chapter 73

3.5K 80 74
                                    

Kendie's Pov

Pagdating ko sa bahay nakasalubong kopa si manang na may hawak na sandok.

"O ikaw pala Kendie ija akala ko kung sino yung pumasok. Teka bakit parang umiiyak ka? May problema ba ija?"

Alam ko naman mahahalata niya eh.

"W-wala po manang.Masakit lang po ulo ko. Gusto konapo matulog. Akyat napo ako."

"Eh sandali nga ija. Ikaw ba e wala talagang problema? Bakit kaba umiiyak? Kilala kita Kendie sabihin mo sakin? at saka hindi kaba kakain at matutulog kana?"

"Busog po ako manang. Bababa nalang po ako manang kung magutom ako. "

Sabi kolang at nagtungo na sa hagdan pero nasa gitna palang ako huminto muna ko at lumingon ulit kay manang.

"Ahm.. manang. "

"Ano yon ija?"

"Pag dumating po si Eddieson wag nyo po siya papapasukin, at pakisabi po na ayoko pa syang makausap. "

At nagtuloy nako sa pagakyat.

"Ahh kaya pala."

Dinig kopang sabi ni manang bago ako makapasok ng tuluyan sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagpasok ko bumuhos agad yung luha ko.

Alam ko naman na hindi nya din gusto yung nangyare eh. Pero naiinis parin ako sa kanya. Kung tinitignan nya sana yung nasa paligid nya. Nasasaktan ako ayoko ng ganun. kung nagiging maingat lang sana sya.

Nakaligo nako at nakapantulog na nang humiga ako sa kama ko, at bumuhos nanaman ang luhang ayaw ko na sanang ilabas.

Nakakatulog nako ng magising ang diwa ko sa sunod sunod na pagkatok.

"Kendie ija. Buksan mo to may bisita ka."

Dinig kong sigaw ni manang mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Nagtungo ako sa pinto at pupungas pungas ng mata kong binuksan ito.

"Bakit po manang?"

"Abay si Eddieson andun sa labas hindi konanga pinapapasok at ayaw monga . Pinapauwi konarin siya eh ayaw parin. Kanina pa sya nanjan magiisang oras na kaming nagkukulitan. Naaawa naman nako sa batang yon at umiiyak narin sakin habang nagmamakaawa. Bakit ba kase ayaw mong kausapin. Abay kung may problema kayong dalawa pagusapan nyo."

mahabang paliwanag ni manang. Napabuntong hininga nalang ako. Tinanguan ko si manang at natuloy tuloy ako sa pagbaba at tumuloy sa gate.

"Kendie. Kendie. Kendie please panget. Pakinggan mo naman ako. Hindi ko ginusto yung nakita mo. Akala ko kasi ikaw yung yumakap sakin kaya ko nagawa yon. Pakiusap panget wag kanaman ganyan sakin please. Alam mo namang ikaw lang yung mahal ko diba.,"

"Tapos kanaba? Pwede kanang umuwi."

Malamig na sabi ko.

"Hindi ako uuwi hanggat hindi mo ko kinakausap ng maayos. Kendie naman. Ano bang gusto mong gawin ko para paniwalaan moko. "

"Umuwi kana at wala kang mapapala dito. Bukas na tayo magusap. "

Sabi kolang at tinalikuran na sya.

"Kendie... please."

Dinig kopang sigaw niya.

Pagdating ko sa kwarto ko dun ko binuhos ang luhang kanina kopa pinipigilan sa harap nya. Naaawa ako sa itsura nya gusto ko syang yakapin. Pakiramdam ko ang sakit sakit ng nararamdaman nya. pero nasasaktan din ako. Bukas ko nalang sya kakausapin. Pahuhupain komuna yung galit ko ngayon. Uuwi din naman yan mamaya eh.

May kumatok sa pinto at bumukas ito ng dahan dahan.

"manang..."

"Ija."

Lumapit sa kinauupuan ko sa manang at hinawakan yung dalawang kamay ko.

"Kung ano man ang problema nyo ni Eddieson o kung sino man ang may kasalanan sa inyong dalawa sa tingin ko hindi nya naman dapat maranasan ang ganitong klase ng sitwasyon. Nahihirapan din sya ija. Hindi sa nangingielam ako pero kailangan mo sya kausapin ng mabuti ija."

"Kakausapin konaman po sya manang, pero bukas. Kasi hindi ko pa sya kayang kausapin ngayon dahil naiinis pako."

"Nasayo ang desisyon ija. Basta ayusin nyo ang problema ha."

Hindi rin nagtagal si manang dito at lumabas na. Hindi ako mapakali kaya sumilip ako sa bintana. At nakita koparin si Eddieson nakatayo sa gilid ng kotse nya na parang naghihintay ng lalabas sa gate namin.

Napabuntong hininga lang ako at nagtungo na sa kama at natulog

*****************************

Naalimpungatan ako dahil sa panaginip ko. Panaginip ko naaksidente daw si Eddieson. Kaya napatayo ako ng kama. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa wall clock.

3:38

Parang may sariling isip ang mga paa ko at kusang sinuot ang tsinelas at nagtungo sa bintana. Dahan dahan kong hinawai yung kurtina at nagulat ako sa nakita ko.

NAKATAYO PARIN SI EDDIESON SA GILID NG SASAKYAN NYA HABANG NAKADUKDOK SA BUBONG NG KOTSE.

Nababaliw naba talaga sya. Bakit hindi umuwi? Nagtatakbo ako pababa.

Patawad panget ko(,,•́ . •̀,,)

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back Off She's My NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon