|Kabanata 2|
"Good Morning ate." Masiglang bati ni Kleah sa 'kin. Siya ay pitong taong gulang kong pinsan na ulila na rin dahil sabay na namatay sina tito at tita noong nakaraang taon dahil sa isang aksidente.
"Good morning baby, are you ready to go to school? Sabay ka na sa 'kin." Nakangiting bati ko rin sa kanya.
Mag-kasabay kaming pumupunta sa school ni kleah dahil bago ako makarating sa University na pinapasukan ko ay madadaanan muna namin ang school niya. Mas nauuna nga lang siyang umuwi kaya sinusundo nalang siya ng driver namin.
"Yes ate! excited na ako." Nakangiting sabi niya sa 'kin.
Tinuturing ko ng nakakabatang kapatid si kleah dahil katulad ko tatanda rin siya na walang mga magulang.
"Tara magpapaalam lang tayo sa lola."
Pumunta kaming dalawa sa Garden para magpaalam kay lola.
Nadatnan namin siyang humihigop ng kape at may binabasang magazine."Good morning la, aalis na po kami." Agad kong bati sa kanya.
"Sige, mag-ingat kayong dalawa. Lalo ka na Bernice umuwi ka ng maaga." Ani lola.
"Sure la." Tipid kong sagot.
"Bye lola." Pahabol pa ni kleah at humalik sa pisngi ni lola. Gano'n din ang ginawa ko.
Hindi pa naman masyadong matanda ang lola namin. 65 years old pa lang naman siya at sobrang maalaga niya sa'min. Namatayan siya ng dalawang anak kaya wala na siyang natirang anak pa at tanging kaming dalawa nalang ni kleah ang naiwang alaala sa kanya ng dalawa niyang anak.
Habang bumabyahe kami papunta sa school namin napansin ko ang isang dark blue car na kanina pa nakasunod sa'min. Bigla akong kinabahan. Hindi maganda ang kutob ko dito.
Hinatid ko si kleah sa loob ng school niya at binilinan na kahit anong mangyari ay 'wag lalabas unless wala pa si kuya Joseph na driver namin.
Habang tinutungo naman namin ang daan papunta sa academy nakasunod pa rin ang dark blue car.
"Kuya pakibilisan mo po, may sumusunod sa 'tin." Halatang kabado kong utos sa driver namin.
"Opo maam." Sagot naman ni kuya Joseph at binilisan ang pagpapatakbo ng saasakyan.
Tiningnan ko ulit ang sasakyang nakasunod sa amin at napanatag naman ako nang makita kong hindi na sila sumusunod. I think same way lang talaga yung pupuntahan namin. Masyado na akong napaparanoid sa mga nangyayari sa buhay ko.
Agad akong sinalubong ng isa kong kaibigan pagdating ko sa Room namin.
"Always late, Bernice Oztalee!" Bungad sa'kin ni lorlee sabay pitik ng noo ko.
"Aray naman! Ang aga-aga nakakabanas ka hah." Sinimangutan ko siya.
She raised her right eyebrow at tiningan ako ng mataray.
"Bakit ang init ng ulo mo ngayon?"
"Whatever. Where's Ara?" Tinutukoy ko ang isa pa naming kaibigan.
"Pumunta lang ng CR." Sagot niya sa'kin.
"Sige, mag-c-CR lang din ako." Tinalikuran ko na siya at tinungo ang Comfort Room. Medyo may kalayuan ito sa Room namin. Hindi kasi sila naglalagay ng CR sa loob ng Room.
Hindi pa man ako nakarating sa Comfort Room nang may nakita akong isang babaeng naka-suot din ng kulay itim na black leather jacket, Black tight pants at black leather gloves. Hindi ako nagkakamali ng nakikita at naaalala ko sa suot niya ang lalaking ilang beses ng niligtas ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Mistério / SuspenseKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...