Kabanata 9

444 27 18
                                    

|Kabanata 9|

《《《《《《《《

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad akong napasapo sa pisngi ko nang maramdaman ko ang hapdi. Halos hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil namamanhid ang mga ito.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at sobrang dilim na at tanging apoy lang ang nagsisilbing liwanag na ngayon ay nilalagyan ni Scott ng mga tuyong dahon.

Napansin kong nakahiga pala ako sa ilalim ng malaking puno.

Napayakap ako sa sarili ko ng mapagtanto kong dalawa lang pala kami ni Scott ang magkasama ngayon, Omo! Baka anong ginawa nya sakin?

Napansin kong naglalakad na sya papunta sakin dahil napansin nya din na gising na ako.

"Mahapdi ba yung sugat mo?" Seryosong tanong nya.

I nodded as a response, speechless na kasi ako, baka anong mangyari sakin ngayon?!

Tinitigan nya ako ng seryoso na para bang alam nya kung ano ang tinatakbo ng utak ko.

"Kung iniisip mong hahalayin kita, kabahan ka na, bawal mag-assume ng sobra masasaktan ka lang." Derederetso nyang sabi.

"Hoy! Wag ka ding assuming, hindi ako ganyang babae!" Singhal ko sa kanya. " akala mo naman ang gwapo mo!"

"Kanina pa nga ako nate-tempt eh, pinipigilan ko lang." Napansin kong ngumiti sya pagkatapos nya iyong sabihin, at ang gaga namang si ako namula yata ang mukha ko !nag-iwas nalang ako ng tingin at nanahimik nalang wala naman akong mapapala kapag pinatulan ko pa ang pagiging fuckboy ng hype na to.

Maya-maya pa naisip ko kung bakit hindi nya pa ko binabalik sa bahay gayong may kakayahan naman syang gawin iyon anytime.

"Bakit pa tayo nandito? Diba may kakayahan kang lumitaw sa anumang lugar na gusto mong puntahan? Bakit di mo ako pauwiin sa bahay? Nagaalala na siguro ngayon si lola sakin." Sabi ko.

"Kanina ko pa sana ginawa yun kung gumagana, 24 hours tayong magtitiis dito dahil hindi gumagana ang kakayahan kong yun!" Aniya habang nakatingin sa apoy.

Niloloko ba ako ng isang to? Anu lowbat lang ang drama? Kailangan pang mag-charge? Baka palusot nya lang to dahil gusto nya lang akong makasama, emeged! Bet ng lola nyo!

"Tamaan ka sana ng kidlat sa lahat ng kasinungalingan mo!" Pagtataray ko sa kanya, hindi ko pwedeng ipahalata ang nararamdaman ko dahil aasarin nya lang ako.

Lumingon sya sa gawi ko at ngayon napakaseryoso na ng mukha nya, na-offend ba sya? Ang harsh ko naman.

"Ikaw nga, ako ang tumama sayo tapos sakin kidlat pa talaga? Hindi pwedeng vice versa? Ang sama mong babae." Nakangising sabi nya at nanunukso pa ang tingin nya dahilan sa nag-aalburuto na ako sa sobrang inis.

Naghanap ako ng bagay na pwedeng ibato sa kanya, agad akong nakakita ng bato na kasing laki ng kamao ko at agad ko iyong ibinato sa kanya.
Pero mabilis syang naka-ilag.

"Ayoko na dito! Ibalik mo na ako sa bahay!" Mahinahon kong sabi at pilit nalang na pinapakalma ang sarili ko.

"Kasalanan mo din kasi babae, kung hindi mo lang sana ako hinalikan kanina gumagana pa sana ang kakayahan kong yun, at dahil nangyari na 24 hours tayong magtitiis dito hanggang sa gumana na ulit ang kapangyarihan ko." Tumayo sya at akmang maglalakad na palayo sakin.

"So, it's all my fault? Kasalanan mo din naman ah, kung hindi ka lang sana nagkunwaring nawalan ng malay hindi sana kita hinali------ correction! Hindi kita hinalikan mouth to mouth ang tawag dun!" Paliwanag ko sa kanya.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon