Kabanata 23

328 22 23
                                    

|Kabanata 23|



"Wag kayong manakit ng mga taong walang kalaban-laban, ako ang harapin nyo!" Matapang na sabi ni Scott habang nakikipag sukatan ng tingin sa tatlong killers na nakatayo sa harapan nya.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking tumakbo papunta samin.

"Denver? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"Sinama ako ni Scott mo. " Tipid nyang sagot at sinubukang kalagan kami sa mga tali namin.

"Salamat." Ani ko ng makalagan nya na kami.

"Sumama kayo sakin, naplano na namin ni Scott ang dapat gawin, siya na ang bahala sa mga kalaban kailangan lang nating makalabas agad dito dahil sasabog ang lugar na to." Ma awtoridad na sabi nya.

Napatingin ako sa gawi nila Scott at ngayon ay nakikipag laban na sya sa tatlong killer.

Napansin kong hinahayaan nya lang na atakihin sya ng mga killers, ilag lang sya ng ilag.

Napatingin sya sakin at tinanguan ako, malungkot ko syang tiningnan at sumunod na kina denver. Buhat-buhat nya ngayon si Kleah, habang magkahawak kamay naman sina Lorlee at Ara.

Hindi paman kami nakakalabas sa lugar na ito ay may humahabol na samin na mga armadong lalaki.

"Denver!" Tumigil sya ng marinig nyang tinatawag ko sya.

"Ililigaw ko ang mga humahabol satin, sa inyo ko muna ibibilin si Kleah, kayo na ang bahala sa kanya." Nangungusap ang mga mata na sabi ko.

Tumango lang sya sakin.

"Bern, mag ingat ka!" Naiiyak na bilin ni Ara.

"Magkikita tayo sa bahay, doon namin dadalhin si kleah." Sabi naman ni lorlee.

Tumango ako bago sumagot.
"Salamat! Umalis na kayo baka maabutan pa tayo dito."

Pinanood ko silang tumakbo palabas sa lugar na ito, ng mawala na sila sa paningin ko saka naman dumating ang mga humahabol samin, lumiko ako sa ibang direksyon at umakyat pataas, Good thing at sa akin sila lahat sumunod.

Mas mabuti ng ako nalang ang mapahamak, sapat na sakin na maligtas ang mga kaibigan ko at si Kleah, hindi dapat sila nadadamay sa mga ganitong problema at pangyayari. This is too much for them to bear.

Kahit hingal na hingal na ako ay hindi pa din ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang rooftop.

"Wala ka ng matatakbuhan pa bata, hanggang dito ka nalang." Nakangising sabi ng isang lalaki sakin.

Umatras lang ako ng umatras hanggang sa hindi ko namalayan na wala na pala akong maaapakan kaya tuluyan na akong nahulog.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!" Napapikit nalang ako habang nahuhulog mula sa itaas.

Kung saan man ako tatama, alam kong hindi na ako mabubuhay dahil sa sobrang taas ng kinahuhulugan ko.

Mga ilang segundo pa akong nakapikit ngunit hindi ko manlang naramdaman na tumama ang katawan ko sa lupa, nakakarinig na ako ng ingay ng isang sasakyan.

Patay na ba ako?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at halos tumalon ang puso ko sa nakita.

Sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
"Are you okey, Sweetheart?" Nakangiting sabi nya.

Ilang beses pa akong napalunok bago natauhan.

Hindi ako makapaniwala na nasalo nya ako habang tumatakbo ang sinasakyan nyang motorsiklo.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon