Kabanata 21

296 23 11
                                    

|Kabanata 21|

Sabay-sabay na napatayo sina Ara at Lorlee at agad na lumapit sa tabi ko ng mapansin naming pilit na sinisira at binubuksan ang naka-lock na pintuan ng bahay.

Masyadong matibay at secured ang bawat parte ng bahay namin, kung tao lamang ang sisira nito para makapasok sa loob mahihirapan sila maliban nalang kung hindi tao ang gagawa.

Napansin naming biglang lumiwanag ang kamay ni Violet, nakakasilaw ito kung titingin ka doon ng deretso.

"Damn this! May mga kalaban tayo, hindi pa bumabalik si Scott!" Narinig kong sigaw ni Violet habang hinahawakan ng nagliliwanag nyang kamay ang pintuan ng bahay.

Wala na yatang may ibibilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, lalo pa't kasama ko ngayon ang dalawa kong kaibigan na inosente pa sa lahat ng mga nangyayari, and ofcourse baka mangyari din kay Violet ang mga nangyari sa mga kasamahan nyang Secret protector.

Natatakot ako sa posibleng mangyari, it's that just because Scott is not here to protect me-- us!

"Woah! Bernice hindi ka manlang nagsasabi na isang fairy si Violet!" Manghang tanong ni Lorlee.

"What the! This is really true? She's a fairy, may power sya!" Nanlalaki naman ang mga mata na wika ni Ara.

"Guys listen, delikado ang buhay natin ngayon, may mga masasamang nilalang sa labas na pilit tayong pasukin, so please humanda kayo, wag kayong humiwalay sakin dahil baka madamay pa kayo, ako lang dapat ang pwede nilang saktan kung saka-sakali." Puno ng awtoridad na sabi ko.

Napansin ko ang takot sa kanilang mga mata, nagyakapan sila kaya lumapit ako sa kanila at dumikit sa unahan nila.

"aaaaahhhhhhhh!" Napalingon ako sa sigaw na Violet, napansin ko na nahihirapan sya sa hindi malamang dahilan, tinutulak nya yata ang pinto para hindi ito bumukas, napapansin ko din na ang dating kulay brown na pintuan namin ngayon naging kulay pula na! Shit, Nandito ang mga killer!

Mga ilang sandali pa ang lumipas ay biglang sumabog ang pintuan.

Napasigaw kaming tatlo.

Tumilapon si Violet papunta samin pero nakatayo pa din ito ng tumama sa lupa.

"Nagulat ba kayo sa biglaang pagdating namin?" Nakakapangilabot ang boses na sabi ng isang killer.

As far as I remember, sya yung killer na tumakas noong huling harapan nila ni Scott at Violet may kasama sya sa likuran nya na dalawang babae, kulay pula din ang suot nila.

"Hindi namin alam na mabilis lang pala maisahan ang magaling nyong taga-protekta!" Sabi naman ng isang babae at biglang nagpalit ng anyo.

Nagulat ako sa nakita, naging isang anghel ito, mayroong dalawang pakpak at nakaksilaw ang kaputian ng kanyang kasuotan.

Naramdaman ko ang panginginig ng dalawa kong kaibigan sa tabi ko, hindi na sila makakapagsalita sa kakaibang nasasaksihan nila ngayon.

"Demon is always a Demon! Pwe!" Matigas na sabi ni violet na tinawanan lang nilang tatlo.

Bigla ng bumalik sa dati nyang anyo ang killer.

"Hindi kayo matutulungan ngayon ng kasama nyo dahil, isang oras pa ang pwede nyang itagal sa mundo nila bago makabalik dito, mahirap kasi sa kanya nagtiwala agad sa nakikita nya hahahahah." Halakhak pa ng isang killer.

"Kung hindi nya kami matutulungan, nandito naman ako, kaya ko kayong lahat pabagsakin, pasalamat kayo at may kasama akong mga mortal ngayon." Galit na sabi ni Violet. "Kung nagbabalak kayo na kunin sila, wag nyo ng ituloy mabibigo lang kayo." Dagdag pa nya.

"Matapang ka babae, well, let see kung hanggang saan yan." Puno ng pagbabanta na sabi ng lalaking killer.

Halos kapusin na ako ng hininga sa labis na takot, takot ako na pati ang mga kaibigan ko at si Violet ay mapahamak ng dahil lang sakin.

