chapter 71

1.7K 40 4
                                    

Kendie's Pov

Kinikilig ako pag naaalala ko yung sinabi ni Billy sa amin kahapon. Nakaka shock talaga dahil hindi namin expect na si Pauline pala yung pakakasalan niya. Talagang nakakanganga lang. gusto niya daw isurprise si Pauline. Alam niya daw na mahal siya ni Pauline dahil noon pama daw ay habol na ng habol sakanya ito. Naalala kopa nung sinapak ko si Billy dahil sa pag reject nya kay Pauline. Hahaha

Ano kaya magiging reaction ni Pauline exciting to pramis.

Papunta ako ngayon sa school. Nagtext kasi si Eddieson na hindi niya daw ako masusundo. Kaya eto ako naglalakad. Ayokong magtaxi sayang lang ang pamasage malapit lang naman tsaka maaga pa naman. Nakakataka lang kasi ngayon lang sya nagtext na hindi nya ko masusundo at kailangan daw dumating na ko sa school bago mag time. Kagabi nya padin ako pinipilit na wag kami pumasok at mag mall nalang daw kami. Hindi naman pwede dahil may activity kami kay ms. Escuadro.

Nasa kalagitnaan nako ng paglalakad ng may bumusina sakin. Napaigtad naman ako sa gulat.

"Hey Kendie. "

"Oh Darwin. Bakit?"

"Papasok kanaba? Sabay kana sak--"

Hindi pa sya natatapos magsalit ng umiling ako. Panigurado kasing magwawala nanaman yung panget ko pag nagkataon. Sobrang seloso pa naman nun.

"Hindi na. Hinihintay ako ni Eddieson sa school. Baka magalit lang yun pag nakita pa niyang nakisabay ako sayo."

Naglakad lang ulit ako at siya ayon nakasunod padin. Nakakainis naman tong lalaki nato. Paniguradong gulo nanaman.

"Yung group activity nga pala. Mamaya nayun kay ms. Escuadro. "

". Sige, dun nalang natin sa school pagusapan yan mamaya. Sige na mauna kana."

Nagmamadaling sabi ko habang nagmamadali rin na maglakad. Pero nakakapikon lang, kasi nakasunod padin siya sakin.

"Ano ba Darwin. Wag mona ko sundan."

"Hindi kita sinusundan Ken. Ito rin yung daan ko."

"Oo at kaya mong pumunta don ng hindi ganyan kabagal. Nakakainis kanaman eh. Tsaka anong Ken? Hindi Ken ang pangalan ko. Mauna kana kasi. "

Napangisi lang sya sa sinabi ko. Isa patong abnormal.

"Ang cute mo pala pag naiinis. Mas gusto ko yung Ken. At mas gusto ko yun kung ako lang tatawag nun sayo. Para kakaiba."

Sabj niya lang sabay kindat.

"Aiish!"

Iritang sabi kolang . Oo na gwapo na siya. Pero wala syang sinabi kay Eddieson kung paguwapohan lang.

Back Off She's My NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon