Chapter 34

2.1K 30 1
                                    

Eddieson's Pov

Habang nasa biyahe kaming dalawa papunta sa bahay diko maiwasang sulyapan sya minsan.

Ang ganda nya pala kahit sa simpleng ayos lang.

"Can i ask you?"

"Ano yon.?"

"Pano nga pala yung boyfriend mo?"

"Ano bang boyfriend sinasabi mo?"

"Yung nagtatanggol sayong collage.?"

"Hindi ko yon boyfriend. Kuya ko yun. Actually ayaw nya nga ako pinapalapit sayo eh. Kaya panigurado magagalit yun pag nalaman nya tong mga pinag gagagawa ko."

"So wala kapalang boyfriend?"

"Wala! Since birth."

Hindi nako kumibo. Hindi narin siya kumibo. So wala pala siyang boyfriend? Buti nalang. Malapit narin kami sa bahay kaya medyo binagalan konalang yung pag papatakbo.

Ang sarap nyang tignan.

bakit ba nagkakaganito ako.

*****

"Ayusin mo yang sarili mo ha."

Pag pasok namin sa bahay nakanda na yung mga pagkain. Hayys kahit kailan talaga si lolo parang isang baranggay naman kasi yung kakain.

"Good evening po sa inyong lahat."

"Oh Kendie hija. Andito na pala kayo. Halikayo dito. "

Nagkamustahan lang at nag simula narin yung dinner.

"Kendie hija may gusto sanang sabihin ang papa."

Saad agad ni daddy. Sana matapos agad tong gabing to.

"Ahm ano po yun."

"I want to meet your family."

"Po?"

"Lo baka pwede pong sa susunod nalang yun. Kasi busy din yung parents nya eh."

"Pwede naman nating pagplanuhan  ang pagpunta sa bahay nyo diba? Kausapin mo muna yung parents mo tapos sabihin mo samin kung kailan sila free. Kami nalang mag aadjust."

"Ah sige po try kopo."

"May isa pa kong tanong."

"A-ano po yun.?"

"Bakit ngayon nyo lang sinabi na mag nobyo at mag nobya napala kayo nitong apo ko.?"

"Po?"

"Ah lo kasi po nahihiya siyang magpakilala sa inyo. Hindi pa kasi siya ready mag ligal kami."

Sabay yuko ko. Baka kasi mahalata yung pagsisinungaling ko eh.

"Pero ngayong nakilala kana namin. Gusto ko naman makilala ng pamilya mo ang apo ko. "

"Ah hehe opo naman po. "

Sabay ngiti niya ng peke. Ang ganda nya parin kahit muka siyang tanga.

Hanggang sa natapos yung dinner.

*****

Andito kami ngayon sa kotse ko. Ihahatid kona siya .

"Pagpasensyahan mona pala yung lolo ko ha. Ganun talaga yun. Minsan kala mong bata. Minsan sobrang strikto naman. "

"Ok lang. May itatanong lang pala ko kung ok lang.?"

"Ano yun?"

"Pano pag dumating yung tunay mong girlfriend?"

"Saan ba yung inyo dito? Malapit naba tayo?"

Tumahimik nalang siya at hindi na kumibo. Sinadya kong ibahin yung usapan.

Ayoko syang pag usapan. Pag naiisip ko yung pag iwan nya sakin para kong nalulusaw na kandila. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Wala ng natira para sa sarili ko.

"Hoy!"

"Anu ba! Bakit naninigaw ka.?"

"Eh kanina kopa kasi sinasabi ihinto mo na at andito nako nakalagpas na tuloy. Ano ba kasi yang iniisip mo? O sino?"

"A-ah sorry. "

Ibinalik ko ulit yung kotse sa sinasabi nya at huminto.

Hinihintay ko siyang bumaba pero nakatingin lang siya sakin.

"Oh ano pang hinihintay mo. Baba na."

"Sabi konga eh."

At bumaba na siya. Pumasok na siya sa loob ng bahay . Tch! Hindi manlang lumingon.

~ascarim dialling...~

[Hello. Napatawag ka?]

"Kita tayo sa club. Tawagan mo si Billy. Gusto ko maglasing ngayon. Bye."

Binaba kona yung tawag bago pa sya makaangal.

*Magpapakalasing ako ngayon*

~~To be continue~~

Pls vote and paadd nadin sa fb.. aprilcastro 😉

Fb group: sleepMoreToBeHappy

FB page: EDRIL stories

Website: http://edrilstories.www.com

Back Off She's My NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon