Note: hindi pa dito magwawakas ang kwento pero nagpapasalamat na ako kung sakali mang may nakarating sa kabanatang ito. Maraming salamat😚😘
|Kabanata 27|
Masamang Panaginip.Kahit buong araw na akong nakahiga sa kama habang nakatingala sa kisame hindi ako nakakaramdam ng pagkainip, sinisigaw ng puso ko na dito lang ako sa loob ng kwarto at magkukulong, hindi ko alam kung bakit labis labis na nasasaktan ang puso ko, hindi ko alam ang dahilan kung bakit walang tigil ang paninikip nito na para bang may taong nagdulot ng isang malaking sugat na hindi na yata mahilom pa habang ako'y nabubuhay.
I stocked myself in my room everyday, I cried for no reason, I have no strenght to face the everyday challenge of my life.
Hindi ko alam kung saan galing ang mga luhang hindi maubos-ubos at patuloy lang na lumalabas sa mga mata ko.Nangungulila ang puso ko sa isang taong hindi magawang maalala ng isip ko, sabik na sabik ako sa isang taong kahit kailan ay hindi din matukoy ng puso ko kung sino ang taong iyon, sa bawat araw ramdam na ramdam ko ang patuloy na pagdurugo at hapdi sa bawat segundong lumilipas.
Ang sabi ng mga kaibigan ko, hindi naman ako ganito noong mga nakaraang buwan, pagkatapos daw malibing si Lola ay matapang kong hinarap ang buhay na kasama si Kleah, nagpatuloy ako sa pag-aaral ko pero nagising nalang daw ako isang umaga na hindi na matigil-tigil sa pag-iyak at nawalan na ng gana pang magpatuloy sa laban ng buhay.
Kung sakali mang nagkakamali ang puso ko sa nararamdamang may nakaraan akong hindi mabitaw-bitawan, hindi ko na alam ang sagot pa, kung nasasaktan ang puso ko ngayon nababaliw naman ang isip ko.
Marahan kong pinahid ang isang butil ng luha na nangilid sa pisngi ko, halos ganito nalang araw-araw ang sitwasyon ko, ang umiyak at tiisin ang sakit sa kaloob-looban ko.
Nabaling ang tingin ko sa pintuan dahil bumukas ito, tumambad sakin ang nag-aalalang mukha ng dalawa kong kaibigan na walang sawang binibisita ako araw-araw.
"Bern, dinalhan ka namin ng makakain, tara kain tayo." Masiglang bati ni Ara, ang mukha nyang kanina lang ay nag-aalala ngayon ay napalitan ng pilit na ngiti.
Malungkot ko lang syang tiningnan at umiling.
"Bern, hanggang kailan kaba magkakaganito? You look sa mesirable, It's that like you ruining your own life." Ani lorlee na puno ng pagsusumamo ang boses, umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ko alam." Ani ko sa pagitan ng paghikbi, nagsisimula nanaman aking umiyak at naninikip nanaman ang dibdib ko. "Wala akong lakas para maging masaya sa buhay na meron ako, habang tumatagal lalong lumalalim ang sakit na dinudulot ng puso ko, lalo itong nananabik sa isang bagay na kahit kailan ay hindi ko din matukoy kung anu." Tuluyan na akong humagulhol sa harap nila.
Lumapit si Ara sakin at niyakap ako ng mahigpit. " Stop Crying bernice, were begging you, were here to comfort you not to make you cry again, gusto naming pagaanin ang nararamdaman mo, nahihirapan na din kaming nakikita kang ganito." Garalgal ang boses na sabi ni Ara na mas lalo ko lang kina-iyak.
"Bern, please! Just this once, subukan mo ulit lumaban, subukan mo ulit bumangon, marami pa ang nagmamahal sayo, kailangan ka ni Kleah, kailangan ka namin, kailangan mong ayusin ang buhay mo." Pagmamakaawa ni Lorlee.
"Nasasaktan ang puso ko, kahit pilitin ko mang sumaya hindi ko kaya, walang puwang sa puso ko ang maging masaya dahil nangungulila ito." Ani ko habang patuloy sa pag-iyak.
"Huwag kang magsawang sumubok bern, hindi ka din namin susukuan." Patuloy pa nya.
Napailing nalang ako at umiwas ng tingin, napahinga ako ng malalim dahil naninikip nanaman ang dibdib ko, wala akong heart disease pero bakit ganito? Bakit nagkakaganito?
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Misteri / ThrillerKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...