Nakita kong humahanda na silang atakihin si Violet, pero bago pa man sila nakagalaw itinaas na ni Violet ang kamay nya at biglang lumabas ang sobrang nakakasilaw na liwanag doon, napansin ko din na may invisible shield nanamna na nakapalibot samin gaya ng ginawa ni Scott noon, ang kaibahan lang doon ay ang liwanag na nakakasilaw na lumalabas sa kamay ni Violet.

"Sige, subukan nyong lumapit, isang metro mula dito matutunaw kayo sa liwanag na to!" Matapang na sabi ni Violet.

Napansin kong napa-atras ang tatlong killer at napatakip ng mukha.

Nilingon kami ni Violet.
"Sumunod kayo sakin, wag kayong humiwalay at lumabas sa loob ng shield, tatakasan natin sila hangga't kaya ko." Seryosong sabi nya at tumango lang kami.

Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa labas ng bahay, kahit nakadistansya ang mga killer samin sumusunod pa din sila at ngayon ay galit na galit ang makikita ko sa mukha nila.

Nakalabas na kami sa gate ng bahay namin ng biglang nawala ang liwanag at invisible shield na ginawa ni Violet at kasabay non ay ang kanyang pag-daing.

"Violet, anong nangyari?" Sigaw ko.

Napatingin ako sa tatlong killer na lumilitaw sa hangin habang may dumadaloy na kuryente sa kamay nila.

Shit! Nag sanib pwersa sila para buwagin ang shield na ginawa ni Violet.

"Nakikiusap ako, kung anuman ang pakay nyo sakin, ako nalang ang kukunin nyo, hayaan nyo ng makatakas ang mga kaibigan ko." Pagmamakaawa ko sa mga killer.

"I'm sorry my dear, but no one is excempted from all of you, kung anuman ang gusto namin walang makakapigil samin." Natatawang sabi ng isang killer sakin.

"Wag kang mag-makaawa sa kanila Bernice, kaya ko pa kayong itakas sa kanila!" Sigaw sakin ni Violet. "Tumakbo kayo ngayon na, ako na ang bahala dito." Utos nya samin.

Tututol pa sana ako pero naisip ko ang dalawa ko pang kaibigan ngayon.

Tumakbo kaming tatlo, napansin ko ang black shadow na paikot-ikot sa paligid namin, si Violet ito. Binabantayan nya kami sa atake ng mga killer.

Mga ilang minuto na kaming tumatakbo ng mapansin kong hindi lang black shadow ang paikot-ikot sa paligid namin kundi meron na ring red shadow.

What the heck, baka anu na ang mangyayari kay Violet!

Nagulat ako at kusang tumigil sa pagtakbo ng marinig ko ang pagdaing ni violet sa likuran namin, at ang pagkawala ng mga mga anino nila na kanina lang ay paikot-ikot pa sa paligid namin.

Lumingon ako sa likuran ko at napa-iyak na lamang ako ng makita kong hawak-hawak na nilang tatlo si Violet na ngayon ay hingal na hingal pa at pagod na pagod ang buong katawan.

"Masyado kang mahina!" Singhal sa kanya ng babaeng killer at kung may anong tinusok sa leeg nya na maliit na bagay.

Kusang bumagsak sya sa lupa at nakita ko pa ang kuryenteng dumaloy sa katawan nya bago sya nawalan ng malay, o baka pinatay na nila?

No, this is not supposed to happen, ako lang dapat at walang nadadamay!

Nagdasal ako sa na tulungan kami, na sana kahit mahirapan at saktan man nila kami hindi nya hahayaang mamatay nalang kami.

"Mga demonyo!" Sigaw ko sa kanila.

Lumapit sila sakin at naramdaman ko ang bahagyang pamamanhid ng buo kong katawan, kinakapos ako sa paghinga.

Binalingan ko ng tingin ang dalawa ko pang kaibigan na ngayon ay sabay-sabay ng bumagsak sa lupa.

Gusto ko man silang lapitan pero wala na akong lakas at hindi din ako makagalaw.

Naramdaman ko nalang ang unti-unti kong pagbagsak sa lupa.

"Scott....." I whispered.

At tuluyan na akong nawala sa sarili ko, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na baka sakaling magpapadala ang mas makapangyarihan sa lahat ng tutulong samin ng mga kaibigan ko....

A/N: Temporarily on-hold for the meanwhile, I will be continue this after final exam or after summer vacation, uuwi kasi ako sa farm after final exam ko, walang magandang signal don eh, pero promise tatapusin ko pa din to😘😘

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon