chapter 67

1.4K 23 0
                                    

Kendie' s Pov

*continuation*

Napagdesisyunan ko nang pumasok kahit hindi kumakain dahil late na ko. 8:00 am ang umpisa ng klase ni mr. Rodriguez, 7:55 na. Ang sungit pa naman ng teacher na yun.

Lakad, takbo ang ginagawa ko para lang makarating sa school. Kahit papano umaasa pa kong madadaanan ako ni Eddieson ngayon, dahil umaasa akong may emergency lang kanina na baka nasiraan siya, o may pinaasikaso yung parents niya kaya hindi siya nakarating. Nagaalala na ko baka may nangyare na. Hinde.

Wag ka ngang nega Kendie.

Papasok pa kaya siya?

Hindi ko namalayan nakarating na ko sa school. Habol ko ang hininga ko habang papunta ko sa room namin.

Pero ganon nalang ang panlalambot ko ng makita ko si Eddieson, na nakaupo na sa pwesto niya at nakatingin sakin, halata sa muka niya at sa mga kaibigan namin ang gulat ng makita ako na ganito ang itsura ko, siguro muka na kong ewan dahil ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko sa noo pababa sa pisngi ko.

"You are 21 minutes late!"

Sigaw sakin ni mr. Rodriguez. Napayuko lang ako sa pagkapahiya.

"S-sorry po sir. Hindi napo mauulit."

"Dapat lang ms. Morelos, isang late mopa sa klase ko, 100 items ang pasasagutan ko sayo.!"

"Yes sir. Sorry po."

"Sige , maupo kana."

Naramdaman ko nalang na nangilid yung luha ko pero pinigilan ko itong tumulo.

Nakakasama ng loob.

Dinaanan kolang yung mga kaibigan ko pati siya at naupo na ko sa upuan ko. Nararamdaman ko ang awa nila.

Mula nang naging kami ni Eddieson hindi na siya sumasagot sa mga teacher, hindi na din siya nambubully  .

Pagkaupo ko, naramdaman kong hinawakan ni Eddieson ang kamay ko pero inagaw ko lang yung kamay ko ,kaya napabuntong hininga siya.

Kung ano ano pang inisip ko. Tapos andito kanapala. Ano kayang dahilan mo at pinaasa mo lang ako ngayon. Sana may maganda kang rason.

Natapos ang mga subjects namin ng hindi ko siya pinapansin.

*LUNCH BREAK*

Nauna na kong lumabas sa kanila. Naramdaman ko naman na nagsisunuran sila sakin.

"Kendie."

"Oy bakla. Anong ganap.?"

"Endie.. bakit ganun itsura mo kanina?"

Habol sakin ng mga kaibigan ko. Yung dalawa naman kasama ni Eddieson sumusunod din sakin.

"Nagugutom na ko. Kumain muna tayo."

Malamig na sabi ko sa kanila. At nagpauna nang maglakad.

Back Off She's My NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon