chapter 65

1.5K 24 1
                                    

Eddieson's Pov

Andito kami ngayon sa bahay nila Kendie. Kanina pa siya tahimik. Kung pwede ko lang patayin yung Jhaydee nayun para matapos na agad yung problema ginawa ko na.

"Umupo ka muna jan ipag luluto kita."

Inupo ko sya at hinandaan ng plato sa harap niya.

"Marunong kabang magluto?"

"Oo naman. Mag isa lang ako sa Condo kaya sinanay ko yung sarili ko sa mga ganong gawain. Minsan lang din naman ako umuwi sa bahay namin."

"Oo nga pala mag isa kalang. Eh ano naman ang alam mong lutuin.?"

"Hmm. Marunong akong magluto ng menudo, adobo, sinigang, tinola, sisig, marunong din ako ng kaldereta. Marami pa pero diko na babanggitin baka humanga kapang lalo sakin eh."

"Yabang mo ah. Pero Wooow. Kaya mo talagang lutuin yon?"

"Gusto mo ba ng sample?"

Nakangiting tanong ko.

Tumingin naman sya sa taas, umastang nagiisip.

"Hmm. Gusto ko yung adobo. adobong manok. Yiiee masarap yun."

"Pero mas masarap ako."

"Pervert."

Bulong niya.

"Tikman mo para malaman mo."

"Ano ba lulutuan mo ba ko o hinde."

"Etu nanga po...Darling ko."

"Dali na"

At nagumpisa na kong mag hiwa ng mga sangkap. maya maya lang.

"Ang bangoooo..Hindi paba luto yan. Nagugutom nako. yung bruha mong ex may kasalanan eh. Hindi nanga tayo nakapag miryenda hindi pa tayo nakapag lunch."

"Malapit na to maluto. Nagpapapansin lang yun, kaya wag mo nang pansinin. Kulang sa pansin yung malandi nayun."

Back Off She's My NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon