|Kabanata 26|
Huling Pagtutuos."Tumigil kana sa binabalak mong kasamaan Drago, bumalik kana sa kabutihan." May diin ang mga salita na lumalabas sa bibig ni Claudio.
"Hahaha, babalik? Hanggag ngayon umaasa pa din kayo? Wala kayong mapapala sakin kundi ang sirain ang misyon nyo at maghasik ng kasamaan sa mundo!" Malakas ang boses na sagot ni Drago at mas lalong lumakas ang apoy na nasa kanyang katawan.
Mabilis ang kanyang paggalaw, lumapit sya samin ngunit hinarang sya ni Violet.
"Hindi mo kami mabibigo sa misyon namin." Matapang na sabi ni Violet at hinawakan ang kanyang dalawang nagaapoy na kamay.Nagsusukatan sila ng tingin at lumutang paitaas, may kung anong malakas na hangin ang nararamdaman ko sa paligid.
Habang mas lalo pang umaapoy ang katawan ni Drago napapansin ko din ang unti-unting pagliwanag ng mga mata ni Violet.
Seryoso lang silang pinapanood namin ni Scott habang hawak-hawak nya pa din ang kamay ko.
Napansin ko din ang paglutang ni Claudio sa hangin at lumapit doon kina Drago at Violet.
Iniharap nya ang kanyang mga kamay at kasabay nun ay ang nakakasilaw na liwanag ang lumabas papunta sa nag aapoy na katawan ni Drago.
"Aaaahhhhhhh!" Dinig na dinig ko ang pagsigaw ni Drago.
Mabilis syang binitawan ni Violet at sinuntok sa dibdib ng nagliliwanag nyang kamay.
Parang eroplanong bumulusok pababa si Drago, derederetso itong bumagsak sa lupa, gumuho ang lupang kinabagsakan nya kaya hindi agad namin nakita ang katawan nya.
"Buhay pa sya! Hindi natin sya mapapatay, kailangan lang natin syang talunin!" Ani Claudio na nagmamatyag sa paligid at pinakikiramdaman ang susunod na mangyayari.
Mas lalo akong sumiksik sa tabi ni Scott, sana matatapos na to agad.
"Wag kang matakot, malapit na syang matalo." Ani Scott na ngayon ay nagmamatyag din.
"Hindi nyo ako matatalo!" Napaatras ako sa narinig kong boses.
Kasabay nun ay ang pagsilabasan ng limang tao, umaapoy ang kanilang mga katawan.
"Mga killers!" Dinig kong sabi ni Violet.
Tama si Violet, muling nabuhay ang mga killer na napatay na nila Scott, pinapagitnaan nila si Drago na ngayon ay nakangising nakaharap sa amin.
Sabay-sabay silang lumutang sa hangin at lumipad paitaas papunta sa direksyon nina violet at Claudio.
Hindi na masundan pa ng paningin ko ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na maipaliwanag kung anong klaseng labanan ang nangyayari, nagmistula itong buhawi kung titingnan ngunit umaapoy ito at lumiliwanag.
"Tutulungan ko sila."Ani scott at naghahandang makisali sa labanang nangyayari sa itaas ngunit hindi paman sya nakagalaw ay may biglang umatake saming killer.
Mabilis itong sinalo ng isang kamay ni Scott at agad ni pinilipit ang kanyang mga kamay, umaapoy ang mga mata ng killer na nakatitig sakin at parang hindi nito nakikita si Scott, pilit syang nagpumiglas habang sa akin pa din nakatingin ang nagaapoy nyang mga mata.
Isang patalim ang ibinaon ni Scott sa kanyang batok at bigla nalang itong natunaw at unti-unting naglaho.
Sabay kaming napalingon sa likuran namin ng mapansin naming may nagsibagsakan na mga tao.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tatlong killer na unti-unting natutunaw din at ganun din si Violet at Claudio na parang pagod na pagod na at may mga sugat na sa katawan nila.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Misterio / SuspensoKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...