Chapter 47

2K 43 5
                                    

Eddieson's Pov

Medyo natagalan yung paguusap namin ng kuya ni Kendie tungkol sa pagtira ni Kendie sa bahay ko.

Nasa byahe na kami ni Kendie ngayon pauwi sa bahay. Bukas nalang dadalhin ni Kevin yung gamit ni Kendie sa bahay. Nagpakilala na sakin si Kevin. Hindi ko kasi alam itatawag ko sa kanya kanina.

Nakakabingi ang katahimikan namin. Kaya naman nagumpisa kong magsalita.

"Kamusta pala pakiramdam mo.?"

"Ok nman."

"Nice to hear."

"Hm."

Hindi ko alam pero parang ang fahimik niya lang ngayon. Parang nasanay ako sa kaingayan niya.

Agad-agad?

"Ano bang nangyare?"

"Ha!?

Nagulat ako sa tanong niya. Alam ko kung ano yung tinatanong niya. Pero ayoko munang malaman niya kung paano at bakit siya nagkaganyan.

"Hindi kaba gutom? Kain muna tayo ng lunch. Malapit na tayo sa restaurant na lagi naming pinupuntahan. Gutom nadin kasi ko."

Ngumiti lang siya sakin. At hindi na nagsalita.

Mabilis lang ang oras at nandito na kami sa bahay.

Pagpasok namin sa loob.

"Ituturo ko sayo kung san yung kwarto mo. Sumunod ka sakin."

Binitbit kona din yung iba niyang mga damit na ginamit nung nasa hospital at sumunod siya sakin.

Pagdating namin sa kwarto niya. Ibinaba kona yung gamit niya at pinagpag yung kama na hihigaan niya pinalitan ko ng bedsheet at punda  ng mga unan , naglabas ako ng bagong kumot.

"Ayan pwede kanang magpahinga."

"Ang galing mo naman mag-ayos."

"Ha? Ah. Nasanay lang kasi mag isa lang ako dito . "

"Hmm. Sige pahinga muna ko. "

"A-ah sige. Dun lang ako sa baba. Tawagin molang ako pag may kailangan ka."

"K."

Pumunta muna ko sa kwarto ko at nagbihis nagpahinga ng konti at bumaba na.

Nanood ako ng tv at maya maya lang nakatulog ako.

*time Check- 2:42*

Nang magising ako hapon na. Tumayo ako at sinilip kung bumaba siya pero mukang nakatulog din siya.

Kinuha ko yung cellphone ko at may tinawagan. Maya maya lang dumating na yung order kong pizza dalawang kahon.

Binuksan ko yung pizza at nag bukas ng coke. Inihain ko sa lamesa sa harap ng tv.

Umakyat ako sa taas tumuloy ako sa kwarto ni Kendie. Nagaalangan ako pero kumatok padin.

"Kendie, ."

sandali lang akong kumatok at nagbukas narin siya ng pinto.

"Ah may ginagawa kaba?"

"Wala na. Katatapos kolang ayusin yung gamit ko."

"Ha ? Eh bakit hindi mo ko tinawag para ako nalang nagayos. Baka mamaya makasama pa sayo yan."

"Tsk. Wag kangang OA. Ok lang ako. Tsaka pano kita tatawagin kanina eh tulog ka."

"Kahit na. Edi sana ginising mo ko."

"Ok nanga eh. Bakit nga ba nandito ka.?"

"Ah um-order ako ng miryenda natin. Tara na sa baba."

"Talaga? Sige susunod na ko. Magbibihis lang ako dipa ko nagbibihis mula kanina oh. Nakatulog kasi ko."

"Sige. Hintayin kita sa baba."

Bumaba na ko at naghintay sa sofa.

bakit ba ang moody niya. Minsan parang pipe halos hindi na magsalita. Minsan kala mong chismosa sa kadaldalan. At minsan kala mong bata kung magreact. Ganon ba talaga siya o dahil lang yun sa aksidente.

Haayyss.😩

~~To be continue~~

Pls vote and paadd nadin sa fb.. aprilcastro 😉

Fb group: sleepMoreToBeHappy

FB page: EDRIL stories

Website: http://edrilstories.www.com

Back Off She's My NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon