Note: Please play this song while reading the last chapter.
Bernice Part.
1 Month later.....
Natigilan ako sa paglalakad ng naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito at sinagot.
"Hello!"
"Hey, bern? Anong oras ka pupunta dito sa bahay, baka makalimot ka hah, birthday ko ngayon." Bungad agad sakin ni Ara sa kabilang linya.
"Oo na, pupunta ako mamaya, may dadaanan lang ako, By the way, happy Birthday Ar." Ani ko.
"Sige na nga, salamat! Don't forget my gift!" Aniya at pinutol na ang tawag.
Ibinalik ko sa shoulder bag ko ang cellphone, huminga ako ng malalim bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Nasa park ako ngayon kung saan naging parte din ito ng panaginip ko. Maraming beses din itong nagpakita sa panaginip ko kung saan dito kami bumubuo ng masayang alaala.
Lihim akong napangiti sa sarili ko dahil sa mga naiisip ko, hanggang ngayon talaga hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko.
Lumapit ako sa isang bench at umupo doon, medyo malakas ang ihip ng hangin dahil na din sa malaking mga puno ang nakapalibot ay hindi ako nasisikatan ng araw.
Napapikit ako ng bahagya at huminga ng malalim, pakiramdam ko napakaganda ng araw ko ngayon, nakakaramdam ako ng saya sa hindi ko malamang dahilan.
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago naisipang umalis doon para bumili ng ireregalo ko kay Ara.
Ilang hakbang pa lamang ang nagawa ko ay natigilan ako dahil may matigas na bagay ang tumama sa likuran ko, nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaunting sakit na dulot ng tumama sakin, tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa likuran upang tingnan kung anu ang tumama sakin.
Isang bola. Napadapo ang tingin ko sa isang makisig at pawisan na lalaki na tumatakbo palapit sa bola na nasa harap ko. Hindi manlang sya nag abalang tingnan ako at agad syang yumuko para damputin ang bola. Sa tantiya ko ay naglalaro siya ng basketball.
Nararamdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko, kinakabahan yata ako sa hindi malamang dahilan.
Halos nahigit ko ang paghinga ko ng umangat sya ng mukha at tumingin sakin.
For the nth time, muli nanamang tumigil ang ikot ng mundo ko habang ang puso ko ay ayaw paawat sa bilis ng pagtibok nito.
Napansin kong nagulat din sya ng makita ako, napaawang ang labi nya habang deretsong nakatingin sakin.
Siya ang lalaking nasa panaginip ko, siya ang lalaking nasa telebisyon kama-kailan lang, siya ang lalaking gustong-gusto kong makita, at ngayon kaharap kona sya.
Tinupad ng diyos ang panalangin ko...
"H-hi.... Sorry nga pala!" Aniya na bumasag sa katahimikang namagitan samin.
Damn his voice, hindi na talaga ako nananaginip ngayon, totoong-totoo na'to ngayon.
"Hah? Ah... o-okey lang!" Nabubulol na sabi ko.
Ngumiti sya sakin kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong nya at humakbang palapit sa akin.
Buglang kumirot ang puso ko sa tanong nya. Gusto ko mang sabihin sa kanya na sobrang sakit at hirap ng pinagdadaanan ko pero wala akong boses para maisatinig ang mga iyon.
Ngumiti nalang ako sa kanya. Ito ang isa sa mga hiling ko. Ang makita sya at mangitian manlang.
"I'm okey! Wag mo ng isipin yun." Sabi ko kaya natigilan sya sa paglapit sa'kin.
Shit! Anong sinabi ko? Sayang...
Muli syang ngumiti sa'kin.
"Sige, sorry ulit." Aniya at tinalikuran na ako.Biglang nanikip ang dibdib ko, biglang gumuho ang mundo ko, gusto ko syang sigawan at pagalitan dahil aalis nanaman sya ulit at iiwan nanaman ako pero wala akong lakas para gawin iyon.
Nanlalabo ang mga mata ko at nagbabadyang lalabas na nanaman ang mga luha ko. Mabilis akong tumalikod at lumakad na din palayo.
"Sandali!" Natigilan ako ng muling narinig ang boses nya, muli ko syang nilingon at ngayon ang naglalakad sya papunta sakin.
Halos mahigit ko ang hininga sa tuwing humahakbang sya palapit sakin, naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Pakiramdam ko kasi, nagkita na tayo noon!" Kunot noong sabi nya. "Hindi ko lang maalala kung saan at kung kailan, pero nagkita na talaga tayo." Dagdag pa nya.
"Ga-ganun ba? Parang nagkita na nga tayo." Tipid kong sagot. Bigla akong nablanko, hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko sa kanya.
"Scott nga pala, ikaw anong pangalan mo?" Aniya at nilahad ang kamay sakin.
"Bernice ang pangalan ko." Sabi ko at tinanggap ang kamay nya. Nagkamayan kami.
Ramdam ko ang init ng palad nya, parang pinisil ang puso ko sa ginagawang pagkamayan namin.
Hindi nya Binitawan ang kamay ko, nagulat ako ng bigla nya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
Halos magwala ang buong sistema ko.
"Pasensya kana sa ginagawa ko ngayon, wag ka sanang magalit. I'ts just that, I really want to hug you like this." Aniya malapit sa tenga ko.
Umiyak ako habang yakap-yakap nya. Hindi ko alam pero ito na nga yata ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong gumaganti na din sa mga yakap nya......
FINAL ENDING. . .
Authors Note: hey! I would like to say thank you again, sa lahat-lahat.. muah! Muah😙 It's time to say goodbye na kina Scott at Bernice.😭😔🙋🙌
Ps. bitin ba guys? O sobrang bitin? Pwede naman kayong mag request ng book 2, feel free to comment your request here at baka sakaling paunlakan ko yan at magawan ko ng book 2 ang story na'to kahit maikli lang. Thank you.
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Mysterie / ThrillerKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...