|Kabanata 4|
Masigla akong naglalakad habang dala-dala ko ang backpack ko. Sa nakalipas na isang linggo naramdaman kong unti-unting nagbabalik ang buhay ko sa normal. Walang masasamang taong gustong pumatay sa'kin at wala ring misteryosong lalaki na bigla nalang lilitaw para tulungan ako.
Kaya nga malaya akong gumagala ngayon. Naisipan kong bago umuwi dadaan muna sa isang fast food para magtake out. Nagugutom na din kasi ako dahil marami kaming ginawa sa School ngayong araw.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay naisipan kong dumaan muna sa Park para magpahangin. Namimiss ko lang talaga ang gumala at kahit papaano ay naging masaya na ulit ako dahil wala ng banta sa buhay ko. Siguro nga 'yong dark blue na Van na pinasabog ng Scott na yun, nakasakay na doon ang master nila kaya namatay na.
Walang stoplight ang part ng street na ito kaya anytime pwede akong tumawid dahil sa kabila nito ay ang Park na pupuntahan ko.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago tumawid, ngunit nabigla ako nang makita kong biglang bumilis ang takbo ng sasakyan sa unahan ko.
Napasigaw ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Naramdaman ko nalang na may taong biglang kumabig sa beywang ko at mabilis na hinila papunta sa gilid ng highway.
Hindi ako nakapagsalita nang makita ko kung sino ang nagligtas sa akin.
"I-ikaw ulit?" Halos hindi makapaniwalang sabi ko. Siya nga? Nagpakita na s'ya ulit!
Kapansin-pansin din ang porma niya. Ibang-iba ito sa mga nakaraan naming pagkikita. Wala s'yang suot na jacket at sombrero ngayon.
Nakasapatos ito at kulay grey ang suot na Pants habang ang sa pang-itaas ay isang plane black t-shirt. Bigla tuloy lumitaw ang matipuno niyang dibdib at mga muscles niya at syempre ang mala-artista niyang pagmumukha. Saan ba talaga nanggaling ang taong 'to? Alien ba siya?
"Hoy! Sa susunod mag-ingat ka naman sa pagtawid." Sigaw sa'kin ng driver na muntik ng maka-sagasa sakin. Aba! Walang manners. Imbes na mag-sorry nagalit pa.
Napansin kong masama ang tingin ni Scott sa sasakyan na muntik ng maka-sagasa sa'kin kaya kinalabit ko sya.
"Hey, pabayaan mo na." Ani ko.
Hindi siya lumingon sa'kin dahil titig na titig ito sa sasakyan kaya napatingin ulit ako sa sasakyan nang marinig ko ang sunod-sunod na pagsabog. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong halos lahat ng gulong ng sasakyan ng taong mutik ng maka-sagasa sa akin ay sumabog.
Alam ko kung sino may gawa nito eh.
Hinawakan ko siya sa braso at niyugyog, kaya napatingin sya sa'kin."Ikaw may gawa no'n? Aminin mo na!"
Hindi siya sumagot. Hinawakan niya lang ako sa kamay at hinila papunta sa isang sementadong upuan sa loob ng park. Kinikilig yata ako eeehhhh.
"Ano bang ginagawa mo?" Kunwari'y naiinis na sabi ko.
"May importante akong sasabihin sa 'yo." Napaka seryoso ng boses na sabi nya.
"Okay. Makikinig ako sa 'yo. Bitawan mo muna kamay ko." Maarteng sabi ko na kunwari hindi ko nagustuhan ang ginagawa niya pero ang totoo hindi ko maipaliwanag sa sarili kung anu ang nararamdaman ko.
Agad niya namang binitawan ang kamay ko at naupo kaming dalawa.
"So, what's that important thing? Spill it now. Nagmamadali ako." Ani ko sabay tungtong sa kandungan ko ng mga pinamili kong pagkain.
"Anu 'yan?" Tanong niya sa'kin habang nakatingin sa pagkain na hawak-hawak ko.
"Foods." Tipid kong sagot.
Nagulat ako dahil hindi ko namalayan na ang hawak-hawak kong pagkain maya-maya lang ay nasa mga kamay niya na. Aba, hindi lang siya mabilis makipag away mabilis din siyang magnakaw ng pagkain.
Agad niyang binuksan ang plastic bag, at kinuha ang isang big size burger at kinagat.
