Kabanata 10

455 24 10
                                    

Katotohanan.

Someone's POV

"Gaddamn it! Mga bobo! Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kayong nalulusutan! Mga wala kayong silbi! Weak!" Nanggagalaiti kong sigaw sa mga bugok kong mga tauhan.

"Masyadong malakas at magaling ang kasama niya master e. Kaya hindi talaga namin magawa ang plano natin!" Pagdadahilan naman ng isa sa mga tauhan ko. "Pero kung gusto niyo po master, may kilala akong isang grupo na magaling din at kayang talunin ang lalaking pumoprotekta sa kanya. Mga hindi ordinaryong tao ang mga 'yon at kaya nilang patayin ang kahit sinuman kapalit ng malaking bayad." Pagsusuhestyon niya.

Tiningnan ko siya ng masama at napaisip.

"Kung totoo man 'yan papuntahin niyo sila sa akin ngayon naaa!" Sigaw ko sa kanila at agad naman silang umalis para hanapin ang grupo na sinasabi nila.

Hangga't hindi ko napapatay ang Bernice na 'yon, hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkawala ng pamilya ko ng dahil sa kasamaan ng mga Oztalee! Uubusin ko ang lahi nila. Walang dapat na matitira!
They don't deserve to live in this world!

Bernice POV.

"Lola!!!" Agad akong tumakbo at naglambitin na nakayakap kay lola pareho kaming umiiyak.

"Bernice, saan ka ba nanggaling apo? Buong araw ka naming hinanap. Mababaliw na ako sa kakaisip kung anu na ang nangyari sa 'yo!" Naiiyak na sabi ni lola.

"Kinidnap ako ng mga hindi ko pa nakikilalang mga tao lola.. Mabuti nalang at palagi akong tinutulungan ni Scott." Ani ko at lumingon sa likuran ko. Nakatayo lang si Scott at seryosong nakatitig sa amin.

"Sino ba ang Scott na 'yan? At sino ang mga kumidnap sa 'yo? Diyos ko! Anong ginawa nila sa 'yo?" Sunod-sunod niyang tanong.

Bahagya akong napangiti at lumingon ulit sa likuran ko.

"Lola, si Scott po ang palaging nagliligtas at pumuprotekta sa akin." Tinuro ko siya sa likuran ko.

Seryoso lang na nakatingin si lola sa likuran ko pero nagulat ako nang bigla niya akong sampalin.

"Ikalawang beses ko na 'tong sasabihin sa 'yo! Nababaliw ka na ba Bernice? Kung sino man ang Scott na 'yan layuan mo siya dahil hindi siya totoo! Pinagamit ka ba ng droga ng mga kumidnap sa 'yo? Gusto mo bang pumunta tayo ng Ospital Apo?" May halong galit ang boses ni lola.

Napayuko nalang ako. Oo nga naman hindi pala siya nakikita ng ibang tao. He only exist when my life is in danger.

"Hindi po la. 'Wag na po. Ayos lang po talaga ako." Mabilis kong sagot.

"Pumasok ka na at mag-uusap pa tayo." Utos sa akin ni lola at naunang pumasok sa loob.

Binigyan ko si Scott ng Bakit-hindi-ka-nagpakita-kay- lola look? Bago nagsalita.

"Ayan napagkamalan na ako na baliw dahil sa 'yo." Sabi ko nang kaming dalawa nalang ang natira.

"Pumasok ka nalang sa loob babae at wag ka basta-bastang lumabas ng bahay na mag-isa!"

Iyon lamang ang bilin niya at bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko.

"Salamat!" Pahabol kong sigaw bago pumasok sa bahay.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon