"MOMMY, are you sure that you got everything that Sunny might need while she's here?" paniniguro ko habang chine-check ang mga grocery bag na nasa mesa. "I don't want her to starve. Enough na ba 'tong mga pinamili mong food, 'My?"
"Levi, relax," natatawang sabi sa'kin ni Mommy habang nilalagay niya sa ref ang mga frozen meat. "Marami akong biniling food para kay Sunny. Saka kung magkukulang pa ang mga 'to sa kanya, mag-iiwan naman ako ng pera para may panggastos siya. Saka plano ko ring hingin sa kanya ang bank account niya para kung sakaling kailangan niyo ng mas malaking amount ng money, maipadala ko agad."
"Thank you, Mom," sincere na sabi ko. "Salamat sa pagsuporta sa kabaliwan ko."
"Responsibilidad ko naman 'to kaya hindi mo kailangang magpasalamat sa'kin," marahang sabi niya habang nakatutok ang atensiyon sa ginagawa niya sa loob ng malaking ref. O baka nahihiya lang siyang tumingin sa'kin dahil nagiging emosyonal ako. "No'ng una, nag-aalala ako. Pero nagdesisyon akong magtiwala sa'yo. I believe that you won't hurt Sunny."
"I won't," pangako ko naman sa kanya. Pagkatapos, umupo ako sa high steel chair sa tapat ng kitchen island habang sinisilip pa rin ang grocery bags. Natuwa ako nang makita ko ang maraming snacks at chocolates na ibinilin ko kay Mommy. Nabasa ko sa isa sa mga post ni Sunny na mahilig siya sa matamis. "I wonder why she changed her mind, Mom. May sinabi ka ba sa kanya bago siya umalis ng mansiyon?"
"Wala naman masyado," sagot niya. "Pero sinabi ko sa kanya na kapag umalis na ko, ipapaputol ko na ang mga bills dito sa bahay since wala nang mag-aasikaso no'n."
Napasimangot ako dahil posible palang naawa sa'kin si Sunny kaya nagdesisyon siyang maging housekeeper. Pero mabilis ko rin namang sinaway ang sarili ko. Ano ba ang inaasahan kong dahilan niya?
"Levi, gusto ko sanang ikuwento kay Sunny ang mga experience mo noon sa mga Albularyong nagtangkang baliin ang sumpa mo."
Napangiwi ako sa sinabi ni Mommy. "Bakit pa, 'My?"
Dahil sa pagbanggit niya no'n, naalala ko tuloy ang mga pinagdaanan ko noong "bumibisita" pa sa'kin ang iba't ibang mga Shaman, Mangkukulam, at Albularyo na binayaran ni Mommy para tanggalin ang sumpa ko. Pero siyempre, walang naging successful sa kanila. Buhay daw kasi ang naging kapalit ng ginamit na black magic sa'kin kaya masyado 'yong malakas.
Binayaran ni Mommy ang mga tao na 'yon para manahimik. Saka mukhang natakot din sila sa'kin kaya tumupad naman sila sa usapan na huwag ipagkakalat ang tungkol sa'kin. After all, I was able to live peacefully here for the past twenty years.
Pero alam ko kung anong partikular na alaala ang gustong ikuwento ni Mommy kay Sunny.
Ang pinakamasama kong karanasan ay nangyari sampung taon na ang lumilipas. 'Yong Albularyo na natakot sa'kin, pinagpupupokpok ako ng martilyo. 'Yon ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng matinding sakit. Nabasag ang maraming parte ng katawan ko at akala ko, katapusan ko na. Pero pagkatapos lang ng ilang oras, bumalik sa dati ang anyo ko. Na para bang walang masamang nangyari sa'kin.
"Gusto ko lang namang maintindihan ni Sunny kung bakit ka nagkakaganito ngayon. Saka gusto kong malaman niya ang nakaraan mo kasi napansin ko na curious siya sa nangyari sa'yo. I thought being honest was the least thing we could do to repay her for everything she did and would do for us," paliwanag ng mommy ko, saka niya sinara ang pinto ng ref para tumingin sa'kin. "Levi, malaki ang naitulong sa'tin ni Sunny kaya hindi nabuking ng mga tao rito ang tungkol sa existence mo. Nagsinungaling siya para sa'tin at diniin din niya 'yong Jared. Kaya ngayon, iniisip ng mga taga-dito na bangag lang sa droga si Jared at nag-hallucinate no'ng nandito siya sa mansiyon. Dahil sa statement ni Sunny, mas naniwala sa'kin ang taumbayan."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.