"Wow! Hiyang-hiya naman ako, hindi uso magpaalam?" Pagtataray ko sa kanya.
"Wag kang madamot babae. Share your blessings. Kahit bayad mo nalang 'to sa pagligtas ko sa buhay mo." Tinatamad na sabi niya.
Nakaramdam naman ako ng konting hiya. Tama siya, hindi pa nga sapat 'yan sa ilang beses n'yang pagligtas sa buhay ko. Wengya! Pulubi ba 'to? Sa mga galaw at porma niya parang mas mayaman pa s'ya sa'kin, tapos nang-aagaw lang ng pagkain? Iba din.
"Okey, sayo na yan lahat! Ubusin mo!" Nasabi ko nalang sa kanya.
"So anu na nga 'yong sasabihin mo sa'kin." Muli kong tanong.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagsalita.
"Kailangan mo pa lalong mag-ingat simula ngayon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at humataw nanaman ang kaba sa dibdib ko.
"Ba-bakit?"
"Dahil namumukhaan ka na ng mga kriminal. Pati mga taong parte ng buhay mo nanganganib na rin ang buhay kaya dapat kayong mag-ingat." Puno ng otoridad sabi niya.
"Paano? Bakit? Naguguluhan ako sa'yo eh." Naiiyak na tanong ko. Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko hindi na manganganib ang buhay ko yun pala lalo lang lumala? Ano bang nagawa kong mali bakit pinaparusahan ako ng ganito?
"Pina-iral mo kasi ang katangahan mo babaeng malas. kung hindi ka lang sana bumalik pa sa lugar na 'yon hindi ka pa sana nakunan sa Camera, alam na ng mga kriminal ang itsura mo." Tinutukoy niya ang lugar kung saan una niya akong niligtas.
Tuluyan na akong umiyak. Wala akong pakialam kung nasa public place ako. Hindi ko lang matanggap na nanganganib na pala ang buhay namin kahit wala naman akong nagawang mali.
"What's the purpose of wasting your tears? Kahit umiyak ka man hinding hindi mo mababago ang lahat, kaya mabuti pang tumigil ka na." Mahina ang boses na sabi niya.
Napaka-ungentlemen ng lalakeng to, imbes na i-comfort ako papagalitan pa.
"Ikaw? Bakit alam mo lahat ng nangyayari? Sino ka ba talaga?" Tanong ko ulit sa kanya habang pinapahid ang mga luha ko sa mata.
"Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo kung sino talaga ako." Tumayo siya at humakbang na palayo sa'kin.
"Sandali! Aalis ka na? Hindi mo ba ako ihahatid? Diba sabi mo nanganganib ang buhay ko?" Pigil ko sa kanya.
"Walang mangyayari sa 'yo babae, makakauwi ka ng ligtas." Seryosong sabi niya at nag-lakad na ulit.
"Hindi uso magpaalam?" Tumigil siya ulit at tumingin sakin.
"Magkikita pa tayo kaya walang silbi kung magpapaalam na ako ngayon." Biglang lumamig ang boses niya.
"How can you be sure na magkikita pa tayo? Malay natin mamaya katapusan ko na pala? Nanganganib ang buhay ko sa hindi ko malamang dahilan kung bakit." Naiiyak nanaman ulit ako.
"Walang mangyayari sa'yo at magkikita pa tayo." Aniya.
"Promise?" Okey. ang oa ko masyado.
"Yeah! Kahit malaglag pa yang suot mong panty." Nakakalokong sabi nya at nakangisi pa habang nakatingin sa paa ko.
Nabaling ang tingin ko sa dalawa kong paa. Naka-suot kasi ako ng uniform ngayon. Medyo maiksi ang suot naming palda habang ang pang-itaas ay longsleeve.
Tiningnan ko siya ulit, ngunit wala na siya. Kita niyo? Kinakain ba siya ng lupa kaya ang bilis n'yang mawala?
Mabuti nga kung ganun! Ang bastos kasi eh.Kailangan ko ng umuwi at babantayan ko pa ang pamilya ko, baka anu na nangyari sa kanila.
A/N: tingnan nyo nalang ang picture sa itaas mga inosente kong reader silang dalawa yan.😚😚
BINABASA MO ANG
Her Secret Protector (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo, iisa lamang ang sagot niya. isang malaking HINDI! Hindi siya nagsisisi kung bakit pa siya ipinangan...