Kendie's Pov
Ilang araw narin ang nakalipas. Papunta kami ngayon nila Jiji, Pauline, at Iza sa classroom wala yung tatlong lalaki ,pinatawag daw sila ng dean.
"Mga bakla anong isusuot nyo sa student night?"
Tanong ni Jiji.
"Ako syempre hindi papayag ang mommy ko na hindi maganda ang suot at ayos ko. "
Masayang sagot naman ni Iza.
Halos 2 weeks pa bago ang student night. Dapat nung july 5 pa yun e nabago daw sabi ng dean.
"Ikaw Kendie?"
"Ewan. Bahala na."
"Ay bakla hindi pedeng bahal na. Baka nakakalimutan mo ikaw lang naman ang girlfriend ng isang Eddieson Montenegro. Dapat bongga ka that night."
"E basta, ikaw Pauline anong susuotin mo?"
Tanong ko. Sinadya kong ibaling kay Pauline yung tanong dahil ang tahimik niya.
"Ay oo nga bakla. Anong susuotin mo. Panigurado bangga din yan."
"Hindi ako aattend."
"Ano!"
Sabay sabay naming tatlong tanong.
"Bakla naman bakit hindi. Aba hindi pwedw yun."
"Oo nga Pauline may problema ba bakit dika aattend?"
Tanong nang dalawa.
"Magsabi kalang samin ng problema Pauline, kaibigan mo kami."
Mahinahon na sabi ko. Ang lungkot lungkot ng mukha niya.
Pagdating namin sa room umupo na kaming apat. Tumabi muna kami kay Pauline para pakinggan siya.
"E kasi.."
Yun palang ang sinasabi niya pero nagsisimula nang mangilid ang luha niya.
"Bakla magkwento kana. Ano kaba wag mong sarilinen. "
"E kasi.. after student night, kinabukasan nun ang kasal. Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal, alam nyu yun. At hindi ko magagawang magsaya ng gabi nayan kung alam kong kinabukasan matatali na ko sa lalaking hindi ko naman kilala. "
BINABASA MO ANG
Back Off She's My Nerd
Teen Fiction****** Paano kung mainlove ang dalawang hate na hate ang isat isa.. Yung di nilanamamalayan inlove napala cla sa isat isa .. Sabay sabay nating abangan ang kwento nina Kendie At Eddieson. add nyu nadin ako sa fb aprilcastro 😉