|kabanata 12|
"Saan ba tayo pupunta?" Reklamo ko sa dalawa kong kaibigan habang hila-hila nila ako.
"May ipapakita lang kami sa 'yo na siguradong ikakagulat mo!" Nakangising sabi ni Ara.
"Bibigyan kita ng clue bern, you want?" Excited naman na sabi ni lorlee at tumango lang din ako.
"Maiinlove-ulit si Araaa" tili niya.
"Ang ingay mo lorlee! Shut up!" Sabad naman ni ara sa kanya.
Anyare? Loading pa din ako eh.
"Here we Are!" Tili nilang dalawa.
"Hi, Bernice kamusta?" Halos manlaki ang mga mata ko sa taong kaharap ko ngayon.
"De-denver? I-ikaw ba yan?" Nabubulol na sabi ko.
"Ako nga! Bakit gulat na gulat ka yata?" Natatawa na sabi nya at lumapit sakin at tinapik-tapik ako sa balikat. "Kamusta?" He added.
"Okey lang! Ikaw ba? Ilang taon kang hindi nagpakita samin akala namin nakalimutan mo na kami!" Pangongonsensya ko sa kanya.
Tumawa lang sya sa sinabi ko, kaibigan namin si Denver simula noong elementarya pa kami, yun nga lang noong nagcollege na kami ay lumipat sila ng lugar at hindi na kami masyado nagkikita.
"Naging busy lang ako, pero ngayon araw-araw na tayong magkikita!" Nakangiting sabi nya.
"Hah? What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
"Dahil dito na sya magaaral!" Sabat ni lorlee.
Napangiti nalang ako at napatango! Sinulyapan ko naman si Ara na tahimik lang, nagkatinginan kami at binigyan ko sya ng nakakalokang ngiti.
Grabe yung lovestory ng dalawang to noong highschool pa kami, halos mabaliw kami sa kilig noon, possible pa kaya mangyari yun ngayon?
"So anu girls, magugutom na ba kayo? Tara treat ko ngayon!" Masiglang sabi ni Denver na ikinatili naman ni lorlee, akalain mo may maglilibre ng foods samin? Haha.
"So, Crim pa din ba yung kinukuha mong kurso!" Tanong ko kay Denver habang kumakain ma kami, yung mga mata naman kababaihan nakatuon sa kanya na-awkward tuloy kami-- o baka ako lang.
"Yeah! You know how much I liked that course before, kayo ba kamusta pagaaral nyo? May mga boyfriend na siguro kayo!" Nakangiting saad nya.
"Okey lang naman basic lng samin yung mga lessons namin, at eto single pa din ako ngayon." Sagot ni lorlee.
"Same here!" Sabi ko naman.
"Ikaw Ara?" Napatingin kami sa gawi ni Ara na ngayon ay tahimik lang, nataranta syang napaangat ng tingin.
"Hah? Are you asking for what?"
We chuckled. Anyare sa kanya? Kanina lang tumitili-tili pa sya ngayon parang ayaw na magsalita? Sabagay baka nanibago lang sya, labis din kasi ang hirap na dinanas nya noong umalis si Denver eh.
"I said, kamusta ang pag-aaral mo? At may boyfriend ka na din ba?" Seryosong tanong ni Denver.
"Ah- hah? Wala noh! Priority ko ang study ko ngayon." Sagot naman ni Ara na halatang natataranta pa din.
"Good." Mahinang sabi ni denver.
Nagkatinginan naman kami ni lorlee at nag-ngitian! I smell something talaga....
♡~♡
Papasok na sana ako sa gate ng bahay, ng may narinig akong ingay malapit lang sa tinatayuan ko napalingon naman ako sa paligid pero wala naman akong nakita.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Gizem / GerilimKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...