Kabanata 1

856 45 30
                                    

Kabanata 1

Bernice POV.


Kagaya ng sinabi ko bumalik ako sa lugar kung saan niligtas ako ng lalaking naka-itim. Gusto ko ulit siyang makita at mapasalamatan at para na rin mapatunayan kung totoo nga siyang tao o hindi.

Ang babaw ng dahilan ko para muling ipahamak ang sarili pero parang tinutulak ako ng puso ko na bumalik doon. Hindi ko alam kung bakit pero dahil namatay naman lahat ng kumidnap sa 'kin, wala naman na sigurong mananakit pa sa akin.

Humarap muna ako sa salamin para tingnan ang sarili. Isang fitted Jeans, V-neck plain pink t-shirt at sombrero ang napili kong suotin.

Agad akong bumaba at pumunta sa sarili kong sasakyan. I have my own Car. Tinatamad nga lang akong gamitin ito kapag pumapasok mas gusto kong nagpapasundo ako sa driver namin.

Mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa sasakyan papunta sa pupuntahan ko. Almost 1 hour din ang inabot ko bago ako nakarating. Malinis na ang paligid dahil wala na dito ang bangkay ng mga kidnapper at ganun din ang Van na sinasakyan nila.

Bumaba ako sa kotse ko at naglakad-lakad papunta sa makitid na daan na pinapalibutan ng mga halaman. Hindi na kayang pasukin ng sasakyan ko ang daan na 'to kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad nalang.

"Lalaking naka-itim? Nandito ka ba?" Sigaw ko sa buong paligid. Wala man lang katao-tao o kahit pamamahay dito kaya sobrang tahimik.

"Kuya magpakita ka naman. Gusto ko lang magpasalamat sa'yo." Sigaw ko ulit pero wala namang tao.

Ang tanga ko rin minsan eh. kung sakali mang tunay na tao 'yon, sa tingin mo nandito nga siya ngayon? Malamang nasa bahay nila! wala namang bahay dito kaya wala siya dito.

I mentally shook my head because of my stupidity. Tsk! How so desperate I am?

Hahakbang na sana ako pabalik sa sasakyan ko nang makadinig ako ng isang ingay malapit lang si tinatayuan ko. Omo! Baka si kuyang naka-itim na 'yon.

Derederetso kong tinahak ang makitid na daan at halos binuhusan ako ng malamig na tubig nang marating ko ang pinaka-dulo.

Isang kubo ang nakita ko at sa labas no'n ay may tatlong armadong lalake na binubogbog ang isang binatang sa tantiya ko ay nasa 15-18 years old palang. Hindi na dapat ako pumunta pa dito. Naghahanap lang ako ng ikapapahamak ko.

Dahan-dahan akong humakbang paatras para makalayo sa lugar na ito, pero nagulat ako nang bigla akong nakadinig ng putok ng baril at paglingon ko ay bumagsak na sa lupa ang binata. Napa-sigaw ako sa gulat at takot dahil sa nasaksihan ko ulit.

Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit nagkakaganito ako? Pinapahamak ko yata sarili ko eh.

Napansin kong napalingon ang tatlong lalake sa direksyon ko.

"May tao! Nakita tayo!" Sigaw ng isa sa kanila.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa sasakyan ko dahil hinahabol na nila akong tatlo ngunit hindi ko nakitang may malaking bato pala sa harapan ko kaya natapilok ako at natumba. Shit! Hindi ako pwedeng maabutan nila! katapusan ko na kapag nagkataon.

"Huli ka!" Bulalas agad sa akin ng isang lalake at paglingon ko ay pinalilibutan na nila akong tatlo.

"Fresh lumpia mga pare! Masarap 'to!" Natatawang saad ng isa at nakangisi pa sa akin.

"Mga hayop kayo! Pabayaan niyo na ako, hindi ako magsusumbong" singhal ko sa kanila.

"Sa tingin mo maniniwala kami? Hahahaha." Nakangising sabi ng isang kriminal.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon