo makakatakas sa kanila, magtiwala ka sakin kaya ko silang labanan." Sagot nya sakin..

Kahit kinakabahan man ay nanahimik nalang ako.

"Unahin na natin ang secret protector na yan!" Sigaw ng isang kriminal, at naunang nagpaputok ng baril at sumunod naman ang lahat ng mga alalay nya.

Napansin kong itinaas ni Scott ang kamay nya, at may biglang lumabas na kakaibang bagay, parang shield kung tingnan, pagtingin ko sa harap namin nakalutang na ang lahat ng bala sa harapan namin at hindi ito tumama samin.

Woah! Anu to? kaya nya palang gumawa ng invisible shield? Akala ko malakas lang sya at mabilis gumalaw pero may kapangyarihan din pala sya?

"Hahahahaha, hindi nyo sila kaya!" Sigaw ng isang  Secret Protector killer sa mga kriminal.

Napansin kong biglang nawala si Scott sa  tabi ko at kasabay non halos sunod-sunod na nagsi-daingan ang lahat ng mga kriminal, habang nakikita ko ang black shadow na paikot-ikot sa kanila.

Sabay sabay silang bumagsak sa lupa,  at halos lahat sila ay may mga sugat na sa katawan.

Napansin kong napa-atras ang tatlong Secret Protector killer sa nasaksihan nila.

Agad namang bumalik sa Scott sa tabi ko kaya mabilis akong napahawak sa braso nya.

"Mag-iingat ka hah." Naiiyak na sabi ko.

Bahagya syang sumulyap sakin at ibinalik ang tingin sa tatlong nakatayong  Killer at ang isa pang leader ng mga kriminal.

*clap*clap*
"Magaling ka!" Natatawang sabi ng isang killer.

Anong nakakatawa dun? Sarap sungalngalin ng bunganga nya! Gigil nya si ako!

Napahigpit ang paghawak ko sa braso ni
Scott ng biglang may inihagis na kulay pulang weapon ang isang killer papunta samin, kasabay non biglang  nawala ang invisible shield na nakapalibot samin. Woah! Ibig sabihin kaya nilang talunin ang kapangyarihan ni Scott?

"Bwahahahaha, wag kang duwag!" Hagikhik ng isang killer.

Sabay na lumutong sa hangin ang dalawang Secret protector killer, at papunta sa direksyon namin ang bagsak nila.

May inilabas na dalawang sandata si Scott, hindi ko alam kung anu ang tawag sa mga yun basta nakita ko nalang na bigla itong lumabas sa mga kamay nya.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon