1st Chapter: Love Her For Me, Felix

6K 225 94
                                    

"MAS NAGING okay kaya si Sunny kung hindi ako sumama sa kanya?" tanong ko kay Felix. Busy siya no'n sa pag-se-set up ng tripod at DSLR camera habang nakaupo naman ako sa ottoman ng king size bed. Nando'n kami sa hotel room ko sa private resort ng pamilya ni Smith para sa request ko sa kanya. "I should have stayed in the mansion. Kung hindi ako kumapit sa konting hope na nakita namin, hindi na siguro kami masasaktan ng ganito."

Nalaman na namin ang "catch" sa sumpa ko– na mamamatay din ako kapag bumalik ako sa pagiging tao dahil sa brain tumor ko. Nakita ko kung ga'no na-devastate si Sunny nang malaman niya na kahit makalaya ako sa sumpa eh hindi pa rin kami puwedeng magkasama. Worse, sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari.

"Kung hindi kayo kumapit sa konting hope na nakita niyo, sigurado akong pagsisisihan niyo habambuhay," gentle pero mariing sabi naman ni Felix na tapos na sa pag-se-set up. Pagkatapos, tumayo siya ng maayos at humarap sa'kin. In-adjust niya muna ang frame ng eyeglasses niya bago siya humalukipkip at nagsalita. "Levi, naging masaya ka sa ilang days na pinagsamahan niyo ni Sunny?"

"Oo naman," mabilis at tumatangong sagot ko. "The happiness Sunny has given me is worth more than a lifetime. She turned my twenty years of loneliness into nothing, Felix." Ngumiti ako nang ma-realize ko kung pa'no naalis ng isang tanong lang ni Felix ang mga problema ko kanina. "You're right. I would have regretted it if I stayed in the mansion. I'd rather die than experience the loneliness I felt for two decades all over again. But of course, if I have the choice to live, I'll take it. Pero sa sitwasyon ko ngayon, wala na kong choice kundi ang mawala na sa mundong 'to." Tinuro ko ang camera sa harapan ko. Ngayong kalmado na uli ako, napaalala ko na sa sarili kong marami pa kong dapat gawin sa maikling oras na natitira sa'kin. Sa'min ni Sunny. "Pero bago 'yon, gusto ko munang mag-iwan ng message para kay Sunny. Ngayon kasi, hindi pa siya nakikinig sa'kin." Simula nang dumating kami sa resort, nagkulong na si Sunny sa kuwarto at alam kong iniiyakan na niya ko. "But she's a strong person so I'll know she'll get through this. Kapag okay na siya at tanggap na niya ang pagkawala ko, gusto kong ibigay mo sa kanya ang video na i-re-record natin ngayon, Felix."

Tumango siya, saka siya umupo sa metal stool na nasa likuran ng tripod. Pagkatapos, kinalikot na niya ang camera. "Just tell me when you're ready, Levi. Sisimulan ko ang pag-record sa'yo kapag handa ka na."

Tumitig ako sa camera at sasabihin na sana sa kanya na ready na ko, pero bigla kong nakalimutan ang mga sasabihin ko. Ngayon kasing nando'n na ko sa sitwasyon na 'yon– sa sitwasyong iiwanan ko na ng farewell message si Sunny– saka lang nag-sink in sa'kin ang masakit na katotohanan. Na mawawala na talaga ako sa mundong 'to.

Wala akong pinagsisihan. Pero siyempre, hindi ko pa ring maiwasan ang masaktan at malungkot. Lalo na ngayon.

Ngumiti uli ako pero sa pagkakataong 'yon, sigurado akong malungkot na ang ngiti ko. "I'm envious of you, Felix. Kasi puwede kang mag-stay sa tabi ni Sunny ng matagal. Wala kang time limit. I wish I were you."

"Oh, you wouldn't."

"Why not?"

"Because Sunny is not in love with me," sagot ni Felix sa frustrated na boses. "She's in love with you, Levi. Kaya kahit konting oras na lang ang natitira sa'yo, sigurado akong ikaw pa rin ang pipiliin niya. Gugustuhin mo pa rin bang maging ako kung hindi ka naman niya kayang mahalin if you become me?"

"You're in love Sunny with, too, aren't you?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko sa kanya pero mabilis din siyang nakabawi at bumalik sa pagiging pokerfaced. "What if I am?"

"Love her for me, Felix."

"You didn't have to ask me that, Levi," sagot niya, saka siya bumuga ng hangin at umiling-iling. "But do you really mean that?"

"I don't want to leave Sunny yet, Felix," pag-amin ko sa kanya sa basag na boses. Sinusubukan kong magmukhang matapang at matatag sa harap ni Sunny kasi ayoko siyang lalo pang panghinaan ng loob. Gusto kong ipakita sa kanya na tanggap ko na ang mangyayari sa'kin para matanggap din niya ang nalalapit kong pagkawala. Pero ngayon, sa harap ng ibang tao, hindi ko mapigilang ibaba ang depensa ko. "Hindi pa ko handang umalis. I still want to spend more time with her. Alam kong dapat na kong maging grateful sa oras na binigay sa'min kahit ga'no pa 'yon kaikli. But I can't stop my greed. Whenever I see her, my urge to stay with her becomes stronger. I love her, Felix." Kung may mga luha pa siguro ang manikang gaya ko, kanina pa siguro ako umiyak. Pero wala mang luha sa mga mata ko, alam kong ramdam niya ang tahimik kong pag-iyak sa boses ko pa lang. "I love her so much that it already hurts."

Nakita kong nangilid ang mga luha ni Felix, saka siya tumayo at tumalikod mula sa'kin. Nang yumuko siya, sigurado akong mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya. Ah, hindi coldhearted ang batang 'to. Tinatago niya lang ang mga emosyon niya dahil siguro, alam niyang maraming dumedepende sa kanya. Siya kasi ang pinakamatanda sa grupo.

I'm sure he will take care of my Sunny.

Siyempre, para akong dinudurog isipin pa lang na mapupunta sa ibang lalaki si Sunny. Pero wala na kong magagawa. Dapat pa nga kong magpasalamat dahil iiwan ko ang babaeng mahal ko sa mga taong nagmamahal din sa kanya.

Hindi pa nga siguro mahal ni Sunny si Felix ngayon, pero pareho pa silang mga bata. Marami pang mangyayari. Mga pangyayari na hindi ko na maaabutan. Pero kung aalis ako nang alam kong may ibang nagmamahal sa babaeng mahal ko, kahit masakit, ma-a-assure ako na may mag-fi-fill ng butas na posible kong iwan sa puso niya. That's good enough for me.

Kung hindi kami ni Sunny ang meant to be sa universe na 'to, wala akong karapatang ipagdamot siya kay Felix.

Kung hindi kami ni Sunny ang meant to be sa universe na 'to, wala akong karapatang ipagdamot siya kay Felix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon